Magkasama kami ni Miss Lindsay gusto niya daw ako masolo para mas makilala pa. Pinasyal naman niya ako sa mansyon. Pinakita niya sa akin ang mga baby pictures ni Ares at napapansin ko maluha-luha si Miss Lindsay. " Nung nalaman namin na buntis ako ay napakasaya namin ni William kasi gusto na namin magkaroon ng sarili naming pamilya. Pero... masyado pa komplikado ang lahat nun. Nagsisimula palang ako sa karera ko sa showbiz at mataas ang expectation ng ama ni William sa kanya sa pamamahala ng companya. Labag man sa loob namin ay kailangan namin ilihim si Ares. Pinaalaga ko si Ares sa kapatid ko na nasa Australia. Bilang mga magulang niya napakahirap na hindi namin siya nakakasama at naaalagaan." Tuloyan na ito naiyak. Naintindihan ko na kung bakit hesitant si Ares magkwento o pag-usapan

