KROSS Sanay na akong makatanggap ng pang iinsulto lalo na at madalas ay nanggagaling pa ang mga yon sa mga kamag anak at itinuturing kong kadugo. Pero dahil nalaman kong ampon ako at hindi naman pala nila ako totoong kadugo ay saka ko lang naintindihan ang lahat ng insultong natanggap ko mula sa kanila. Pero ang insulto na natanggap ko mula sa anak ni Chairman Salvatierra ay hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako iniinsulto samantalang hindi niya naman ako kilala. Hindi lang ako pumasok agad sa loob ng bahay nila kanina pero narinig ko lahat ng ginawa niyang pag uusisa tungkol sa akin. Akala ko pa naman ay maganda ang intensyon niya sa pagtatanong tungkol sa akin pero nagkamali ako. Malayong-malayo ang ugali ni Chairman Salvatierra sa anak niya.

