KROSS Hindi ko alam kung bakit pinag aaksayahan ko ng oras na patulan ang anak ni Chairman Salvatierra. Halata namang ayaw niya sa akin noong una pa lang kaming nagkita dahil aksidenteng nalagyan ng pintura ang mga braso at damit niya. Pero mukhang siya yata yung tipo ng tao na matagal makalimot sa atraso ng isang tao kaya ilang araw na ay mukhang galit pa rin siya sa akin. Tuyong-tuyo na nga ang pintura sa pavilion pero ang galit sa akin ng anak ni Chairman Salvatierra ay mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan hanggang ngayon. Hindi naman pwede na hindi kami magkita dahil simula ngayong araw ay dito na ako sa bahay nila papasok para alagaan ang alagang aso ni Sir Levin. Kung iiwasan ko naman siya ay parang napaka imposible din dahil kahit malaki at sobrang luwang nitong bahay nila a

