Imposible. Napakaimposible. Paulit-ulit kong bulong habang nakikinig o mas tamang sabihin na pinapanuod ko ang bawat kilos ni Sir Brian habang nagle-lecture siya ng umagang iyon. Lalaking-lalaki siya sa bawat kilos niya at pananalita kaya hindi ko alam kung bakit ganon na lang kung makabakla si Patrick sa kanya. Kung ang basehan naman ni Patrick ay ang patingin-tingin nito sa akin, siguro ay may resonableng dahilan naman ang instructor ko para gawin iyon. Siguro ay dati siyang estudyante rito at hindi ko lang napansin. Siguro ay schoolmate ko siya noong elementary o high school. Pwede rin na napanuod niya na ako noon dahil ilang eskuwelahan na rin naman ang napuntahan namin para nagtaghal ng aming sayaw. Maaari ring nakita niya na ako noon na kasama si Samuel at nagtaka siya ku

