Hours Later
Mula ng huminto sila sa parking lot ng Franxie Restaurant hindi pa siya kinakausap ni Ramon at nakatingin lamang ito sa labas ng bintana na parang nag-iisip ito ng malalim. Kinakabahan tuloy si Tiffany na baka kapag humarap ito sa kanya iba na ang itsura nito.
"Kailan mo pa siya kasama?" seryosong tanong ni Ramon kay Tiffany
Napangisi si Ramon ng makita pa ng binata na bahagyang nagulat si Tiffany sa pagbaling niya dito.
"Huh?" gulat na tanong ni Tiffany kay Ramon. Sa lahat ng ayaw niya iyong ginugulat siya, bigla na lang kasi nagwawala ang dibdib niya sa kaba.
"Iyong lalaking kasama mo kanina. Kailan pa kayo nagsimula nagsasama?" ulit na tanong ni Ramon kay Tiffany. Tinitigan ni Ramon ang dalaga, at kahit saang anggulo niya isipin hindi niya maalala kung anong meron sila ng babaeng nasa harapan.
"Si Arthur?
High school pa lang magkaibigan na kami. Limang taon ang agwat ng edad ko sa kanya pero naging magka-schoolmate kami sa college." nakangiting sabi ni Tiffany. Si Arthur ang naging kaibigan niya na naiintindihan siya, nirerespeto siya ni Arthur at ni minsan hindi ito nagtangkang hawakan siya ng hindi maganda o hindi nagpapaalam sa kanya.
"Naging kayo ba?" sabi ni Ramon, na nakadama ng selos sa sinabi ni Tiffany.
"Hahahahaha, kami ni Arthur? Hindi. Nagpapahaging nga iyon lagi." natatawang sabi ni Tiffany, na hindi napapansin ang galit na unti-unting umuusbong sa mukha ng binatang kasama nito
"Noong wala ako siya lang ba ang nakasama mo?" seryosong tanong ni Ramon. Sa nakikita ni Ramon na kasiyahan sa mukha ng dalaga habang pinag-uusapan nila si Arthur, nakaramdam siya ng galit at selos para sa lalaki.
"Oo, mabait kasi siya. Saka alam niya iyong sitwasyon ko. Lagi niya pa ako nililibre, hindi siya nagbago kasi mula noong high school madalas niya talaga kaming ilibre apat nila Ella." nakangiting sabi ni Tiffany, na kapag naaalala niya ang pinagkakagawa nilang magkakaibigan noong high school sila natutuwa siya.
Nakaramdam ng lungkot si Ramon, dahil wala siyang maalala sa mga panahong iyon.
"Tayo, masaya ba tayo noon?" seryosong tanong ni Ramon.
Tiningnan ni Tiffany si Ramon, naramdaman niya ang lungkot sa binata. Hindi niya masisisi ito kung nakalimutan siya nito, dahil aksidente ang lahat.
"Oo naman. Kaso mayabang ka noon. Lagi ka nambubully, ang alam mo lang makipag-away." sabi ni Tiffany. Nang biglang naalala niya ang engkuwentro nila ni Ramon sa library, na ikinangiti niya.
Nakatingin si Ramon kay Tiffany at nang makita niya ang pag-ngiti ng dalaga. May naramdaman siyang saya dahil naalala lahat ni Tiffany ang lahat sa kanya.
"Bakit mo ako minahal kung bully pala ako?" biglang naitanong ni Ramon kay Tiffany.
"Lagi ka kasi nakabuntot sa akin. Tapos hinihiwalay mo ako sa mga kaibigan ko, lalo na kay Ella at Marie. Kasi sabi mo makukulit sila, baka mapahamak ako. At iyong kamay mo parang posas sa kamay ko." nakangiting sabi ni Tiffany.
"May nagawa na ba tayo dati? Iyong alam mo na...." pilyong sabi ni Ramon kay Tiffany, na ikinapula ng mukha ng dalaga at ikinatawa naman ni Ramon sa pamumula ng mukha ni Tiffany.
"Ano kasi...." nahihiyang sabi ni Tiffany. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Ramon ang ginawa nito sa kanya sa ValPark, sa kotse nito at sa kwarto sa La Secretos. Isama pa ang panaka-nakang ginagawa nila dati. Malaswa nga ang tawag sa kanila ni Marie noon.
"Ano?" pilyong sabi ni Ramon. Napangiti si Ramon dahil natutuwa siya sa nakikitang tensyon kay Tiffany, may kakaibang saya siyang nararamdaman na kailangan na niyang simulan.
Napalunok si Tiffany, pitong taon na ang nakakaraan at naiilang siya ikuwento iyon sa lalaking kaharap.
"Ganito na lang, sabi mo mahal mo ako. Tama ba?" pilyong sabi ni Ramon.
Tinitigan ni Ramon si Tiffany at mukhang naiilang na ito dahil hindi na deretso makatingin sa kanya ang dalaga.
"Oo mahal kita at hindi naman nagbago iyon." mahinang sabi ni Tiffany, naiilang siya sa titig na ginagawa ni Ramon, at malapit ng kumawala ang puso niya kapag hindi ito tumigil sa ginagawa.
"Para maalala ko ang lahat. Gusto ko gawin mo sa akin kung ano ang ginagawa natin noon." nakangising sabi ni Ramon.
Napangiti si Ramon sa isip dahil sisimulan na niya ang plano para maikama niya ang babaeng nasa harapan at madali na lang itong maitsapuwera kapag nagsawa siya dito.
"Ano kasi..." nauutal na sabi ni Tiffany. Pinagpapawisan na si Tiffany at hindi nito alam ang gagawin.
"Hindi ako kikilos, hindi kita hahawakan." pilyong sabi ni Ramon, kahit alam niyang mahihirapan siyang gawin ang sinabi, kailangan niya mag-tiis para magtiwala ang dalaga sa kanya at makuha niya ito ng buo.
"Kasi... paano ba..." nauutal na sabi ni Tiffany, wala siyang makapang sasabihin, at kung hindi lang niya mahal ang lalaking ito tumakbo na siya kanina pa sa kaba at takot na nadarama.
"Gusto mo ba akong tulungan na maalala ko ang lahat?" sumeryosong tanong ni Ramon, kailangan niyang mapapayag si Tiffany para hindi siya lalabas na pinilit niya ito.
"Oo," sagot ni Tiffany, kinakabahan siya at hindi niya alam kung nilalamig ba siya o pinagpapawisan.
"Malay mo, mahal pala kita. Kasi ang totoo wala talaga ako makapang kahit anong nararamdaman para sayo, ang gusto ko lang maikama kita." seryosong sabi ni Ramon. Nang matahimik si Ramon ng makita na naman niya ang lungkot at sakit na bumalatay sa mata ng dalaga.
"Sana kapag ginawa ko maalala mo na ako." malungkot na sabi ni Tiffany, na pinipigilan lumuha sa naiisip na paano kung hindi naman talaga siya minahal ni Ramon, paano kung hinihintay lang talaga siya nitong maikama siya dati.
Nakita ni Ramon ang luhang pinipigilan ni Tiffany, umiwas siya ng tingin sa dalaga dahil may nararamdaman siyang kirot sa puso niya. At hindi puwede mangyari iyon, hindi pa siya handa sa isang relasyon, na sinasabing na dati niyang ipinangako dito.
Nakita ni Tiffany ang pag-iwas ng tingin ni Ramon, wala na nga itong pagmamahal sa kanya o baka wala naman talaga dati pa, pero makikipagsapalaran siya tutal pitong taon ang hinintay niya at pitong taon siyang malungkot at nangulila dito.
"Basta huwag mo akong hahawakan. Mangako ka muna." nag-aalalang sabi ni Tiffany, hinuli niya ang tingin ni Ramon, hindi siya puwedeng hawakan nito dahil natatakot siya at baka hindi na niya ito makasama.
"Oo, promise." seryosong sabi ni Ramon, kailangan magawa ni Tiffany na mawala ang init sa katawan niya, at kapag hindi pa nito nagawa baka may magawa siyang iba sa dalaga na hindi nito magugustuhan.
FOLLOW AND LIKE MY sss PAGE ROSE CHUA NOVELS