Kabanata 6: One Friend

2630 Words
Sabado night “Oh, napadalaw ka?” gulat na sabi ni Ella ng makita si Tiffany, nasa bahay siya ng araw na iyon at matagal din niya hindi nakita ang kaibigan. “May ikukuwento ako sayo, pero bago ang lahat papasukin mo muna ako.” natatawang sabi ni Tiffany. “Ay oo nga pala, sorry nabigla ako sa pagdalaw mo.” natatawang sabi ni Ella at pinapasok nito ang kaibigan sa loob ng bahay niya. “Matagal din tayo hindi nagkita. Mukha kasing busy ka.” birong sabi ni Tiffany kay Ella. Napangiti si Tiffany kay Ella, kaibigan niya ito noong highschool pa lang sila. Matanda siya dito ng ilang taon pero kahit ganoon kakaiba ang closeness nila sa isa’t isa. “Ikaw kaya ang busy. Kamusta ka naman as teacher sa Academy? Ano pakiramdam na ang dating estudyante ng St. Valentine ay teacher na ngayon?” nakangiting sabi ni Ella. “Masaya. Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Ikaw kamusta?” tanong ni Tiffany. “Mabuti, kahit wala si Kuya Steven. Natuto akong mag-isa. Hahaha.” pagak na tawa ni Ella. Naaninag ni Tiffany ang lungkot sa mata ng kaibigan, nabalitaan niya dito ang hindi na pag-uwi ni Steven mula ng magtrabaho ito sa ibang lugar. “Gusto mo sumama sa akin, may party akong dadaluhan. Isasama ko rin si Patty at mabibigla kayo sa makikita niyo.” excited na sabi ni Tiffany. “Sige, para naman makapag-unwind ako.” nakangiting sabi ni Ella. Bente anyos na ang kaibigan ni Tiffany na si Ella, lalo itong gumanda na sigurado niyang mas maraming nagkakagusto rito. “Sure iyan ha, na sasama ka dahil may ipapakilala din ako sa inyo.” masayang sabi ni Tiffany, gusto niya surpresahin ang mga kaibigan tungkol kay Ramon kaya  saka na niya sasabihin ang lahat tungkol sa inaakalang pumanaw na nobyo. “Bakit may ipinalit ka na ba? Nakapag-move on ka na ba?” nakangiting sabi ni Ella. Alam niya ang pangungulilang dinanas ng kaibigan ng mamatay si Ramon at hindi biro ang nangyari kay Tiffany. “Basta sumama ka na lang. Nakontak ko na si Patty maya-maya andyan na iyon.” sabi ni Tiffany. “Si Marie, nakontak mo ba?” tanong ni Ella, dahil ang huling bisita ni Marie ay matagal na at hindi na ito muli nagparamdam. “Hindi nga eh. Pero pumunta iyon noong nakaraan sa bahay kaso mukhang may tinataguan, tulad ng dati maligalig pa rin.” natatawang sabi ni Tiffany. Alam nila na nag-asawa na si Marie at nagpakasal sa Amerika at si Dennis ang naging asawa nito. Pero ilap si Marie magkuwento tungkol sa nangyayari sa buhay mag-asawa nito. “Magmeryenda ka muna. Ipaghahanda kita, wala kasi sila mama nasa grocery. Alam mo na, soloista na ako. Hahaha!” pagak uli na tawa ni Ella. “Huwag na, kasi aalis na tayo agad pagdating ni Patty. Ito nga nagtext na malapit na daw siya.”sabi ni Tiffany. “Ganoon ba? Okay. Hintayin na lang natin.”sabi ni Ella. “Ikaw, hindi ka ba magbibihis?” tanong ni Tiffany kay Ella ng umupo lang si Ella sa sofa. “Hahahahaha, bakit pa ako magbibihis? Sapat na ito.” nakangiting sabi ni Ella at nakuha pa nitong kumindat kay Tiffany. “Bahala ka baka makita mo ang prince charming mo doon.” birong sabi ni Tiffany. “Hahahahahaha, may iba na akong pinagkakaabalahan.” makahulugang sabi ni Ella kay Tiffany na ikinataas ng kilay ng Tiffany. “Ano naman iyon?” tanong ni Tiffany. Pinagmasdan ni Tiffany si Ella dahil mula ng maghiwa-hiwalay sila mas lalo naging malihim si Ella, mas lalo nitong sinasarili ang lahat ng nangyayari dito at never nga niya itong naringgan na may problema ito. “Hindi ano kundi sino? hahahaha.” natatawang sabi ni Ella at hinampas pa nito si Tiffany. “Grabe siya oh, hindi ako si Marie. Makahampas ito.” birong sabi ni Tiffany. “Hi girls!” sigaw ni Patty mula sa pintuan nila Ella na nagpahinto sa pag-uusap ng dalawa. Napatingin sila Tiffany at Ella sa pintuan ng mapangiti ang mga ito ng makita si Patty na mas lalo gumanda at tumangkad din ito. “Langya ang ganda mo ha.” sabi ni Ella na ikinagulat nila Patty at Tiffany sa tono ng boses ni Ella. “Langya baka ma-tomboy ka sa akin Ella.” birong sabi ni Patty at akmang uupo ito ng pigilan ni Tiffany. ‘Huwag ka ng umupo aalis na tayo.” sabi ni Tiffany kay Patty. “Masakit ang paa ko, ghurl.” sabi ni Patty at naupo ito ng patalon sa sofa nila Ella. Natawa si Tiffany dahil sa kanilang apat si Patty ang mahinhin at tahimik pero nagbago ang kilos nito ng mag-OJT ito sa Manila dahil unti-unti itong naging magaslaw. “Bakit ganyan ka kumilos? Naka-short ka pa naman.” sabi ni Ella kay Patty. “Hoy, ikaw ba yan Steven? Langya parang sumanib ang espiritu ng Kuya mo sayo.” natatawang biro ni Patty pero napatigil ito ng hindi nagsalita si Ella. “Sorry,” sabi ni Patty at tumayo ito at niyakap si Ella. “Langya ang bango mo.” natatawang sabi ni Ella kay Patty ng yakapin siya nito.  Napatayo si Patty at lumayo kay Ella ng marinig ang sinabi ni Ella, dahil ganito ang mga sinasabi ng kaibigan nilang tomboy na si Macoy, noong high school pa sila kapag may naaamoy na mabangong babae. “Langya umalis na nga tayo. Kinikilabutan ako kay Ella.” sabi ni Patty. …………………… Hours Later Franxie Resto “Dito talaga tayo?” nagtatakang tanong ni Patty. “Asar naman akala ko naman sa bar tayo pupunta.” dismayadong sabi ni Ella, nakasuot pa naman siya ng-short shorts at sa sobrang liwanag sa Franxie Restaurant kitang kita ang alindog niya, samahan pa na naka sleeveless lang siya na pang itaas. “Sabi ko kasi sayo magbihis ka.” natatawang sabi ni Tiffany kay Ella. “Hahaha. Mabuti nga ganyan ang suot mo, Ella. Eh, paano pa ako? Butas butas ang damit ko.” asar na sabi ni Patty naka-short siya at may butas na style iyon sa bandang hita samahan pa na naka hanging shirt lang siya. “Hahahahha, wala naman akong sinabi na magba-bar tayo.” natatawang sabi ni Tiffany sa dalawang kaibigan. “Kaasar ka, at dahil inasar mo kami. Ikaw magbabayad sa lahat ng kakainin namin.” sabi ni Ella kay Tiffany. Naupo ang tatlo  at natatawa  lang si Tiffany ng magtawag ng waiter sila Patty at Ella at umorder ito ng mamahaling pagkain. “Uubusin namin ang sahod mo, hahahahahhaha.” natatawang sabi ni Patty kay Tiffany. Nagawa pa ni Patty na umorder ng wine. “Ayos tig-isa talaga kayo ni Ella ng wine?” natatawang sabi ni Tiffany, at nailing ito dahil isang buong sahod ang presyo ng mga pagkaing kinuha ng dalawang kaibigan. “Mayaman ka naman, at alam naman namin na malaki magpasahod ang Academy. Mag-aapply nga ako sa Admin kapag naka-graduate ako this school year.” sabi ni Patty kay Tiffany. “Sige para magkasama uli tayo.” excited na sabi ni Tiffany na ikinangiti ni Patty. “Ikaw Ella saan ka magtatrabaho?” sabi ni Patty. “Saan pa ba iyan magtatrabaho kundi sa Cheung Company dahil magagalit ang mommy niyan kapag hindi siya doon nagwork.” birong sabi ni Tiffany. Alam nila Tiffany at Patty na alaga si Ella ni Mrs Cheung, ang nanay ni Rod na ex-boyfriend ni Ella. “Hindi ko momy iyon, mabait lang talaga sa akin si Tita Menchie.” sabi ni Ella at tinungga nito ang wine na binili. “Hoy, nakakalasing pa rin iyan. Huwag mong tunggain.” sabi ni Tiffany kay Ella. “Okay lang tunggain iyan Tiff. Libre mo naman, hahahahahah.” natatawang sabi ni Patty at tinungga din nito ang wine na binili. “Pasali naman ako.” Nagulat ang tatlo ng marinig ang boses na iyon, isa lang ang kikay na boses na may ganoon. Lumingon ang tatlo at tumili ng makita si Marie. “Pasali ako, Huwag kayo maingay.” sabi ni Marie namumula ang pisnge nito na halatang hiyang ito sa Amerika. “Marie, tumangkad ka ha” birong sabi ni Patty at tinungga ang wine. “Grabe siya oh. Kaunti lang ang tinangkad ko. Saka mas okay na itong height ko, madali akong magtago. Hahahahah.” sabi ni Marie at tumingin ito sa paligid. “Sinong kasama mo?” tanong ni Tiffany. “Edi iyong monster ko. hahhahahha.” natatawang sabi ni Marie. “Baliw.” natatawang sabi ni Ella, na-miss niya ang matalik na kaibigan at ang kalokohan nito. “Bhes, may sasabihin ako sayo mamaya.” mahinang sabi ni Marie at kumindat ito kay Ella na mukha naman nabasa ang gusto nitong sabihin. “Kayong dalawa, anong kalokohan na naman iyan.” naiiling na sabi ni Patty kay Marie at Ella. “Kasali kayo. Tutulungan niyo ako mamaya.” natatawang sabi ni Marie. “Na ano?” tanong ni Tiffany. “Mamaya kapag nag-restroom tayo. Kasi paparating na ang monster ko.” natatawang sabi ni Marie. Lumingon ang tatlo sa sinabi ni Marie at nagulat sila Patty at Ella ng makita si Ramon. Kasama nito si Dennis na tinatawag na monster a.k.a mister ni Marie. “Hi,” tipid na sabi ni Ramon kila Ella at Patty ng makalapit ito sa mesa ng mga babae. “Kailan ka iniluwa ng langit?!” nagulat na sabi ni Patty at tinungga nito ang wine sa di makapaniwalang nakikita. “Langya kailan nagbukas ang impiyerno?” nanlalaking mata na sabi ni Ella tumayo pa ito at lumipat ng upuan. Dala pa nito ang plato sa pag-lipat ng upuan sa takot nito sa nakikita. “Grabe kayo. Si Ramon iyan binagsak siya ng langit sa akin. Nagulat kayo, ano?” nakangiting sabi ni Tiffany, tumayo ito at niyakap si Ramon. “Sino ang dalawang kutong lupang ito?” napipikong sabi ni Ramon sa sinabi nila Patty at Ella dahil ang akala niya nag-iisa lang ang kutong lupa na makikita niya at si Marie iyon, tatlo pala. “Hoy, hindi kami kutong lupa.” sabi ni Marie at nagawa pa nitong batuhin ng ice cube si Ramon. “Mag-behave ka nga.” sabi ni Dennis sa asawang si Marie. “Behave naman ako.” nakangiting sabi ni Marie kay Dennis, na nagawa pa nitong yakapin si Dennis, pero ang mata ni Marie ay nakatingin kay Ella habang nag-uusap sa mga mata ang magkaibigan. Nagkatinginan sila Patty at Tiffany alam nila may binabalak na naman sila Marie at Ella. “Anong behave? Ilan beses mo na ngang tinakasan ang asawa mo.” sarkastikong sabi ni Ramon kay Marie dahil katunayan kakahanap lang ni Dennis dito noong nakaraang araw. Sinundo pa ito ni Dennis at kung hindi ito nahawakan ni Dennis tatakbo na naman si Marie. “Hindi na siya makakatakas.” natatawang sabi ni Dennis at tiningnan nito ang tatlong bodyguard. Tiningnan ni Ella ang tatlong bodyguard, at tiningnan nito si Marie ng biglang ngumiti si Ella sa kaibigan. Nagtinginan sila Patty at Tiffany bibilang lang ng oras o minuto siguradong may kalokohang ilalatag ang dalawang kaibigan. “Paano siya nahukay?” natatawang tanong  ni Ella at itinuro nito ng tinidor si Ramon na ikinatawa ni Marie at Patty. “Grabe kayo.” sabi ni Tiffany. Huminto naman ang tatlo sa biruan ng makita ang pagdaramdam sa mukha ni Tiffany. Niyakap ng tatlo si Tiffany, dahil alam nilang matagal itong naghintay. “Joke lang. Sorry na.” sabi nila Ella, Marie at Patty kay Tiffany. “Okay lang. Alam ko naman na mga baliw kayo.” sabi ni Tiffany sa tatlong kaibigan. Pinagmamasdan ni Ramon ang apat, hindi man niya matandaan ang apat na dalaga. Pero isa lang ang sigurado siya, iba ang samahan ng pagkakaibigan ng mga ito. “Dahil nabuhay ka. Ikaw ang magbabayad ng kinain namin.” sabi ni Patty ng bumaling ito kay Ramon. “Si Ramon ang may-ari nitong Franxie Resto.” natatawang sabi ni Tiffany. “Talaga?” di makapaniwalang sabi ni Ella. “Oo.” tipid na sagot ni Ramon. “Kung ganoon….” putol na sabi ni Ella at tumingin ito kay Patty at sabay nila tinungga ang wine na hawak, “Ililibre mo kami ng alak.” sabay na sabi nila Patty at Ella na naubos ang isang bote ng wine. Kumuha uli ang dalawa at binuksan iyon at tinungga. Nagtawanan lang sila Tiffany at Marie pero nakatingin ng matiim sila Ramon at Dennis sa mga ito. “Late na ba kami?” Napatingin ang apat na babae sa pinanggalingan ng boses. Sa pagbaling ng tingin ng apat sa nagsalita nakita ng mga ito si LJ at nasa likod nito si Rod habang may katext sa cellphone. “Bakit kayo nandito? Hindi kayo invited dalawa.” sabi ni Marie sa dalawang dumating, galit siya sa dalawa dahil iniwan ng mga ito sila Patty at Ella sa Academy. “Huwag ka maingay.” awat ni Dennis kay Marie at niyakap ito. “Sino nag-invite sa kanila?” malambing na tanong ni Marie kay Dennis. “Sinama ko na lang.” sabi ni Dennis at hinalikan nito sa noo si Marie. “Hindi ba tayo uupo? Ang pangit naman kung nakatayo lang tayong lahat.”  sabi ni LJ at ng napatingin ito kay Patty kumunot ang noo nito ng makita ang suot ng dating nobya. “Pangit ba?” nakangiting sabi ni Patty kay LJ ng tingnan siya nito. Umikot pa si Patty na ikinatawa ni Ella. “Ang cute mo kaya.” sabi ni Ella kay Patty, na ikinatingin ni Rod kay Ella. “Grabe ka Ella kanina ka pa.” sabi ni Patty sabay yakap nito kay Ella. “f**k, itigil niyo iyan dahil ang sagwa.” galit na sabi ni Rod ng magyakapan sila Ella at Patty, na ikinatingin ng lahat kay Rod. “Aiiissssttt, ano kayang masama sa yakapan?” natatawang sabi ni Ella at nakipag-apir ito kay Patty. Pinagmamasdan ni LJ ang apat na babae, mula ng nangyari ang insidente sa La Secretos, nagbago ang ugali ng mga ito. Naging magaslaw si Patty na dating mahinhin, at nag-iba na rin ito ng pananamit. Si Ella naman naging lalong malihim, lumayo ito sa mga lalaki pero masyado itong malapitin sa mga babae. Si Tiffany na ayaw sa maraming tao at ayaw nitong madikitan ng iba, At si Marie na laging nakadikit kay Dennis pero lagi rin nitong tinatakasan ang asawa. “Umupo na tayo. Kumain na ba kayo?” tanong ni Rod at umupo ito sa upuan na malapit kay Ella. Tiningnan ni Rod ang nobya o ex nobya. Hindi niya alam kung ano sila ni Ella dahil hindi sila nag-break pero hindi na rin sila tulad ng dati na sweet sa isa’t isa. “Bakit ganyan ang suot mo?” seryosong tanong ni Rod kay Ella. Tiningnan ni Rod si Ella gumanda ito lalo na ikinangiti ng lihim ni Rod. “Ano ka ba uso ngayon ito? Para makahatak ako ng sexy girls dapat sexy ka rin. Hahahhaha.” natatawang sabi ni Ella at palihim itong tumingin sa mga bodyguard ni Marie. Napansin ni Rod ang ikinikilos ng apat, at mula ng mangyari ang insidente naging maligalig ang apat na magkakaibigan. “Bhes, ihi tayo,” yaya ni Marie kumawala ito kay Dennis pero hindi ito binitawan ni Dennis. “Ako sasama sayo?” sabi ni Dennis, alam niya kapag nagsama sila Ella at Marie may kalokohang magaganap. “Mamaya na ako iihi. Gusto ko si Ella ang kasama ko.” naglalambing na sabi ni Marie kay Dennis. “Sige pero sasamahan ko kayo.” sabi ni Dennis kay Marie. Nagtawanan ang apat babae na ikinanuot ng noo ng apat na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD