Nag-enjoy ako nang sobra sa panunuod namin ng pelikula. Tawa kami nang tawa ng mga magulang ko kahit na horror iyong pinanuod naming pelikula nang papalabas na kami mula sa sinehan. Habang naglalakad na kami at window shopping na rin, nag-check si Mama ng phone niya. "Oh, paparating na raw ang mga kapatid mo. Kasama ng ate Kathleen mo si Philip. Kasama naman ng Kuya Dennis mo si Rayna. Ang Ate Kristine mo naman ay hahabol na lang daw at marami pang ginagawa sa school," pagbabalita niya sa amin ni Papa. "Talagang seryoso na si Ate Kristine sa pagtuturo, ah," pansin ko. "Naku, oo. Talagang nagpapa-impress din siya sa school board dahil ayaw niyang mapahiya si Vice Mayor na nagpasok sa kanya roon." Napatango-tango ako kay Mama. Kahit ganon si Ate Kristine, alam kong matalino siya at ay

