Tama si Patrick. Marami ngang bigating bisita ang Mama ni Samuel sa nagaganap na party para rito sa isa sa pinakasikat at pangsosyal na restaurant dito sa aming probinsiya. Habang naglalakad kami papasok sa venue ay may mga namukhaan akong pulitiko sa aming probinsiya. Meron din silang mga bisita na galing sa ibayong probinsiya at naririto ngayon upang makipagsaya. "There's Mama," turo sa akin ni Samuel at napatingin ako sa harapan. Isang tila reyna ang awra ng babaeng nasilayan ko. Hindi ako maaaring magkamali ng tinignan dahil may hawig siya kay Samuel. Habang papalapit nga kami ay mas nakikita ko nang malinaw ang ganda nito. Mestisahin din ang ina ni Samuel at batam-batang tignan. Tila lang sila magkapatid nito. Napakaseksi rin nito sa suot nitong evening gown na silver ang kulay. L

