Pumasok ako sa restaurant palinga-linga sa paligid saka ko nakita si Ares nakaupo sa may dulo ng table. Pansin ko panakaw tumitingin yung mga tao sa loob sa kanya nakakatawag talaga ng pansin yung ganda niya pero wala siyang paki nakatingin lang sa labas ng bintana. Makikipagdate ako sa kanya gaya ng napag-usapan namin.
Uminom ito ng wine ng magbaling yung tingin niya at nakita niya ako. Tumayo ito at ngumiti ng napakaganda sa akin. I hate her smile.
Lumapit ako sa puwesto niya. My eyebrows meet when she pulled a chair for me. Tsk, nagpapaka gentlewoman ang peg.
Pinagmasdan ko mona siya she's wearing a black mini dress, too much skin sexy but elegant. Maganda yung style niya.
" Thank you." Tipid na ngiti ko saka ako umupo. Marunong din siya pumili ng puwesto gusto ko yung tahimik medyo may privacy.
" Umorder ka na."
" Ikaw na ang bahala." As if na gusto ko ito ng pa date-date niya.
" Okay. Waiter!" Tinawag niya yung waiter na agad naman lumapit saka umalis din pagkatapos ilista ang inorder ni Ares.
" You look amazing." Biglang puri niya sa akin. Bola, hindi nga ako nag-ayos. I'm just wearing a white dress. Di ako nag make-up. No effort at all. " You look more beautiful without make-up." Pagkasabi niya nun feeling ko umiinit yung pisngi ko.
" Stop saying weird things. Ano bang trip mo?" I ask her directly.
" Trip kita." And she answer me directly without breaking an eye contact with me.
" A-Ano!?" Di ko maiwasan di mabigla sa sinabi niya. Medyo napalakas yung boses ko dahilan para mapatingin sa amin yung mga tao sa loob. " Wag mo nga ako pinagloloko bata ka." Banta ko sa kanya.
" Hindi na ako bata." Nag pout ito bigla sa harap ko na amused naman ako kasi ang cute nito.
" Basta, wag ka na magbibiro ng ganun." Kumalma naman na ako. Sakto naman dumating na yung order nitong pagkain.
Busy na siya sa pagkain niya bigla na lang kasi ito naging tahimik. Pinagmamasdan ko siya na ganadong ganado kumakain. Saglit ito natigil sa pagsubo na mapansin siguro niya nakatingin ako sa kanya.
" I'm sorry, I'm hungry I didn't eat kanina. I was excited for today." Hindi siya nahiya ipagtapat iyon. " Why are you not eating? Mahal yan... madaming tao di nakakain ng ganyan." Natawa naman ako pero tama naman siya.
Kumain na lang din ako kahit na nakakain na ako sa bahay pero knowing na di siya kumain kanina dahil excited siya sa date namin. Ano ba hindi nga ito date!
" This is my favorite restaurant. Mahilig kasi ako sa European foods. Ikaw?"
" American kasi yun ang paborito namin ni Adrian."
" So, You haven't try European foods?"
" Ayaw kasi ni Adrian ng mga European foods." Napansin ko ang biglang pagsimangot ng mukha ni Ares.
" I'm not asking about Adrian." Seryoso sabi nito. Mukha ito na badtrip na di ko alam.
" Hmm... The food is good." Pagbawi ko pero hindi na ata ito nagma-matter sa kanya kasi tumahimik na ito. Na guilty tuloy ako. " So, Your parents living in Australia?" Pag-iba ko na lang ng usapan para mawala medyo yung awkward.
" No." Tipid na sagot nito. " It's my aunt all along." Makahulogang payahag nito. Ibig niya bang sabihin na hindi siya nakatira sa parents niya technically broken family.
Hindi na ako nag follow up question kasi pakiramdam ko na ayaw din naman niya pag-usapan tungkol sa pamilya niya. " Bakit favorite mo yung mga European foods di ba dapat Australian foods?"
" Basically, aside Australia my second home is Europe. For 7 years nakatira ako sa Europe. Dito na ako sa Pilipinas nag decide mag college."
" It must be so hard for you to adjust."
" It was... But I'm used to it." Ngumiti ito nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya. Mga mata niya na ang daming gustong sabihin. " How about you?"
" What about me?"
" What is your story?" Naging attentive ito.
" Well... everything is good. I'm expecting I will take over my father's position as CEO. Big responsibilities waiting for me but not everything about work... I have a boyfriend. So, balance lang."
" Boring... " I heard her mumbled.
" Are you insulting me?" I can't believe it. Napaka rude niya akala mo naman napaka perfect ng buhay niya para insultohin ako. Galit talaga ako saka bigla ito natawa. " What's really your problem!?"
" Wala... " Wala? pero natatawa siya.
" I have to go." Tumayo ako pero pinigilan niya ako. Napatingin ako sa kamay niya hawak ang kamay ko.
" Stay " When I look into her eyes there is something different. I see passion.
Umupo ako ulit pero ang awkward lang kasi walang nagsasalita.
" I'm sorry earlier I didn't meant to insult you. I just find your life very controlling and predictable that I won't live a life like that."
" This is my life and I like the way how it is. You don't understand because you're still young. Now that I am old enough it is right to take life seriously. I'm not like you and I'm not that person to make silly things."
" Exactly you're straight beautiful matured woman and there is me, just me... " She looks at me intently with admiration. And I don't like it. Kinakabahn ako sa mga titig niya.
Maya-maya ay sinabi ko sa kanya na gusto ko na umuwi kaya inihatid niya ako sa kotse ko.
" Yung pinag-usapan natin."
" Don't worry I keep my word." She assured. Napatango na lang ako.
" Good... I have to go." Paalam ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. " Thanks."
" But for sure it will not be the last time will see each other." Kindat niya sa akin.
" If that... Hindi na ako malalasing." Natawa siya sa sinabi ko.
" Take care."
Tumango lang ako. I start the engine at umalis na sa lugar.
Hindi ako naging productive ngayon araw kasi wala ako ginagawa dito sa opisina ko kundi isipin si Ares. Hindi kasi siya mawala sa isipan ko kahit anong gawin ko wag siya isipin ay nabibigo lang ako. Nahihiwagaan ba ako sa pagkatao niya. May kakaiba sa kanya.
Nag buzz yung notification ko sa f*******: kaya chineck ko. Napataas ang kilay ko nag friend request si Ares Weasley. Yung profile pic niya kumakain ng lollipop. Cute... Should I accept her???
Medyo pinag isipan ko mona then I accept her friend request. Wala naman mali if maging friends kami sa f*******:. Ewan ko ba bigla ko na lang pinindot yung picture nito para bisitahin yung account niya.
Stalker! Sabi ng mahaderang utak ko.
Tse! Hindi ako stalker tinitingnan ko lang. Sagot ko naman.
Madami siyang followers higit sa 1.2M Okay siya na ang sikat! I scrolled down. Isang stollen picture niya naka varsity siya may print na La Salle at pawis na pawis pero hindi nakakabawas iyon sa ganda niya. She's into sports pala at madami nag like dito.
May mga sexy photos din siya na napapatitig talaga ako. Model siya ng isang drink. Ang perfect lang visual niya. She's just a distraction
" Elisse? " Natauhan ako ng may tumawag sa pangalan ko. Si Jennie nasa pintoan. " Mars... Kanina pa kita tinatawag wala ka sa sarili mo nakatingin lang dyan sa computer. Ano ba yan?" Lumapit siya para tingnan.
" Huh? Amh... Wa-Wala toh." Agad ko na pinindot close window bago pa makita ni Jennie. " Just pure business. Nag-iisip kasi ako sa bagong strategies natin kasi bumaba yung sales natin nung nakaraan." Palusot ko na lang.
" So, totoo nga bumaba yung sales natin pero magagawa mo yun ng paraan ikaw pa." Ngumiti lang ako. " By the way, mauuna na ako sayo uuwi."
" Mars..." Natigil ito at lumingon sa akin. " Pag-usapan natin yung strategies na isip ko sa bahay niyo. Sa bahay niyo na ako matutulog."
" Bet ko yan. Tara na." Sigla tugon ni Jennie.
" Saglit, itetext ko mona sila mom saka Adrian." Nagpaalam ako na kila Jennie ako matutulog ngayon.
Dumaan kami kanina sa pizza hut para kumain nag take out na lang si Jennie ng pizza para kay Zoey.
Pagdating namin sa bahay nila may naririnig na kami tawanan sa may sala si Zoey nanonood ng movie di siya nag-iisa.
" Hi ate Jennie." Si Ares.
Akala ko hindi ko na siya makikita pero matalas ata ang dila nito at nagkakatotoo ang sinabi nito na hindi iyon ang huli namin pagkikita kahapon.
" Wow! Pizza." Kinuha naman agad ni Zoey yung dalang pizza ni Jennie.
" Ares, glad you still here." Sabi ni Jennie.
" Ang boring kasi sa condo." Sabay tingin sa akin.
" Buti na lang pumunta ka dito. Zoey paki hinaan yang TV may pag-uusapan kami ng ate Elisse mo importante."
" Ate Elisse dito ka ba matutulog?"
" Oo, dito siya matutulog." Si Jennie na yung sumagot.
" Let's have a girls talk dito din kasi matutulog si Ares." Napasulyap naman ako dito na nakatingin pala sa akin. Napansin ko yung kislap ng mata niya pero nagbawi na lang ako ng tingin.
" Hmm... I bet we can't because we really have a business matter we need to talk about. Next time Zoey." I explained.
" Wag na makulit Zoey." Sita naman ng ate niya.
" Okay."
Sumunod ako kay Jennie sa may dining area. Pinag-usapan namin yung magiging strategies nga namin.
Naririnig nga namin ang tawanan nina Zoey at Ares.
" Masaya ako marinig ang tawa niya." Bigla sabi ni Jennie.
" Always naman masaya si Zoey masayahin kaya yung kapatid mo."
" Alam ko naman yun pero si Ares naman yung tinutukoy ko."
" What about Ares?" It's my chance to know more Ares.
" Ares came from a broken family. She's living with her aunt in Australia. She never talk about her parents. Now, she's living all alone here in Philippines. No one cooks for her... So, she's always in the outside. Kaya nga sinasabihan ko si Zoey na imbitahin lagi si Ares dito sa bahay para naman hindi niya maramdaman na mag-isa lang siya sa pilipinas. I always wanted to make her feel that We, can be her family. But instead you always see her a goofy persons. She's so sweet... She kissed you any minute."
Nakikita namin sila sa may living room. Masayahin tingnan si Ares kasi tumatawa siya pero alam ko may kalungkotan din tinatago sa mga mata niya at nakita ko din iyon kahapon pero bigla ito magbabago kaya natatakpan nito ang lungkot.
Tahimik na ang buong bahay. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko bumaba para magtimpla para uminom ng tubig. Pabalik na sana ako sa kwarto ni Jennie ng mapansin ko nakabukas yung pinto sa balcony nito. Pumapasok kasi yung malamig na hangin.
Naisipan ko din na magpahangin na din mona. Yung niyayakap ka ng malamig ng hangin lalo na sa December na din. Iba yung simoy ng hangin.
" Hi... "
" Aayyy! Kabayo! " May narinig ako boses sa likod ko kaya sa sobrang gulat ko ay nasampal ko ito sa lakas ng kabog sa dibdib ko.
" Ouch!!!" Natigilan ako na makita ko si Ares nakahawak na sa nasaktan pisnge.
Napatakip ako sa bibig ko at pati siya ay nagulat sa ginawa ko.
" Sorry... Ginulat mo kasi ako."
" Hindi kita ginulat, magugulatin ka lang. Ang sakit mo pala manampal." Napahimas siya sa nasaktan pisnge. " First time ako masampal sa buong buhay ko."
" Halata nga." Nakita ko yung bakat sa kamay ko sa pisnge niya.
" Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong nito sa akin.
" Nagpapahangin lang ako saglit. Hindi ka ba makatulog?" Binalik ko lang yung tanong.
" Hindi... inaatake na naman ako ng anxiety ko." Naawa naman ako sa kanya.
" Bakit ka naman inatake ng anxiety mo?" Curious ako.
" There is this person that I can't raid off my mind." Napatitig ako kay Ares nakatingin sa labas bigla kasi bumilis yung t***k ng puso ko. " No matter how much I tried but I can't." Napalingon siya sa akin. She looks so serious lalo lang ako kinakabahan. Nate-tense kasi ako sa tingin niya kaya umiwas agad ako.
" Then, stop thinking about him."
" You mean her... " Pagtatama nito. Kunot noo napatingin agad ako sa kanya. You mean she's...
" I'm gay... " She's honestly said straight to me. I was shock.
" But why!?" Napataas yung boses ko. She doesn't look like gay but she was acting weird. Like, how she stares at me but it never comes to my mind that she is gay.
" Like you're asking why they are white." She jokes but I give her a serious look. " You're a straight girl but you don't understand what's like being me just like I like you..." Out of nowhere she confessed. Nalaglag yung panga ko. Hinahanap ko sa mukha niya kung nagbibiro ito.
" Please no more jokes." Pinapakalma ko yung sarili ko sa revelations nito. Gusto ko tuloy umakyat na lang sa itaas. It's getting more awkward.
" Gusto kita, Elisse." I feel the sincerity on her voice. Nagkatitigan lang kami. Tinatangay ng hangin ang umaalon niyang buhok bigla kasi lumakas yung hangin. She smiles at me beautifully. She touch my face and I just lost by her gaze.
Nanlaki na lang mga mata ko sa gulat ng magkadikit na pala ang mga labi namin. Nawala ako sa sarili na nahipnotismo sa kanya. Gumagalaw yung labi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit di ko ito kaya itulak. Nagpapatangay ako sa mga halik ni Ares na tinutugon ko din. Inilagay ko yung mga kamay ko sa batok nito habang lumalalim yung halikan namin.
Hindi ko na din itatanggi sa sarili ko na may kakaibang epekto si Ares sa akin nung una ko pala siyang nakita. She makes me vulnerable.
Kinabukasan sa opisina ko I make myself super busy dahil ang dami naman talaga kailangan asikasohin ng hindi ako ma distract sa ibang bagay.
You mean ' Sino ' sabi ng utak ko.
That's why I make myself super busy because I know I just think about the kiss we shared last night. How I badly want it more. It makes me frustrated.
Natigil lang ako sa ginagawa ko na may tumawag sa phone ko. Napakunot noo ako unknown number. I automatically decline it. Istorbo! Ang nakakainis dun may tumatawag na naman at same number ulit.
Arrgh!!! Sino bang buwisit na caller na ito!?
Sagutin mona lang baka importante.
" Hello?" Iritabling sagot ko.
" Hi... " Nabitawan ko yung ballpen hawak ko ng marinig ko yung boses ni Ares sa kabilang linya. " It's me Ares... "
Siya pala yung magandang buwisit. Sigaw ng isip ko.
Isa pa tong isip ko. Isa ding buwisit.
" How did you get my number?" I was curious.
" Before that, andito ako sa lounge. Can you meet me?"
" WHAT!? Anong ginagawa mo sa lounge?" Natataranta naman ako.
" I want to see you." May paglalandi sa tinig nito na parang kinikiliti naman ako.
" Wag kang aalis diyan pupuntahan kita." I warned her.
" Okay... See you!" Nakangiti ito na kinikilig masasabi ko kasi dahil sa tono ng kanyang boses.
Nagmadali ako bumaba para sa puntahan ito sa lounge. Habang working hours pa at busy ang mga tao.
Pagdating sa lounge at nakita ko siya agad nakaupo siya sa sofa may kinukulikot sa phone niya. Palinga-linga mona ako sa paligid kung may nakatingin ba sa amin mukhang wala naman. Nilapitan ko siya saka hinila ko.
" Hey?" Hinila ko siya palabas ng building.
" What are you doing here?" Medyo nagalit talaga ako na andito siya na walang paalam.
" Because I want to visit you, miss na agad kita." Paglalambing nito ayaw ko magtuonan ng pansin ang kilig sa mga salita niya kasi mas nangingibaw kasi yung kaba ko na andito siya sa building at hindi man lang ito natinag sa galit kong boses habang hinihila ko siya.
Patuloy ko siya hinihila hanggang sa makarating kami sa parking lot at pinasok ko siya sa kotse ko para dun kami mag-usap.
" Ayaw ko nagpupunta ka dito sa companya baka makita ka ni Jennie at maghinala sa atin."
" Gusto lang kita makita kahit saglit." Naka-pout ito. Napatanga lang ako dahil ang cute nito. Could it be possible as beautiful but at the same time as cute, well it's Ares Weasley! And I hate it.
" About the kiss..." She wants to open that topic.
" Just forget it." Pag-iwas ko sa tingin niya.
" I can't do that... It means a lot to me. I kissed you and you kissed me. The kiss was real. " She sounds so upset. " Please look at me..." Tumingin ako sa kanya. " I'm in love with you." My eyes goes widen with her suddenly confession.
" No... that's impossible. We met only for five days. You! Stop it." I warned her. "
" Just five days... But I fell in love with you the first time I saw you." Full of conviction. I stunned.
I feel her sincerity through her emotions and her eyes.
" Ares... This is so wrong. I have a boyfriend and I'm straight!" Nakita ko naman na nasaktan ko siya sa sinabi ko. " I've never imagined myself having relationship with a girl." Nakakahiya iyon pero pagdating kay Ares hindi ko mapigilan sarili ko. " And here you are, I knew... My feelings for you are so strong." Napaangat naman ang mukha niya at nakita ko kung paano kumislap ang hazel brown na mga mata niya.
In my surprised she kiss me passionately. Pinaparamdam niya sa akin kung gaano siya kagaling humalik na parang nilulunod ako. I just respond all of her kisses. She made me feel wants some more.
" For me, it's enough."
We both catching our breaths. Hahalikan na sana din niya ulit ako pero pinigilan ko siya. I need to control myself.
" Go... " I whispered.
" But..." Magrereklamo sana ito dahil pinapaalis ko na siya.
" Sige na, baka hinahanap na ako sa opisina. Tatawagan na lang kita mamaya."
Ngumiti naman nito kita yung dimples. " I'll wait..."
Bago ito lumabas sa kotse ninakawan mona niya ako ng halik sa labi at saka ito kumindat sa akin. Napakapilya
Elisse... Ano ba itong pinasok mo!?
Dito sa loob ng koste ko nakatanaw lang ako kay Ares. Lumingon ito sa gawi ko kahit na tinted yung kotse alam niya nakatingin ako sa kanya.
Kumaway siya at nag flying kiss sa akin. I can't help myself but to smile. How can I resist to that!? Bahala na si Batman. s**t! There's something special to her.