Chapter 23 PRESTON… HALOS PALIPARIN na niya ang sasakyan niya marating niya lang ang kinaroroonan ni Jasmine. “Turn left,” utos naman sa kanya ni Fortress. She’s the one navigating him to where to go. And honestly she’s a big help, hindi niya alam paano nito nagagawang gawing go ang signal ng lahat ng traffic light na nadadaanan nila para mapabilis ang biyahe nila. Basta sa tuwing matatapat sila sa mga traffic light laging green ang ilaw nito. Saka na niya ito pasasalamat kapag nasa tabi na niya si Jasmine at ligtas na ito. For now ang focus niya ay ang mailigtas ang girlfriend niya sa lalong madaling panahon. “Stop,” utos na naman sa kanya ni Fortress na agad niyang sinunod. Their at the middle of the road, malayo pa sa lugar na alam niyang pupuntahan nila dapat. Bago pa man siya m

