Chapter 74

1801 Words

"How's your day, Darcy?" Itinigil ko ang ginagawa ko at saka hinarap si Samuel na kalalabas lang sa banyo. Isinara ko na ang notebook ko at ibinalik ko na ito sa aking bag bago ako tumayo para mag-inat. "Okay lang naman, Daddy. Naging maayos naman ang takbo ng araw ko kanina," sagot ko sa kanya at inayos na ang bag ko. Lumipat ako ng upo sa kama pagkatapos at pinanuod ang ginagawa niyang pagbibihis. Naupo siya sa harap ko pagkatapos niya. "Walang kakaibang nangyari maghapon sa'yo o kay Patrick?" Natigilan ako at napatitig sa kanya. Pakiramdam ko ay sinusubok ako ng katanungan niyang iyon. Minabuti kong magsabi na sa kanya. "Nagkausap kami ni Carla kanina, Daddy. Humingi siya ng paliwanag at closure." Hindi nagsalita o sumagot si Samuel pagkatapos marinig ang sunod na sinabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD