Papunta na 'ko ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Claire Montero dahil nag papasama siya sa'kin do'n sa Audition niya para sa isang model search, kinakabahan daw kasi siya baka hindi siya matanggap samantalang pang model ang katawan niya at beauty niya.
Maganda at sexy siyang babae, kaya 'di ko alam kung bakit nag click kami bilang mag kaibigan samantalang ako, nerd at siya Ms. Popular... Ay teka, Ms. popular din pala ako... popular bilang Nerd.
Nang makarating ako sa bahay nila, nag doorbell na 'ko at ilang sandali lang pinagbuksan na niya 'ko ng gate.
"Oh Elli ang aga mo ah." She comments.
"Well, gusto ko lang masiguradong hindi ka male-late sa Audition mo at siguraduhing pupunta ka."
She laughed. "What are you, my manager?"
"No, your future photographer." Na pag-usapan kasi namin na kapag sumikat siya sa pangarap niyang maging model ako ang gagawin niyang photographer, 'yon kasi ang profession ko.
"Okay, Okay. Sige pasok ka." Ginawa ko naman agad ang sinabi niya. Pumasok kami sa napaka laki nilang bahay, nag tuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Kung saan sobrang kalat, paano naman kasi 'yong mga dresses niya nasa sahig lahat.
"Binagyo ka ba dito?" Pabiro kong tanong.
She sighed. "I don't know what to wear, kaya ayan kinalat ko." Hmm.. 'yan talaga problema lagi ng magaganda hindi alam kung anong isusuot samantalang ako, pantalon at T-shirt lang keri na walang ka proble-problema.
"Alam mo isuot mo nalang ang kahit na ano dyan, kesa ang ma-late ka."
"Alam mo 'yong mga advice mo hindi talaga nakakatulong!"
"Nerd ako, duh! Ano bang malay ko dyan?"
"Ikaw lang eh masyado mong pinupush ang mag pakanerd samantalang may beauty ka naman."
"Wala ako nun! Sige na mag bihis ka na sa labas na 'ko mag hihintay." Pagkasabi ko nun, lumabas na 'ko ng kwarto. Pumunta muna 'ko sa C.r nila dito sa second floor para makita ang itsura ko, may salamin kasi sila sa C.r eh. Sosyal diba? Wala kasi niyan sa Unit ko kaya sosyal. Haha.
Ang totoo wala naman akong titignan sa sarili ko kasi, 'yon at 'yon lang din naman ang nakikita. Babaeng nakapusod palagi, nakasalamin, walang make up, pulbo lang ayos na, ni wala ngang lipstick eh pero take note, may pagka-redish naman ang lips ko kaya 'di na kailangan ng make up.
Nang masiguro ko na Nerd padin ang itsura ko. I mean, nerd naman na talaga dinodoble check ko lang. Lumabas na 'ko ng C.r, isasarado ko palang 'yong pinto ng C.r nang may makita akong isang makapigil hiningang ka-gwapuhan at ka-sexyhan ng isang lalake. He's topless, kaya 'di ko maiwasang tignan ang perfect eight packs abs niya.
s**t! Sino siya?
"Are you done eye-r****g me?" He asked, rudely.
"I uh... ah... eh... I'm not eye-r****g you. I was just.. checking who you are." Pagpapalusot ko.
Seriously Ellison 'yan na ang palusot mo? I scolded myself.
"By checking my abs?" He amusingly asked.
"S-sino ka ba?" Diyos ko, paano kung boyfriend pala 'to ni Claire nagkasala pa tuloy ako sa pagtitig sa abs ng boyfriend niya.
"Ako dapat ang magtanong niyan..." He said walking straight to me wearing a sexy mirk on his handsome face. "Who are you?" He asked.
"A-ako s-si Ellison." Nauutal kong sabi dahil sa nerbyos. Paano naman kasi topless siya tapos nag lalakad siya papalapit sa'kin gustuhin ko mang lumayo, nakokorner na 'ko.
"Ellison? Hmm... kaibigan ka ba ni Claire?" He asked. Tumango lang ako ng napakabilis. Mas lalo siyang naka lapit sa'kin dahil wala na 'kong na atrasan pa kundi pader. Inilapat niya 'yong kaliwang palad niya sa pader malapit sa ulo ko habang nakatingin sa dibdib ko.
Loko 'to ah! Oo gwapo siya at sobrang yummy pero bawal ang tumingin ng ganyan, babae pa din ako kahit hindi halata.
Bigla niyang pinindot 'yong dibdib ko na akala mo botton lang sa elevator. "Akala ko pom lang, may laman naman pala." He comments, chuckling.
"Bastos!" I snapped glaring.
He smirked. "Buti nga hinawakan pa kita eh."
"Ha! Para namang nag makaawa akong gawin mo 'yon!" Sarkastiko kong sabi.
"Matapang na Nerd, i like that."
Plano ko sana siyang sipain sa binte niya pero 'di tumama. "Nice try, Nerd."
"Bwiset ka, umalis ka nga dyan!" I tried to push him on his chest.
"Ngayon, na nanantsing ka na!" He said smirking, chuckling a little.
Dali dali kong tinangal 'yong kamay ko sa dibdib niya. "Ang kapal ah!!"
"Let me guess Nerd, wala ka pang first kiss 'no?"
"So?"
He laughed. "I knew it."
"Puwede ba, sino ka ba? Close ba tayo?"
"Hindi pa pero malapit na, kapatid ako ni Claire." Hinawakan niya 'yong kamay ko at hinalikan ito nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Carter Lawrence, at your service baby." He winks.
Kapatid ni Claire? Wait may nabanggit na siyang may half brother siya sa ibang bansa, siya na ba 'yon? Kita mo nga naman no'ng nag pasabog ng kagandahan at kagwapuhan gising silang dalawa samantalang ako nag lalaway sa unan ko at natutulog.
He bends down his face closer to mine, like super close. Half inches nalang ata ang layo ng mga labi namin.
Diyos ko Lord! Ano 'tong ginagawa niya?
He was about to kiss me nang marinig namin ang boses ni Claire. "Uh.. what are you guys doing?"
Sabay kaming napatingin sa direksyon ni Claire na halatang nagtataka sa posisyon naming dalawa ng kapatid niya.
Bigla kong tinulak si Carter habang naka focus pa siya sa pag tingin sa kapatid niya 'tsaka dali-daling lumapit kay Claire at pumwesto sa likod niya na parang isang takot na bata.
"I was just introducing myself to your friend, sis."
"By harassing her?"
"Me? Harassing her? Oh c'mon, she's not even pretty." Oo na, 'di na 'ko maganda. Ipangalandakan daw ba? Yabang! Pasalamat siya at gwapo siya.
"'Wag mong pag tripan kaibigan ko ah, magkakalabo tayo!" Claire warned.
"Yah! Yah! Fine." Walang ganang sabi ni Carter at pumasok na sa c.r. Ako lang ba nakakapansin o mukhang hindi sila magkasundo?
"Okay ka lang?" Claire asked making me look at her, nakakatitig kasi ako sa pinto ng c.r eh.
"Uh.. Oo, ayos lang ako."
"What i mean is, okay ka lang bakit ka nakatitig sa pinto ng c.r?"
"Ha?" Pagtataka ko.
"Don't tell me na gwapuhan ka do'n sa kapatid ko?"
"What? No!" I lied.
She chuckled. "Good, playboy 'yon kaya 'wag na 'wag kang lalapit do'n." Halata naman sa itsura at katawan niya eh.
"You have nothing to worry about." I reassured. Ngumiti lang siya tila hindi na convince sa sinasabi ko. Naglakad nalang kami pabalik ng kwarto niya na makalat padin.
"Kailan mo lilinisin 'yan?" Tanong ko.
"Pagka-uwi ko." Kinuha lang niya 'yong gamit niya na dadalhin sa audition 'tsaka namin sinimulan ang maglakad palabas ng bahay niya. Iisang kotse lang ang gagamitin namin at 'yon ay ang kotse niya kaya no choice ako kundi bumalik sa bahay niya mamaya pag natapos ang audition.
Siya ang nag mamaneho habang ako nasa passenger seat. Bigla pumasok sa isip ko 'yong kapatid niyang sobrang gwapo. "Bakit pala parang hindi kayo magkasundo ng kapatid mo?" Tanong ko.
Tumingin lang siya sa'kin sandali at ibinalik naman agad ang tingin sa kalsada.
"Well, siguro dahil hindi kami mag kasamang lumaki at isa pa inaaway niya lagi si Mama dahil sa pagaasawa ulit nito which is my Dad nga."
"Kung lagi niyang inaaway ang Mom mo, bakit siya nasa inyo ngayon?"
"Nalaman kasi ni Mama na 'di kami mag kasundong magkapatid, kaya pinilit niyang papuntahin dito si Carter kahit na lagi siyang inaaway nung anak niya."
"Gusto mo bang magkaayos kayo?" Tanong ko ulit.
"Yah maybe, he's still my older brother and aminin man natin o hindi masarap ng may kapatid kaya lang unang araw palang niya dito sa Philippines inaaway na agad niya si Mama kaya pati kami nag away."
Sabagay knowing Claire, very protective siya sa mga taong malapit sa kanya. Siya nga ang laging umaaway sa mga nang bu-bully dati sa'kin sa school eh. Kung sa'kin protective siya, do'n pa kaya sa Mama niya?
"Mukhang matagal bago kayo magkakasundo dahil magkaiba kayo ng ugali, ikaw protective... siya mukhang bully."
She laughed. "Tama ka, but still gusto kong magkasundo kami para kay Mama." She seriously said.
"Magkakasundo din kayo nun." Pagpapalakas ko ng loob.
"Sana nga." She smiled weakly. Hmm.. kitang kita sa mga mata niya ang kagustuhan na magkaayos sila ng kapatid niya kaya lang napaka arrogant naman ng kapatid niya kaya suntok sa buwan na mangyari.
Siguro naman may maitutulong ako para magkaayos sila?
Itinigil ko na muna ang pagtatanong para makapag focus na siya sa pagmamaneho, marami pa naman kaming oras para mapag usapan ang kapatid niya.
Nakarating kami finally sa show kung saan gaganapin ang Audition kaya itong kaibigan ko todo na ang kaba sa dibdib. Siya ang pang 46 na mag a-audition ayun sa number na nakalagay sa uh... parang name tag na ewan. Hindi ko alam kung anong tawag.
Lahat ng nag audtion ay maganda at gwapo, malamang. Pero hindi naman papatalo ang kaibigan ko na hanggang ngayon kinakabahan padin.
"'Wag ka ngang kabahan dyan!" I scolded her.
"Try mo kaya dito sa posisyon ko para alam mo kung gaano 'to nakakanerbyos."
"Sira ka ba? Kaya nga 'ko nag photographer eh dahil ayaw ko ng mga ganyan."
She rolled her eyes. "Oo na!"
Oo na daw pero kung bumuntong hininga wagas.