Two

1097 Words
chapter 2 NAGLALAKAD SIYA galing sa patahian niya sa bayan, walking distance lang kasi ang stall niya sa mismong bahay nila. Hindi pa siya nakakalayo nang may mapansin siyang sasakyan na convertible na paparating. Kilala niya ang sasakyan na iyon, walang iba kung hindi kaya Dylan. Napahinto pa nga siya sa paglalakad para lang pagmasdan ang sasakyan na nakababa ang bubong at tanaw na tanaw ang kaniyang long-time crush na si Dylan. Napapasunod na lang ang tingin niya sa sasakyan mula sa harapan niya hanggang sa tumapat at lagpasan siya nito. Napasimangot siya ng makitang may kasamang babae ang lalaki na halata ang pagka-clingy ng babae kaya Dylan. Dahil sa gwapo talagang lapitin ng babae ang hinayupak na iyon. Kung sino-sino ang nakikita niyang kasama nito, minsan pa nga may nakita siyang kasama nitong artista. Nang hindi na niya matanaw ang sasakyan nito nagpatuloy na siya sa paglalakad. Kailangan niyang makauwi na at madami pa siyang gagawin. Kailangan pa niyang mag-post ng mga bagong design ng mga damit na nagawa niya para mangalap ng mga pa-order. Habang naglalakad, bigla siyang may naisip na naman. Bakit ba ang bright ng utak niya ngayon? Kahapon lang naisip niyang makipag-one night stand para magkaanak. Ngayon naman ang nasa isip niya na ay kung sino ang magiging Tatay ng magiging anak niya. And she think none other than Dylan. Her long-time crush. Iisipin na lang niya ngayon kung paano siya magpapapansin kay Dylan para maambunan siya ng semilya nito. Nagmamadali na siyang umuwi para makapagplano na talaga ng future niya. NAKAHARAP SIYA ngayon sa laptop niya hindi para mag-post ng mga new designs na mga damit na binebenta niya. Nakaharap siya sa laptop niya para mag-research kung ano ang magandang gawin para mang-akit ng lalaki. Halos lumuwa ang mga mata niya sa mga nababasa niya, hindi naman masyadong garapalan ang nababasa niya. Kaso sa ugali na mayroon siya hindi niya alam kung magagawa ba niya iyon. Kahit naman lumaki siya sa Manila hindi siya naging liberated o kahit sa pag-iisip na lang. Sabihin na lang natin na open minded siya, tanggap niya ang mga kababalaghan na nagaganap sa mga babae at lalaking hindi pa kasal. Kasi hello bunga rin siya ng affair out of marriage. Nabuo muna siya bago sana magpakasal ang mga magulang niya. So back to the topic, naghahanap siya nang magandang idea kung papaano siya magpapansin kaya Dylan. In short, kung paano niya aakitin si Dylan. Hindi biro ang mga nababasa niya sa internet. Ano ba naman kasi itong mga nababasa niya, may paka-conservative pa naman siya. Hindi siya nagsusuot ng mga damit na maiksi o halos kita na ang kaluluwa. Lalo na ang mag-make-up, iniisip pala niya parang kinikilabutan na siya sa magiging itsura niya. "Tips na nga lang kung paano makipag-s*x," kausap niya sa sarili. Meron naman siyang nababasa pero feeling niya nakukulangan siya. Seryoso siyang nagbabasa ng mga kung ano-anong anik-anik sa internet tungkol sa S*x nang magpatugtug ba naman nang malakas ang kapitbahay nila. Naiinis na lumapit siya sa nakabukas na bintana niya sa kwarto para sana isarado ito nang marinig niya ang kanta. Alam niya ang kanta na iyon, maraming beses na niyang narinig ang kanta na iyon. Medyo sumikat kasi iyon, para sa kanya medyo lang kasi hindi naman iyon ang genre niya sa mga kanta. Basta may alak may balak na kinanta ng skusta clee. Hindi niya alam kung bakit bigla parang naging interesado siya sa kanta. Napansin na lang niya nakahilig siya sa hamba ng bintana at pinapakinggan na ang kanta. At nang matapos hindi pa siya nasiyahan at hinanap niya pa talaga sa YouTube ang kanya at makailang ulit na pinakinggan. Nang makuntento na siya sa kakapakinig may bago na naman siyang ideya na naisip. "Why so bright today Jasmine Bautista, ang talino mo talaga." Para siyang baliw na kinausap ang sarili habang panay ang pitik ng mga daliri at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. May naisip na siyang plano, iyon ay ang ayain ng inuman si Dylan. Problema na lang niya ay kung paano siya papansinin ng lalaki para maaya niya ito ng inuman. .................. "NAKU! KANG bata ka, hindi sa ganoong pangyayari ka nabuo. Nabuo ka kasi mahal namin ng tatay mo ang isa't isa." Nasa harapan sila ng hapag-kainan nang maisipan niyang tanungin ang Ina kung paano siya nabuo. "Bakit ba bigla mong naisipan na itanong iyan ha Jasmine?" Tanong naman ng Tiya Cresencia niya. "Wala naman po, na-curious lang." Bigla niya kasing naisip na baka sermunan siya ng mga ito kapag sinabi niya ang balak niya. Alam naman niyang hindi papayag ang mga ito sa balak niyang iyon, lalo na ang Mama niya. "Kung mag-asawa ka na kaya anak, para naman may maliit na batang tumatakbo dito. Nakaka-miss na rin na may batang pakalat-kalat dito sa bahay," ani Tiya Krising niya. "Papaano namang mag-aasawa itong si Jasmine, ang palaging hinaharap ay makinang panahi. Maano bang makina naman ng lalaki ang harapin niya nang sa gano'n magkabata na nga talaga dito," sagot ng Tiya Salud niya. "Ate, hindi ganyan ang pagpapalaki ko kaya Jasmine. Mainam na maikasal na muna siya bago ang bata. Ayokong matulad siya sa akin na naanakan na muna bago sana pakasalan. " ani ng Mama niya bago siya balingan. "Ikaw anak, ang nahapin mo mabuting lalaki na responsable pa at syempre maingat sa buhay niya... " Marami pang sinabi ang Mama niya pero hindi na niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Hindi sa bastos siyang bata, kung hindi maraming beses na kasi niyang narinig iyon na pangaral ng ina. Nang nasa loob na siya ng kwarto at mag-isa na lang, agad niyang ni-lock ang pintuan. Alam niya kakapangaral lang ng Mama niya sa kanya ngayon lang. Pero kasi buo na ang loob niya na gagawin na talaga niya ang Plano niyang magpabuntis at hindi na magpapakasal. Kailangan lang niyang araling mabuti ang bawat galaw na gagawin niya lalo na kapag nasa kama na sila ni Dylan. Kailangan total performance para makabuo agad ng bata. Hindi pwedeng hihiga lang siya at maghihintay ng dilig gaya ng mga nababasa niya, kailangan niya ring magtrabaho para makabuo. At iyon ang gagawin niya ngayon, manonood siya ng mga video. Tutorial ang nasa isip niya kung paano gawin. At wala naman siyang ibang makukunan ng tutorial video kung hindi sa mga p*rn sites. "Okay this is it!" Pinagkiskis pa niya ang palad na namamawis at nanlalamig habang naghahap ng magandang mapapanood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD