Nilalamon na ako ng guilt ko sa mga nararamdaman ko. Ayaw ko na dagdagan yung kasalanan ko kay Adrian sa relasyon namin. Nagtinginan kami ng may narinig kaming kalabog sa labas. " Walang hiya siya!" We heard Camila's voice. Lumabas kaming dalawa sa kwarto para puntahan si Camila sa kwarto niya at nakita namin siya nagwawala. " Camz!?" Tawag ni Adrian sa kapatid. " Kuya!" Tumakbo ito palapit sa amin at yumakap sa kuya niya. Umiiyak siya. " Hey... What's wrong?" Tanong nito sa kapatid. " Manloloko siya... may ibang babae siya, kuya!" Hikbi nito. " That guy!" Inis ni Adrian. Naalala ko tuloy yung panloloko ni Ares sa akin. Alam ko yung gaano kasakit ang lokohin ka ng taong mahalaga sayo. Papaniwalain ka na mahal ka niya pero tinitira ka na pala patalikod. " Pero... ang sabi niya sa

