Chapter 35 PRESTON… “LINTIK KA! Lakas ng loob mong magpakita sa making damulag ka!” inis niyang bulalas ng bumungad sa harapan niya si Zeus. Nakangisi lang ang gago habang papalapit sa kanila at hindi pansin ang init ng ulo niya. Prente pa nga itong naupo sa tabi pa talaga niya mismo. “Ano bang agenda ng meeting na ito? Pakibilisan may date pa ako sa honey ko,” ungot agad ng gago samantalang siya ang huling dumating. Mas lalong nag-init ang ulo niya dito. Pero kailangan niyang magtimpi, iniisip na lang niyang ito ang nagligtas sa buhay niya noong panahon na nasa ilalim siya ng dagat. Ito kasi ang nakakita sa kanya agad, bago si Apollo at nagtulong ang dalawa na maalis ang paa niya sa pagkakaipit. “Sino bang nagsabi na isama ang isang ito ngayon gabi?” baling niya sa dalawang ulu

