"There's a shooting star." My bestfriend Anisha look at the sky while uttering those words.
"And then?" I asked sarcastically.
"Wow ha, parang di ka humiling noon sa shooting stars." She said.
"Noon yon." Mataray na sambit ko.
"Ok, sabi mo eh." She said then leave me stunned.
Shooting stars? May naniniwala pa ba nyan sa ngayon? Muli akong tumingin sa kalangitan, kapag ba humiling ako ngayon na bumalik sya. Babalik ba sya?
—
"Hoy babaeng bansot." Isang nakakairitang boses na naman ang narinig ko. Kung pwede nga lang sanang pumatay, ginawa ko na sakanya eh.
"Problema mo na naman?" Iritang tanong ko.
"Ito naman napakasungit, nandito ka ulit? Gabi na ah." Sambit nya.
Kasalukuyan akong nasa rooftop ng building kung saan kami nakatira.
Sya si Yael, childhood bestfriend ko kasama ko na sya since 3yrs old ako at hanggang ngayong highschool kami, para ngang magkadikit na bituka namin eh dahil sa palagi kaming magkasama.
Isa sa pinakapaborito naming gawin ay ang tumambay dito sa rooftop at tumingin ng kalangitan, magbilang ng mga bituin at kung susuwertehin. Humiling sa shooting stars.
"Chloe, may shooting star." Sambit nya at tinuro yung shooting star na dumaan.
Sabay naman kaming pumikit at humiling.
"Sana po palaging masaya si Chloe, tapos po sana manatili syang matatag sa lahat ng pagsubok na pagdadaanan nya." Hiling nya na nagpangiti sakin.
Isa lang ang hiling ko, yun ay ang makasama ko sya hanggang sa pagtanda, sa tuwing nandito ako at nakakakita ako ng shooting star, ayun at ayun lang ang hiling ko.
—
"Chloe, saan ka pupunta?" Tawag sakin ni Yael habang palabas ako ng condo namin.
"Anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong ko.
"Naramdaman ko na aalis ka." Sambit nya ng di man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Ang lakas ng pandama mo ha." Sarkastikong sagot ko. "Pupunta ako sa grocery bibili ako ng pagkain ko." Sambit ko sakanya.
"Sama ako, libre mo ako." Nakangiting tugon nya.
"Ang kapal din ng mukha mo no'? Inis na tanong ko.
"Medyo." Sambit nya at nauna na akong maglakad.
Sa buong pamimili namin, wala syang ibang ginawa kundi mangulit ng mangulit naiirita na ako pero wala naman akong choice.
"Chloe? Paano pag umalis na ako?" Seryosong tanong nya.
"Ha? Saan ka pupunta?" Takang tanong ko.
"Hindi, tinatanong ko lang kung paano pag umalis ako tapos hind~"
"Wag mo na ituloy." Pagputol ko sa sasabihin nya.
Mismong ako hindi ko din alam ang sagot, paano nga ba kung aalis sya? Kaya ko kaya? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Matapos ng tanong nya, naging tahimik kami habang namimili. Iniisip ko pa din kasi yung mga tanong nya, hindi ko alam kung ano nga bang mangyayari kapag nawala sya.
"Chloe, magiingat ka ha." Sambit nya sakin bago pumasok sa condo nila.
Hindi na ako sumagot, dumiretso na ako at sinara ang pinto.
Hanggang sa pagtulog ko, yun at yun ang naiisip ko, hindi mawala sakin yung tanong ni Yael, nasasaktan ako kapag naiisip ko na kahit anong oras pwede nya akong iwan.
—
"Chloe!" Rinig kong tawag sakin ni Yael.
"Oh? Bakit?" Tanong ko.
"Magkita tayo sa rooftop, mamaya may sasabihin ako." Seryosong sambit nya at umalis.
Napaisip tuloy ako kung anong sasabihin ng tukmol na yon, nakakapagtaka naman ngayon nya lang kasi ako niyayang pumunta doon. Madalas kasi pumupunta kami doon na hindi sinasabihan ang isa't isa, siguro sanay na kami na ganon.
—
"Yael? Huy tulog kaba?" Pagtawag ko sakanya, kanina ko pa kasi sya tinatanong kung anong sasabihin nya, hindi naman sya nasagot.
"Ha? Tawag moko?" Takang tanong nya.
"Oo, kanina pa ano bang nangyayari sayo?" Inis na tanong ko.
"W-wala, may shooting star oh." Turo nya doon sa dumaang shooting star.
Sabay kaming pumikit at laking gulat ko ng niyakap nya ako tsaka sya humiling.
"Sana kayanin mo ng magisa." Sambit nya habang nakayakap sakin.
—
"Chloe ayos kalang?" Rinig kong boses ni Anisha, kaya agad akong lumapit sakanya at niyakap sya.
"Ano nangyayari? Naalala mo si Yael?" Tanong nya. Ngunit imbis na sumagot mas pinili kong manahimik at yakapin lang sya.
"Hanggang kelan ka aasang babalik sya?" Tanong nya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sakanya. "Hanggang sa bumalik sya." Diretsong sagot ko.
"Matutupad lahat ng hiling mo, nandito lang ako." Sambit nya sakin.
Muli akong tumingin sa kalangitan at may dumaan na shooting star. Agad akong pumikit at humiling.
"Sana masaya ka, at sana sa pagbalik mo masabi ko yung bagay na hindi ko nasabi bago ka umalis." Hiling ko at muling tumingin sa kalangitan.
"Mahal kita"
"Mahal din kita." Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon at nakita ko muli sa harapan ko ang lalaking naging dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi ako napagod humiling.
"Y-yael?"
"Chloe, kumusta na ang bestfriend ko?" Tanong nya.
Ngunit imbis na sumagot mahigpit na yakap ang tinugon ko. Salamat tinupad nyo ang hiling ko.
Muli kaming gagawa ng panibagong kabanata, kabanata kung saan hihiling kami ng sabay sa kalangitan, hawak kamay at hindi na muling magiiwanan.