Dahil kay Sir Brian, hindi naging boring ang sumunod na mga araw ko. Lagi na kaming nagsasabay tuwing lunch at napaparami na rin ang aming napagkukuwentuhan. Nakilala ko ang pamilya niya mula sa mga kuwento niya at naipakilala ko na rin ang pamilya ko sa kanya sa pamamagitan ng mga kuwento ko. Pati si Samuel ay naikuwento ko na sa kanya. Hindi ko syempre inamin ang mga sensitibong impormasyon na nangyari sa amin ni Samuel noon. Sapat nang nasabi ko na masaya at kontento na ako kay Atty. Samuel Simon. Sa ikatlong araw na sabay kaming nag-lunch ay pumasok na si Carla kaya kasama na namin siyang kumain. Mas mabuti na iyon para walang mag-isip nang hindi maganda tungkol sa amin ni sir Brian. Sinita na rin ako ni Ate Kristine dahil minsan na niyang nakita na sabay kaming mag-lunch ng instru

