I WILL WAIT FOR YOU.

501 Words
"Hey you're always lonely, you don't want to hang out with us?" My classmate asked me. "No need, sanay ako magisa." I answered without looking at her. She nodded then leave me, hindi ako palasama sa iba, mas gusto ko na magisa lang ako at di ko din naman kailangan ng makakasama. Minsan na akong iniwan ayoko ng maulit. — "Hey, I'm Shane." Isang babae ang naglahad ng kamay nya sa harapan ko. Tinignan ko lang sya habang nakalahad ang kamay nya sa harap ko. "Nagpapakilala ako, di mo man lang ba ako papansinin?" Tanong nya. Inabot ko ang kamay nya at ngumiti sakanya. "Ayesha." Sambit ko sakanya. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala nya ako sa isang burol, kitang kita ang magandang tanawin mula dito, nakakagaan ng loob ang hampas ng hangin, tunog ng mga dahon at himig ng mga ibon. "Bakit mo ako dinala dito?" Takang tanong ko sakanya. "Nakita kong malungkot ang mga mata mo kahit pa nginitian mo ako. Naisip ko na kailangan mo ng pahinga." Sambit nya at ngumiti sakin. Simula sa araw na yon nakahanap ako ng kaibigan, kaibigang handa akong damayan at masasabihan ko ng pinagdadaanan ko. Araw-araw kaming magkasama ni shane, sakanya ako tumatakbo kapag nahihirapan ako, sakanya ko sinasabi lahat ng hinanakit ko. — "Sinaktan nya ako." Sambit nya habang umiiyak. Kanina pa kami nandito sa tambayan namin dahil kanina pa sya naglalabas ng hinanakit nya. "Shush, magiging maayos din ang lahat." Pagaalo ko sakanya. Nanatili kami sa isa't isa kahit pa puro problema na ang pinagdadaanan namin, pero hindi lahat ng masayang simula, magtatapos sa masaya ding katapusan. "Hi Shane, kanina ka pa dito?" Sambit ko sakanya, pero di nya ako sinagot. "Huy Shane?" Muling pagtawag ko sakanya. "Oh? Nandyan ka na pala, upo ka." Sambit nya. Umupo naman ako at nakita kong namumugto ang mga mata nya, mukhang kagagaling nya lang sa pagiyak. "Ayos ka lang? Umiyak ka na naman ba?" Tanong ko sakanya. "Ayos lang ako." Sambit nya. "May sasabihin pala ako sayo." Muling lintanya nya. "Ano yon?" Tanong ko. "Magiingat ka palagi ha? Wag mo pababayaan ang sarili mo." Sambit nya. "Oo naman, ikaw din ha? Magiingat ka." Sambit ko at nginitian sya. — "Huy? Hindi ka pa uuwi?" Sambit sakin ng kaklase ko na naging dahilan para bumalik ako sa reyalidad. "Uuwi na ako." Diretsong sambit ko at agad na umalis. Dumaan ako sa lugar na naging dahilan kung bakit ako nananatiling magisa, umaasang pagbalik ko nandoon na sya. Tatlong taon na ang lumipas ngunit di pa sya bumabalik, ayun ang huling paguusap naming dalawa ni hindi nya sinabing aalis sya. Ni hindi sya nagpaalam, ang sakit isipin na yung taong kinasanayan mong nandyan, nawala ng hindi ka man lang nakapagpaalam. "Hindi ko alam anong dahilan bakit hindi mo sinabi saking aalis ka, pero naiintindihan kita alam ko babalik ka. Hihintayin kita pangako." Pangako ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim at ngumiti, inalala lahat ng nangyari nung panahong nandito pa sya bago sya umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD