WEEKS HAD passed,last week pa sana uuwi sila tota pero na-extend dahil may aayusin pa sila sa Japan na pabor naman Kay Lene dahil gusto pang gumala ng chikiting kaya Wala kaming nagawa ni Brian kundi ang pumayag nalang.
And now, we’re having our dinner on one fine restaurant in Manila,pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ni Brian.
“Love”napatingin kami sa nagsalita at ng tignan namin iyon ni Brian ay nalukot ang mukha ko ng makita si Sheila na papunta sa pwesto namin,she was wearing a dress that hugs every curves she have.And she walk like a model.
“What are you doing here?”mahinang tanong ni Brian ng makalapit sa pwesto namin si Sheila.
“Are you not going to invite me to have a sit,darling?”mapang-akit na tanong ni Sheila at akma nyang hahaplusin ang dibdib ni Brian ng bigla akong tumayo kaya naagaw ko ang atensyon ng dalawa.
“Here,sit here”turo ko sa upuan ko, ngumiti naman ng pagka-plastik si Sheila bago umupo sa upuan ko kanina.
“Baby”tawag sa akin ni Brian pero ngumiti lang ako sa kanya.
“Move”utos ko kaya naguguluhan nya akong tinignan.
“What?”naguguluhan nyang tanong.
“Move,baby.Masakit sa paa ang stilleto na suot ko kaya ‘wag mo akong hintayin na isampal sa mukha mo ang suot kong sapatos”bulong ko sa kanya habang naka-ngiti.Nakatingin na Kasi sa amin yung ibang customers.
Walang nagawa si Brian kundi ang umusog tsaka ako umupo sa space doon kaya narinig Kong nagsinghapan ang mga tao,si Brian naman ay mahinang natawa ng matanto ang ginawa ko.Pinalibot nya ang braso nya sa bewang ko at medyo hinatak ako palapit sa kanya.
“Sana sinabi mo kanina para sa hita nalang kita naupo”bulong nya at bahagyang pinisil ang bewang ko.
“Anong ginagawa mo dito?”tanong ko kay Sheila.
“Hello natural na nandito ako dahil nandito din ang boyfriend ko”at pinag-diinan nya pa ang salitang boyfriend.
“Well then Ms.Millers,your so-called-boyfriend have a date”nang-uuyam Kong sambit at nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya.At siguro hindi din nakatiis kaya nagpaalam na syang umalis.
Ako Naman ay niyaya na si Brian na umalis,I already lost my appetite because of the girl.
Grrr…!
LUMIPAS PA ulit ang ilang araw at iyon na ang huling pagtatagpo namin nang Sheila na iyon.
“Miss?”tawag ko sa sekretarya ni Brian,bago na ang secretary nya paniguradong pinalitan nya dahil sinabi ko ang impression ko doon sa dati nyang secretary.
This girl looks naïve and sweet.
“Yes po?”ngiti nya.
“Nandyan ba si Brian?”tanong ko.
“Ay opo”sagot nya kaya napatango ako.
“Teka,bago ka ba dito?”tanong ko,gusto ko syang maka-chika dahil magaan ang vibes to sa babaeng ‘to,she doesn’t look like a slut.
“Yes po mam,mga one week na ako dito”sagot nya.
“Eh nasaan na yung pinalitan mo?”pag-uusisa ko pa.
“Ay pinalit po sa akin ni Sir doon sa HR”sagot nya.Ah,galing pala syang HR.
“Anong pangalan mo?”tanong ko.
“Ako po si Liana,Lia nalang po”sagot nya.
“Ohh,ako si Michelle”
“Ay opo kilala po kayo namin”
“Huh?”
“Eh kasi po alam po ng iba sa kompanya na magkarelasyon kayo ni boss”
“Ohh…”tatango-tango kong sambit.Nagpaalam na ako na pupunta na sa opisina ni Brian pero muntik na akong mabuwal ng makita ang sumalubong sa akin.
Brian was sitting on his swivel chair while Sheila was on her office table and her legs was parted infront of Brian.
Napasinghap ako dahil sa tagpong iyon kaya pareho silang napatingin sa akin,si Brian Naman ay dali-daling tumayo at si Sheila ay nanatiling naka-upo sa lamesa pero hindi na sya nakabukaka at ngumisi sya sa akin,ngising tagumpay!
“Nice”tanging na sambit ko nalang at lumakad na patalikod sa kanila,ang sakit.Ang sakit-sakit,na kahit alam ko naman kung bakit pinapakisamahan ni Brian si Sheila ay masakit pa rin pala kapag nakita mo yung taong gusto mo sa ganoong sitwasyon.
“Mam—”hindi na natapos sabihin ni Lia ang dapat nyang sabihin ng ilapag ko sa table nya ang bitbit ko.
“Give that to your boss and tell him that this is his lunch,not his slut girlfriend”naiinis Kong utos at agad nang tumalikod.Pero papasok na sana ako sa elevator ng biglang may humawak sa braso ko at pinaharap sa kanya.
At pagharap ko nakita ko ang nangungusap na mga mata ni Brian “your lunch was in your secretary’s table,Kunin mo nalang sa kanya.Pagkain Ang kainin mo Brian hindi Ang babae mo”pigil iyak na sambit ko,kanina nung talikuran ko sila ay huminto ang luha ko,pero ngayong kaharap ko na naman sya at nakikita ay hindi ko maiwasang pangirilan ng luha,akala ko ayos na kami.Akala ko wala nang problema at hadlang sa pagitan namin dalawa,akala ko ay pagmamahal ko nalang ulit ang hihintayin ng pagsasama namin ni Brian para tuluyan na kaming mabuo.
‘Yun pala ay puro akala nalang iyon dahil ngayon ang patunayan na kahit mahalin ko ulit si Brian ay walang magbabago,hindi magbabago ang tadhana na may iba pang babae bukod sa at Kay Lene na naghihintay sa pagmamahal nya.Hindi lang pala kami ng anak ko ang hinihintay ang pagmamahal nya.
“B-baby,let me e-explain,please?”nakikiusap ang tinig nya pero umiling lang ako.Hangga’t maaari ay ayaw kong makita sya dahil naiiyak lang ako.Masasaktan lang ako kapag kaharap ko sya.
“I saw what I saw Brian,no need to e-explain for t-that.T-Tama na y-yung nakita ko para h-hulaan kung anong n-namamagitan sa inyo,at tsaka g-girlfriend mo sya kaya n-normal lang na gawin n-nyo yun”nauutal na sambit ko kakapigil sa iyak ko,masakit para sa akin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko,pero totoo iyon.
Dahil bago pa kami magkabalikan ni Brian at mahanap kami sa Tagaytay ay meron nang Sheila Millers sa buhay nya,ibig sabihin lang nun.Huli na.
Huli na ako para mahalin pa ulit sya.
“M-Michelle”nagmamakaawa nyang tawag pero mapait akong ngumiti at tinanggal ang kamay nya sa braso ko at tumalikod sa kanya.Pero papasok na sana ako sa elevator ng may maisip.
“P-para sa a-anak ko.Hindi ko s-s’ya ilalayo sayo”garalgal kong sambit at tsaka tuluyan nang pumasok sa loob ng elevator.Nang magsara iyon ay doon ko lang pinakawalan ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan,pero imbes na magtungo sa ground floor ng makauwi na ay tinungo ko ang rooftop ng building.
Nang makarating doon ang elevator ay agad akong lumabas at ginala ang paningin sa paligid.
This rooftop have a happy memories,this place was the one who see how Brian kneel infront of me and ask me to be his girlfriend,this place see what happen when Brian and I have a first kiss and hug as a couple and this place was the one who see what happen when we finally reach our first anniversary.
Madaming alaala ang rooftop na ‘to,dito ko din mas nakikilala pa si Brian noong boss ko pa sya bago may mangyari sa amin,dito din ako umiyak dahil sa pagpapahiya nya sa akin noon sa harap ng ibang empleyado dahil sa pagiging palpak ko sa trabaho.
This place was very memorable to me,at ngayon saksi na naman ang lugar na ‘to kung paano ako umiyak at maging mahina dahil sa may-ari ng kompanyang ‘to.
Naupo ako sa isa sa mga bench dito at doon ako umiyak ng umiyak dahil sa sakit.
Napasinghap pa ako ng may yumakap mula sa likod ko at ibaon ang mukha sa leeg ko.
“B-baby,I’m sorry”hingi nya ng tawad.
“Wala nang magagawa ang s-sorry mo,t-tama na”humihikbi kong sambit.
“Michelle,what you saw earlier—”
“Was enough proof that your love for me is enough.Because i-if you truly l-love me,you will s-stop her f-from seducing y-you”umiiyak nang sambit ko at bumuntong-hininga bago tumayo at harapin sya.Pero agad akong nanlumo ng makita ang pagmamakaawa sa mga kislap sa mata nya.
“Michelle…”
“You know what?akala ko okay na tayo,wala nang hadlang sa pagitan natin.Na u-umaayon na sa atin ang tadhana,yun pala m-mabubuhay nalang lahat sa akala dahil ni isa sa mga y-yun ay hindi naging t-totoo”muli akong bumuntong-hininga at pinilit ang sarili na ‘wag umiyak sa harap nya.
Masakit pa rin talaga kapag naaalala ko ang tagpo kanina.
“Then you saw,ba’t ‘di ka sumugod?”tanong nya kaya napamaang ako sa kanya,at nakita ko ang galit sa mata nya.He have a guts to to question me that!
“Dahil wala akong karapatan!”malakas na sigaw ko sa kanya kaya lumamlam ang mata nya “wala a-akong karapatan dahil kahit alam ng pamilya mo ang r-relasyon natin.Ako pa rin ang Mali kapag sinaktan ko si Sheila dahil alam ng lahat ng taong kayo ang may relasyon,a-ayaw kong masira ang imahe mo”kalmado Kong pagpapatuloy habang umiiyak.
“Michelle please…”nakiki-usap nyang tawag sa akin pero tapos na ako.Masakit palang masaktan sa pangalawang pagkakataon at mas masakit dahil yung nakasakit sa akin sa una at pangalawang pagkakataon ay iisang tao lang,at ang mas masakit ay…
Mahal ko pala.
“T-tama na Brian, pakiusap napapagod na ako.Naiitindihan ko kung kailangan mong pakisamahan si Sheila para sa negosyo pero ayaw ko na ng kahit ano mang komunikasyon mula s-sayo.’Wag kang mag-alala hindi ko ilalayo sayo ang anak mo,doon pa rin kami titira sa condo mo.Pero ‘wag kang umasa na babalik tayo sa dati”pilit kong pinapatag ang sarili ko kahit na pakiramdam ko ay napapagod na ako, pakiramdam ko nauubos na Ang lakas ko.At bago pa man ako tuluyang mapaupo dahil sa pagod umalis na ako sa rooftop at umuwi na habang umiiyak.
Ang sakit!
Brian Sandoval POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon,wala na.Wala na ulit si Michelle sa piling ko.
Sa ganun nalang kami natapos.Ipapaliwanag ko naman dapat sa kanya ang nakita nya sa opisina ko pero ayaw nya akong pakinggan at sa t’wing iiyak sya ay nasasaktan ako dahil alam kong ako ang may kasalanan.
Naiinis na ako kakapirmi sa madaming papeles na ito,dapat ay bago mag-lunch ay uuwi ako para makasama si Michelle pero dahil sa mga files na kailangan kong pirmahan ay paniguradong mamayang gabi pa ako makaka-uwi.
“Lia,I told you to not—”hindi ko na naituloy ang naiinis kong bulaslas sa sekretarya ko ng may magsalita.
“Oh dear,I’m not your secretary”napa-angat ang tingin ko sa taong pumasok,none other than Sheila.
Pinasadahan ko ang suot nya at napataas ang kilay ko ng makita ang suot nya.She’s wearing a dress that hugs every curves she have and it was very short dress,kung si Michelle ang magsusuot nyan ay baka kanina ko pa sya pinapagalitan dahil doon,pero dahil sya si Sheila ay wala akong pakialam kahit anong isuot nya dahil wala naman iyon sa akin na kahit maghubad sya sa harap ko ay hindi ako maaakit at hindi ako tatayuan dahil si Michelle lang ay sapat na.
“What are you doing here?can’t you see I’m busy?”naiinis Kong tanong sa kanya,pero imbes na sumagot ay nang-aakit syang naglakad palapit sa akin.Pero ngumiwi lang ako.
Umupo sya sa office table ko at inilapit ang mukha sa akin pero umatras ako at isinandal ang likod sa swivel chair.
“Come on Sheila,alam naman nating dalawa na kahit maghubad ka pa sa harap ko ay hindi ako bibigay sayo,so stop wasting my time because I want to finish this to make love all day with Michelle”nang-uuyam kong sambit at sadyang binigyang diin ang dalawang huling salita.
“Oh really?”nang-aakit nyang sambit at ibinuka Ang hita,akala nya siguro sa ginawa nya ay matutuwa ako.Pero nagkakamali sya.
“Nothing will stand Sheila,even you will strip infront of me, because your nothing”ngisi ko at nakita ko ang galit sa mata nya,naglaban kami ng tingin pero pareho kaming napatingin ng may suminghap at ganun nalang ang panlalamig ko ng makita si Michelle.
“Naku,Sandoval.Humanda ka talaga sa mga kapatid ni Michelle ‘pag nalaman nila yan”seryosong sambit ni Xavier,nasa bar kaming dalawa at niyaya ko sya kasama si Dexton at Kade.
“Kung bakit ba naman kasi hindi ka nalang umiwas”iiling-iling na sambit ni Dexton.
“Paano ako iiwas eh hindi naman ako kumagat sa bitag nya at hindi ako naakit?”naiinis Kong tanong.
“Kahit na Sandoval,magkatapat kayo at nakabukaka pa ang babae mo,kahit sinong babae Ang makakita nun iisipin na may ginagawa kayong milagro”sambit ni Kade.
“Kababalaghan Villanova,alam mo namang stick-to-one na ‘tong g*go”natatawang sambit ni Dexton kaya natawa na din ang tatlo.Pero yung tawa nila ay nauwi sa pag-ngiwi ng sumulyap sa likuran ko.Titignan ko na sana iyon ng sumalubong sa akin Ang isang malakas na kamao.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo si Villanova at agad pinigilan ang taong sumuntok sa akin.
“Villalobos,kumalma ka nga”naiinis na awat ni Kade kay Kye.
“Lahat na ng lalaking nakapaligid kay Michelle Sandoval binalaan ka na ‘wag mo na ulit saktan yung tao.Tapos ngayon gumawa ka na naman ng panibagong kar*nt*duh*n”naiinis na sambit sa akin ni Kye,matapang na sinalubong ko ang tingin nya pagkatapos Kong punasan ang gilid ng labi ko na may dugo dahil sa lakas ng suntok nya.
“Hindi ko nga sinasadya”naiinis kong sambit dahil paulit-ulit nalang akong nagpapaliwanag.
“Ay g*go ka talaga Sandoval,may kompanya ka na’t lahat-lahat at matalino pero napaka-bobo mo”sambit nya “kung nahalata mo noong una bakit hindi ka pa umiwas?dahil gusto mo?”sumbat nya kaya hindi ko na napigilan ang hindi tumayo sa inis at akmang susugurin sya ng hawakan ni Dexton ang braso ko at pareho nila akong ilingan ni Xavier,ipinahihiwatig na ‘wag ko nang patulan si Kye.
“’wag mo nang patulan kilala mo yan”bulong sa akin ni Dexton kaya bumuntong-hininga ako at naupo ulit.
“Kalma bro”pagpapakalma naman ni Kade sa kaibigan namin.
“Tsk”singhal nya at iniwan nalang kami doon.
Natatawa namang bumalik sa upuan si Kade at tumingin sa akin,pero ngayon seryoso na sya “anong plano mo?”tanong ni Xavier.
“Hindi ko alam”sagot ko kaya bumuntong-hininga Ang tatlo.
“Paniguradong patay ka na talaga kila Acosta”sambit ni Dexton na ang tinutukoy eh yung apat na matino sa aming magkakaibigan.
“Yeah, paniguradong pinapahanda na ng apat na yun yung libingan mo”gatong ni Kade.
“Or worst,baka ilayo nung apat ang mag-ina mo”sabat ni Xavier kaya natahimik ako.Maaaring gawin iyon ng tatlo dahil sa yaman nila at kakayahan.O baka nga ay tumulong pa sa apat yung Lima pa naming kaibigan para lang hindi ko na makita pa ang mag-ina ko kahit kailan.
Pero hindi iyon maaaaring mangyari,mahal ko si Michelle at nararamdaman ko din ganun sya sa akin pero dahil sa nangyari kanina nagkanda-letse letse ang lahat.
I need to find a way to make Michelle love and come back to me.Again.