I wake up with Carter, cuddling me. Sakit agad ng ulo ang una kong naramdaman, sa pag mulat ng mata ko napansin ko na hindi ko kwarto itong tinulugan namin kundi kwarto niya.
Urgh! Grabe, feeling ko ang bigat ng ulo ko.
“Carter,” pag-gigising ko kay Carter sa pamamagitan ng haplos sa chin niya.
“Hmmm?” He just hummed.
“Tubig.” Minulat niya ‘yung mga mata niya at tumingin sa’kin. Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi ‘saka na siya bumangon ng kama niya.
Ipinikit ko nalang ulit ‘yung mga mata ko kasi naman, talagang napaka sakit ng ulo ko dahil sa pag iinum namin. Siguradong parusa ‘to, lalo na’t may trabaho kami ngayon ni Carter.
Grabe! Hindi na ‘ko iinum ng gano’n kadami ulit.
Narinig kong nag bukas ang pinto sa kwarto ni Carter at tinawag niya ‘ko. "Baby, ito na ‘yung tubig mo.”
Minulat ko ulit ‘yung mga mata at tumingin sa boyfriend kong napaka hot naman talaga, dahil topples lang siya. Umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan ang suot ko. I’m wearing his black T-shirt. Hinubad niya lang pala ang dress ko at ito na ang isinuot sa’kin.
“Here..” Inabot niya sa’kin ‘yung tubig na nag lalaman ng ice cubes, ‘saka siya humiga ulit ng kama niya at iniyakap sa tummy ko yung kamay niya.
Ininum ko nalang muna ‘yung tubig na talaga namang nag pa ginhawa sa’kin ng kunti. Inilapag ko naman agad yung baso sa side table niya and do’n nakita ko yung cellphone ko kaya kinuha ko muna ‘to at tinignan ang oras.
Pero ‘di lang oras ang nakita ko kundi pati message from Vince. Ano naman kayang ite-text ni Vince sa’kin?
Tumingin ako sandali kay Carter na nakapikit lang at mukhang inaantok pa.
Binasa ko na ‘yung text ni Vince since nakapikit naman si Carter.
** Hi Ellison, sorry kung naistorbo kita. Gusto ko lang mag sorry, i'm really sorry dahil hindi maganda ang una kong intensyon talaga sa panliligaw ko sayo. Pero nag bago na yun ngayon dahil talagang tinamaan ako sayo, pero may boyfriend ka na kaya alam kong hindi mo na ko papansinin. Dibale, malay mo soon magkaroon tayo ng chance and i will make sure na kapag nabigyan nga tayo ng chance hindi ko na papakawalan yun. Sana maging masaya ka sakanya, just remember kung may kailangan ka nandito lang ako. Take care always, Ellison. **
Wow! Ito na ata ang pinaka mahabang nareceived kong text buong buhay ko. Mas mahaba pa pag sinisermunan ako ni Mama sa text.
“Baby…” Carter called making me looked at him. Bigla niyang hinatak ‘yung cellphone ko at binasa yung text ni Vince.
s**t! Siguradong magagalit siya sa mababasa niya.
“Umaasa pa talaga siya ah.” He dryly said, giving me back my cellphone.
“It's just a text, Carter.” Inilapag ko nalang ‘yung cellphone ko ulit sa side table.
“It's just not a text for him.”
“Well for me it was.” Humiga nalang ulit ako at yumakap sa kanya, pero bigla nalang siya pumisisyon sa ibabaw ko na hindi ko na masyadong ikinagulat dahil gawain naman niya ‘yan.
“Walang pwedeng umagawa sa’yo, akin ka lang Elli.”
I touched his both cheeks. “Sa’yo lang ako Carter.”
He smiles. He kissed my lips, i respond parting my lips for him to deeper his kiss. His tongue plays mine. I feel his hand slowly pulling up my T-shirt, he breaks the kiss for him to pulled out the T-shirt.
“You are really so sexy, baby.” He admiringly said, wearing a sexy smirks on his handsome face.
“Just do whatever you want now Carter, bago pa ko bumalik sa pakipot mode ko.” I joke.
“No! No! No! it’s been days baby, bawal ang pakipot ngayon.”
I giggled at his word. Nagbibilang pala siya? Grabe siya!
He was about to kiss me ng makarinig kami ng katok mula sa labas.
“Kuya! Breakfast na!” That's Claire.
Carter groans, disappointingly. “Istorbo talaga ‘tong si Claire.” Ibinagsak niya ‘yung katawan niya sa’kin at isinuksok ‘yung mukha sa leeg ko.
“Carter bumangon na tayo bago pa tayo pasukin ni Claire.” I said chuckling.
“I don't care!”
“Well i do care! I’m only wearing underwear!”
“Hmmm…” he just hummed, disappointingly.
“Carter!!” I tried to pushed him on his shoulder.
“Ayaw!”
“Ay bata?!”
“Ayaw!”
I giggled. “Carter, umayos ka nga! Sige na mamaya na natin to ituloy sa Unit.”
I sense he’s smiling, humalik muna siya sandali sa leeg ko ‘saka finally umalis na sa ibabaw ko. Yung mga mata niya nagningning sa excitement dahil sa sinabi ko. Oh, Carter!
He offered his hand para tulungan akong umupo ‘saka ko isinuot yung T-shirt na suot ko kanina bago niya hubarin. “Carter, pwede mo ba’ kong ihiram ng short kay Claire? Pangit namang humarap sa Mama mo ng underwear at T-shirt lang ang suot ko.”
“Okay lang sa’kin kung ‘yan ang suot.” Pilyo niyang sabi.
“Tumahimik ka nga! Ihiram mo na ‘ko!” Pambihira talaga, puro nalang kapilyuhan ang lumalabas sa bibig niya. Papaltukan ko na ‘to eh.
He laughed. “Just kidding baby.” He bends down and kisses me first bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Dahil wala na siya, umalis na ‘ko ng kama niya at iniyos muna yung unan at tinupi yung kumot bago ako humarap sa salamin para tignan ‘yung sarili. Kumuha ako ng ponytail sa bag ko at tinali pataas ‘yung buhok ko.
Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya nabaling dun ang tingin. Tingin ko hindi si Carter ‘yon kasi imposible namang kumatok pa ‘yun sa kwarto niya.
Nag bukas yung pinto and i saw Claire grinning, teasingly at me. “Elli, ito na yung short mo.” Tumingin siya sa’kin from head to toe.
“Wow! I wonder kung paano nag pigil si Kuya kung ganyan lang ang suot mo.” She teases. Oh Claire, kung alam mo lang hindi siya nakapag pigil kung ‘di ka lang nangistorbo kanina for sure may nangyari na.
Gusto ko sanang sabihin ‘yon pero syempre, ‘di ko gagawin ‘no.
“Akin na nga lang ‘yung short.”
Pahagis niya ‘tong inabot sa’kin at umupo sa gilid ng kama. “Alam mo bang ipinaglaban ni Kuya kay Mama na sa kwarto ka niya matulog kagabi? Si Mama kasi pinupush na do’n ka sa kwarto ko matulog dahil mag girlfriend at boyfriend palang naman daw kayo pero, biglang sinabi ni Kuya na may nagyari na sainyo kaya ayon.. napapayag na niya si Mama.” Natatawa nitong balita sa’kin.
I put my hand on my forehead, nakakahiya! “Yung Kuya mo talaga, unstoppable.”
She laughed. “I know right.”
Isinuot ko na muna ‘yung short na pinahiram ni Claire ‘saka kami sabay na lumabas ng kwarto ni Claire. Naka angkla ‘yung kamay niya sa braso ko habang nag lalakad kami pababa ng dining room. Naabutan namin do’n sila Tita, Tito at Carter. Sa paligid nila parang may tensyon. Ganto ba lagi sa hapagkainan nila?
“G-good morning po.” Nahihiya kong bati sa kanila. Mas nakakahiya kay Tita sa ideang alam na niyang may nangyari na sa’min ni Carter plus, lasing ako kagabi. Shemay!
“Good morning din, hija.” Tita greeted nicely.
Umupo na kami ni Claire, tumabi ako kay Carter si Claire sa tabi ko din. Bale, pinag gigitnaan ako ng mag kapatid.
Naramdaman ko ang pag hawak ni Carter sa kamay ko sa ilalim ng lamesa, kaya napatingin ako sa kanya. Ipinatong niya lang yung kamay naming nag kahawak sa kandungan niya.
As we started to eat breakfast, si Claire lang ang maingay at kwento ng kwento. Knowing her alam kong ginagawa niya ‘yan dahil sa tensyon sa hapagkainan but luckily effective naman.
The whole time na kumakain kami, hawak hawak lang ni Carter yung kamay ko buti nalang at yung left hand ko ang hawak niya dahil right handed ako, kung hindi baka ‘di ako naka kain ng maayos.
Nang matapos naman ang breakfast namin, dumiretso ako sa kwarto ni Claire kasi naman hihiram ako ng susuotin.
“Claire, talaga bang gano’n ka-intense lagi ang hapagkainan n’yo?” I asked, habang pumipili ng masusuot sa closet niya. Siya naman busy lang sa cellphone niya sa kama.
“Oo, si Kuya kasi eh.. may alam mo na, tampo pa rin kay Mama.”
“I see.” Mukhang malalim ang tampo ni Carter sa Mama niya kaya until now ‘di pa rin sila okay.
“Pwede ba ‘kong humingin ng favor?” Claire asked making me looked at her.
“Oo naman.”
“Tulungan mo naman si Kuya na, mapatawad niya si Mama. Nabangit kasi ni Kuya na, pinush mo raw siyang makipag ayos sa’kin.” Seryoso niyang sabi.
“Honestly, wala naman akong ginawa tungkol sa pagkakaayos n’yo. Si Carter parin ang kumilos ng lahat hindi ako, sinabi ko lang naman na makipag ayos siya sa’yo.”
“Exactly, nakikinig sa’yo si Kuya. Baka makinig din siya sa’yo kapag sinabi mong makipag ayos siya kay Mama.”
Nakikinig sakin si Carter? Talaga? Nakikinig lang naman siya sa’kin pag nasa trabaho eh. Well kung sabagay nakinig siya nakinig siya noong sinabi kong tigilan na niya ‘ko.
“I won’t promise you that Claire, but.. I’ll try.”
She smiles. “Thanks, dahil d’yan.. boto na ‘ko sa’yo!” She winks, playfully.
I laughed. “Bakit noon ba hindi?”
“Mmm.. dati kasi 99.9 percent lang pero ngayon 100 percent na.”
Sabay kaming tumawa sa sinabi niya. Baliw talaga tong best friend ko.
_______
Nasa Studio ako ngayon, si Carter naman wala. Kasi inutusan ko siyang ipadala yung prenup photos na kinuhanan namin noon sa Baguio para sa dati kong schoolmate, kaya alone ako ngayon dito sa Studio.
Dahil wala naman akong walk in clients at gagawin, nag social media nalang muna ako.
As i open my account, there’s a lot of Notifications and five friend requests. Tinignan ko ‘yung mga nag friend request sa’kin at ‘di ko maiwasang mapangiti na isa si Carter do’n na ang profile picture ay, picture namin together kagabi na kinuhanan niya sa kwarto niya no’ng nag clubbing kami para sa celebration ni Claire. The last time na nakita ko ‘yung account niya siya and ‘yung Margaret pa ‘yung profile pic niya ngayon kami na.
Ang sweet talaga ng boyfriend ko.
Syempre, inaaccept ko na yung friend request niya at gano’n din naman yung iba, isa na do’n si Vince. Yup, he added me to.
“Baby…” I heard Carter yelled, almost echoing inside the studio.
Tumingin ako sa direksyon at tumayo na para lapitan siya. Bigla niya ‘kong niyakap pag kapalapit ko na akala mo isang taon niya ‘kong hindi nakita.
“Namiss kita baby.”
“Grabe ka naman, isang oras ka lang ata nawala na miss mo agad ako?” Natatawa kong sabi.
“Mm..hmm!” He hummed saying yes. “It feels like, years.” He added.
I giggled. “Okay,” Bumitaw na ‘ko sa pag kakayakap sa kanya at hinawakan siya sa mag kabilang pisnge na may halong pang gigigil. Hinalikan ko muna siya ng mabilis sa labi niya ‘saka nag salita. “Back to work now, Carter.”
He chuckled. “Yes, Ma'am.”
Gustuhin man namin o hindi, kailangan naming maging professional ngayon dahil nasa trabaho kami. Pagkasabi ko nun nag kanya kanya na kaming balik ng desk namin.
Nang matapos ang working hour...
Hinayaan ko lang si Carter ang magsara ng Studio, ayaw din naman niya ‘ko patulungin kaya ang ginawa ko nalang nag hintay sa tabi ng kotse niya at panuorin siya sa pagsasara.
Nang matapos siya sa pagsasara, nag lakad na siya papalapit sa’kin.
Inilagay niya ang mga kamay ko sa bewang ko. “Anong gusto mong kainin ngayon?” Tanong niya.
“Mmm.. ano kaya kung mag take out nalang tayo ng foods at sa Unit natin kainin?” I suggest.
“Okay, ‘yon nalang.” He touches my both cheeks and kisses my forehead.
Pagkatapos niya 'kong halikan sa noo hinawakan na niya ‘ko sa kamay at nag lakad kami papunta sa passenger seat at inilalayan niya kong sumakay. Pagkasakay ko, siya naman ang sumakay sa driver’s seat. Tahimik lang kami habang nasa byahe, buti nalang at naalala kong may pinakiusap pala sa’kin si Claire kaya may mapag uusapan kami.
“Carter..” i called him.
“Hmmm?” He just hummed.
“Uh.. ayos lang bang mag tanong about sainyo ng Mama mo?”
Tumingin siya sandali sa’kin at ibinaling din naman agad ang tingin sa kalsada. “Ayos lang.”
Ayos lang ba talaga? Pero parang hindi eh, kasi naman ang seryoso ng mukha niya.
“Ayos lang naman kung ‘wag muna, naiintindihan ko naman.”
“Mag tatanong ka rin soon, kaya ngayon mo nalang itanong kasi baka pag ipinagpaliban pa ‘to baka tamarin na ‘kong sumagot.”
Paano ba? Paano ko ba sisimulan? Natatakot ako baka sa sasabihin ko o itatanong ko ikagalit niya.
“Uh.. may chance pa kaya na uh.. mag kaayos kayo?”
Medyo inabot din ata ng minutes bago siya tuluyang sumagot, akala ko nga ‘di siya sasagot eh.
“Hindi ko alam.”
“Bakit hindi mo alam?”
“Hindi ko naman kasi siya kinakausap kung hindi niya ‘ko kakausapin.”
Siguro talagang naiilang siya sa Mama niya, dala na rin siguro ng haba ng panahon na hindi sila nag sama plus may sama pa ng loob si Carter sa Mama niya.
“Gusto mo bang makipag ayos sa kanya?” Tanong ko.
“Yung totoo simula nung magkaayos kami ni Claire, gusto kong isunod ‘yung sa’min ni Mama kaya lang hindi ko naman alam kung paano.”
Oh! So, may plano na pala siya. Bakit di niya sinabi? Kung sabagay ngayon lang ako nag tanong.
“Mmm.. ano kaya kung mag simula ka sa pagyaya sa kanya sa isang date, i mean.. i-date mo si Tita.”
He chuckled, weakly. “Tapos ano? Kakain lang, gano’n?”
“No, isip ka ng pwedeng pag usapan like.. you’re going back at school or ask about secrets ni Claire no’ng bata siya para may ipangasar ka do’n sa kapatid mo, anything.”
Patay ako kay Claire pag nalaman niyang sinabi ko ‘to, pero siya rin naman nag request nito sa’kin eh. Pasensya nalang.
“Pag iisipan ko, sa ngayon...” He holds my hand. “..ang iisipin ko muna ang busugin ka at yung gagawin natin sa kwarto mo.” Pilyo niyang sabi sabay halik sa kamay ko.
Hinila ko yun at hinampas siya sa braso. “Para ka talagang sira!” Tumawa lang siya sa sinabi ko.
Bigla ba namang i-segway dun ‘yung topic? Pambihira talaga ‘yung kapilyuhan niya unstoppable.
Nang finally nakarating kami sa fast-food chain. Carter said na siya nalang daw ang mag o-order at ‘wag na daw akong bumaba ng kotse, so sumunod nalang ako kasi masunurin akong girlfriend.
Inabot din ata si Carter ng fifteen minutes bago siya tuluyang lumabas ng fast-food chain at sumakay ng kotse bitbit ang isang bucket ng fried chicken, with four cup of rice and two coke drinks.
Ang bigat nito sa tyan.
Kailangan na talaga akong maturuan ni Claire mag luto.
Ako ang humawak ng foods habang busy si Carter sa pagmamaneho hangang finally nakarating kami ng Condo.
Si Carter ang unang bumaba ng kotse at gentleman na pinag buksan ako ng pinto. Kinuha muna niya ‘yung foods at siya ang nag bitbit ‘saka naman ako bumaba ng kotse.
Mag kahawak kamay kaming nag lakad papunta sa Elevator at sumakay dito hangang sa nakarating kami ng Unit ko at dumiretso sa dining area ko.
Kumuha ako ng dalawang plato para sa’min, and two pairs of fork and spoon.
We washed our hands first bago kami tuluyang kumain.
Sa dami nitong fried chicken, ewan ko lang kung maubos namin ‘to.
Habang kumakain bigla kong naalala yung about sa pag babalik school niya, ano na kayang balita dun?
“Carter naayos mo na ba ‘yung mga papers para sa pag babalik school mo?”
“Hindi pa, tinawagan ko na tungkol dun si Papa kaya lang.. ayaw niyang kunin dahil wala daw bantay sa Diner niya.”
“Oh! Really?"” I asked, confused. Bakit parang ang dating sakin ayaw siyang tulungan ng Tatay niya?
“Pero may naiisip akong hingian ng tulong, sana pumayag ka.” Tanong niya.
“Kung makakatulong naman sa pag kuha ng papaers mo, bakit hindi?”
“Kasi kay Margaret kong planong humingi ng tulong.”
Oh!! Si Margaret pala, ang ex niyang nag pumilit na mag shift si Carter ng course na naging dahilan para huminto siya.
Hindi nalang ako nag salita at nag patuloy nalang sa pag kain. Yung totoo, Oo nag seselos ako. Six years sila eh, di naman siguro maiiwasan yun.
“Kung ayaw mo, hindi nalang ako hihingi ng—“
“No! Ayos lang, kung makakatulong siya ayos lang sa’kin.” Moody kong sabi.
“Are you sure—“
“Yah!”
He sighed heavily. “She's just an ex now.”
“I know.” Tumahimik nalang ulit ako at nag patuloy sa pag kain, gano’n din naman siya.
Haay! Bigla ako nawala sa mood no’ng pinag usapan ‘yung ex niya.
Nang matapos kaming kumain, hinayaan ko na si Carter na mauna ng pumasok sa kwarto ko habang ako mag huhugas muna nung pinagkainan namin.
Nang matapos naman akong kumain, pumasok na ‘ko sa kwarto. Dahil wala pa si Carter, for sure nag sha-hower pa siya kaya umupo nalang muna ako ng kama ko.
Tinangal ko yung eyeglass ko at inilapag to sa side table ko.
“I'm done.” I heard Carter said. I stand facing him, he’s topples ang cover lang ay towel na nakatapis lang sa waist niya.
Kumuha lang ako ng towel at nag lakad na papasok ng bathroom pero bago pa ko makapasok pinigilan ako ni Carter sa pamamagitan ng pag hawak sa braso ko.
Tumingin ako sakanya, nakatitig lang naman siya sa’kin ng blangko ang mukha.
“What?” I asked.
“Ang tahimik mo hindi ako sanay, mas gusto kong inaaway mo ‘ko at nag tataray ka kesa ganyang tahimik ka.”
“Gusto mong awayin kita?”
“No, syempre hindi.” Niyakap niya ko. “Takot ko lang na awayin mo ‘no.” Paglalambing niya.
I smiled lightly. “Okay, hayaan mo na ‘kong maligo.”
“So, bati na tayo?”
I chuckled. “Hindi naman tayo nag away ah.”
Bumitaw siya sa pag kakayakap sa’kin. “Oo nga pala, sige maligo ka na may gagawin pa tayo.” Pilyo niyang sabi sabay ngiti.
I rolled my eyes. Napunta na naman sa sexing. Tss. Pambihira talaga!
Kung sabagay naka pangako na pala ako sa kanya kanina na dito namin itutuloy yung hindi namin nagawa dahil sa pangiistorbo ni Claire.