KROSS Sobrang taas ng pride! Sobrang tigas ng ulo! Napangiwi ako sa sakit ng balakang ko. Kung ako lang mag-isa ang nahulog sa hagdan kanina ay baka hindi gaanong sumakit itong balakang ko. Kaya lang ay nahulog din kasabay ko ang anak ni Chairman Salvatierra. Hindi naman pwedeng masugatan siya kaya hindi ko siya hinayaan na bumagsak malayo sa akin. Tumahol si Shadow kaya napatingin ako sa kanya. May tao pala sa likuran ko. Lumapit agad ang anak ni Chairman Salvatierra sa akin. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Akala ko tuloy kung anong gagawin niya. Bibigyan niya lang pala ako ng gamot sa sugat. “Wala bang sorry man lang dyan dahil sa pagiging matigas ng ulo mo at sa sobrang taas na pride mo?” Pero bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin ay tumalikod na siya sa akin at p

