Chapter 3

1727 Words
Napailing ako sa aking sarili. Bakit naman magseselos si Attorney? "Darcy...?" Napalingon ako kay Carla. Habang tinititigan siya ay biglang may pumasok sa isipan ko. Hindi kaya sa akin nagseselos si Attorney? Baka naman may gusto siya kay Carla at kaya niya ako pinaimbestigahan at ihinahatid ay dahil sa girlfriend ko? Mas posible iyon kesa sa iniisip ko na sa akin siya may gusto at kay Carla siya nagseselos. Hindi naman bakla si Attorney. Baka nga ganon nga. "Darcy, nakakainis ka na! Kanina pa kita kinakausap, hindi ka namamansin!" Bumalik ang tingin ko sa girlfriend ko. Napailing ako at napangiti. "Nang-iinis ka ba talaga?! Bakit pangiti-ngiti ka pa riyan?" Lalo siyang sumimangot at humalukipkip pa. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. Tinitigan ko ang nakabusangot niyang mukha. Maganda si Carla. Malaki ang dibdib at maliit ang bewang. Marami ring lalaki sa aming eskuwelahan ang may kursunada sa kanya kung tutuusin ngunit ako ang napili niyang landiin. "Sorry na, babe. Napuyat kasi ako kagabi kaya medyo lumilipad pa ang isipan ko." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa building namin. "Bakit ka naman napuyat, babe? Wala pa namang exam para mag-review ka," pagtatanong niya. "Marami lang akong iniisip," sagot ko naman. "Isa ba Ako sa mga iniisip mo kagabi? Hindi ka na ba makapaghintay bukas para sa date natin?" Naging mapanukso ang ngiti at mga mata ni Carla. Napahinga ako nang malalim. Kahit na hindi totoo ang hula niya ay may epekto sa akin ang panunukso niya. "Kung gusto mo, mag-halfday tayo mamaya. Wala pa naman ang ibang teachers natin dahil may seminar sila." Lalong naging mapang-akit ang boses niya kaya lalo akong natukso. Miss ko na rin namang makasama siya at makalaro sa ibabaw ng kama. "Sige," namamaos pa ang boses na pagsang-ayon ko kaya naman lalong lumawak ang ngiti niya. Halos hindi kami naghiwalay sa buong durasyon ng mga klase namkn sa umagang iyon. Lagi kaming nagtititigan. Lagi kaming nagngingitian nang palihim. Kaagad kaming nagpalit ng shirt at umalis sa eskuwelahan nang matapos ang panghuli naming klase. Sumakay kami ng minibus na magdadala sa amin sa kabilang bayan kung saan naroon ang mga room for rent para sa mga tulad naming nangangailangan ng panandaliang aliw. Halos hindi ako maka-concentrate sa biyahe dahil sa mga paghaplos na ginagawa sa akin ni Carla. Wala pa man kami sa aming patutunguhan ay pinag-iinit na niya ako. Nang makarating na Kami sa Lugar na iyon ay kaagad na akong kumuha ng kuwarto. Iyong may aircon ang kinuha ko kahit na mas mahal iyon dahil mas magiging kumportable kami ni Carla kung sakaling makakatulog kami pagkatapos ng aming gagawin. Kaagad kong ini-lock ang pintuan nang makapasok na kami. Walang mga salita na nagkanya-kanya na kami ng hubad ng aming mga kasuotan at magkahawak-kamay na nagtungo sa banyo. Hindi pa man tumatama ang tubig galing sa shower sa aming mga hubad na katawan ay magkayakap na kami at malalim na naghahalikan. Habang sinisipsip namin ang mga labi ng isa't isa ay ipinapadama ko sa kanyang puson ang p*********i kong handang-handa na. Bumaba ang mga halik ko sa kanyang leeg. Lalo akong ginanahan sa aking ginagawang paninipsip sa kanyang balat nang sabunutan niya ang aking buhok at sinabayan pa niya ng isang ungol. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa mga sumunod na sandali. Binalot ko ng aking bibig ang kanyang dibdib sabay dila at pagkatapos ay sipsip sa kanyang naninigas na n****e. Lalong humigpit ang pagkakasabunot niya sa akin nang ilang ulit kong ipadaan sa n****e niya ang talim ng aking ipin. Nang makontento ako ay ang kabilang dibdib niya naman ang nilaro ko. "Tara na, Darcy. Gusto ko na... Gusto ko na!" Halos pasigaw na pakiusap ni Carla. Hindi na rin ako makatiis pa kaya binuhat ko na siya at inilabas sa banyo. Kaagad ko siyang inihiga sa kama at saka ako pumatong sa kanya. Muling naglakabay ang mga labi ko sa katawan niya hanggang sa marating ko ang gitna ng mga hita niya. Naging mapaglaro ang aking bibig kaya halos nagwawala na si Carla sa ibabaw ng kama. Ginawa ko sa kanya ang napanuod ko noong nakaraan na pagpapaligaya sa isang babae na napakaepiktibo naman. Nang labasan siya ay kaagad na akong umibabaw sa kanya at ipinasok ang kanina pa handang p*********i ko. Dahil sa madulas na siya at mabilis akong nakapasok. Mabilis ang naging paggalaw ko sa ibabaw niya. Pati ako ay napapaungol nang malakas sa tuwing humihigpit ang kapit ng laman niya sa laman ko. Naging malalakas ang bawat pagsasalpok ng aming mga katawan at ilang saglit pa ay sabay na kaming nanginig habang magkayakap nang mahigpit. Nakatulog kami ng halos isang oras pagkatapos niyon. Nang magising ako ay may pagkain na palang inorder si Carla kaya naman nagmeryenda muna kami at pagkatapos ay umisang ulit pa. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang mas naging agresibo. Umibabaw siya sa akin at nagsimulang pugpugin ng halik ang hubad ko pang katawan. Abala naman ang kamay ko sa paghuhubad ng damit niya. Ako naman ang sumabunot sa mahaba niyang buhok nang marating ng bibig niya ang p*********i ko. Napakagaling ni Carla sa pagpapaligaya. Alam niya ang tamang paraan ng pagdila at pagsipsip pati na rin ang magaan na pagkagat-kagat sa p*********i ko upang lalo pa itong magkabuhay. Pati Ang kamay niya ay alam na alam ang tamang pagpisil at kung kailan niya hihigpitan ang pagkakahawak niya sa akin. Malapit na akong maglabas nang pumatong siya at unti-unting ipasok ang p*********i ko sa kanya. Umayos muna kami ng puwesto. Sumandal ako sa headboard ng kama at saka siya tinanguan. Siya naman ang nagsayaw sa ibabaw ko habang nakakapit siya sa mga balikat ko. Nakahawak naman ang mga kamay ko sa bewang niya. Banayad ang mga naging una niyang pagtalbog hanggang sa bumilis iyon nang bumilis. Dalang-dala ako sa sarap ng aming ginagawa kaya naman malapit nang magdilim nang magpasya kaming maligo ulit at umalis na. Syempre ay inihatid ko na muna siya sa kanila bago ako umuwi sa amin. Nawala ang ngiti ko nang maabutan ko sina Papa, Mama, at pati si Kuya Dennis na tila naghihintay sa akin. "Saan ka galing?" kaagad na tanong ni Papa sa matigas na boses. Base sa pagtatanong niya ay alam kong nalaman na nilang hindi ako pumasok sa mga panghapon ko na klase. Sumulyap ako kay Mama na matalim ang tingin sa akin. "Namasyal po kami ni Carla, Papa. Puro seatworks lang naman kasi ang ipapagawa nila sa amin dahil nasa seminar ang..." "Kahit na!" Pinutol ng sigaw ni Mama ang sinasabi ko. Nagulat pati sina Papa at Kuya dahil sa ginawa niya. Nang tumayo siya at dumiretso sa akin ay inihanda ko na ang sarili ko dahil baka hindi lang ang pagbubunganga ni Mama ang matitikman ko kundi pati na rin ang pananampal niya. "Namasyal lang ba kayong girlfriend mo o may pumasok kayong kuwarto?" diretsong tanong ni Mama. Namula ang magkabilang pisngi ko. Sumulyap ako kay Papa ngunit seryoso pa rin ang kanyang ekspresyon. Nang si Kuya Dennis naman ang sulyapan ko ay kinindatan ako nito. "Mama, ako na siguro ang dapat na nakikipag-usap kay Darcy tungkol sa mga bagay na iyan," apela ni Papa ngunit siya naman ang hinarap ni Mama. "Ano, dahil lalaki kayong pareho, ganon ba? Hindi ko na ba mapapangaralan si Darcy tungkol sa ganong bagay dahil babae ako?" nakapamewang nitong pagtatanong. Hindi pa man nakasasagot si Papa ay muli na naman akong hinarap ni Mama. "Labingwalong taon ka pa lang, Darcy. Gusto mo na bang maging ama? Hindi mo pa nga kayang buhayin ang sarili mo, hindi ba? At iyang Carla na 'yan, kababaeng tao kung saan-saan na sumasama sa'yo! Nakakatikim na ng...!" "Ma!" halos sabay naming tatlo na pagpipigil sa kanya. "Isa pa, napakabata ko pa para maging Lola! At tandaan mo, Darcy, hindi dapat ikaw ang magbibigay ng kauna-unahan kong apo kundi ang Ate Kathleen mo! Dapat ang inuuna mo ay ang pag-aaral mo at hindi ang pagmomotel mo! Kapag napabayaan mo ang pag-aaral mo, paano na ang scholarship mo? Nakakahiya na maaalis ka sa scholarship ng dahil lang sa pambababae mo! Umayos ka, Darcy dahil kung hindi ay malalagot ka talaga sa akin pati na rin iyang girl friend mo," huli niyang pagbabanta bago siya nag-walk out. Napakamot ako sa ulo ko bago ako tumabi ng upo kay Kuya Dennis. "Bakit ba ang init ng ulo ni Mama? Dati naman ay hindi siya nagagalit ng ganyan kapag nagdi-date kami ni Carla," pagtatanong ko kay Papa. "Tsaka, 'di naman siya ganyang magalit kahit na ginagabi ako ng uwi," dagdag ko pa. "Paanong hindi magalit ang Mama mo ay may nanguwestyon na sa pagka-cutting classes mo," sagot sa akin ni Papa. Mabilis na gumana ang isipan ko. Inisa-isa ko ang mga teachers ko, ang mga kaklase ko pati na rin ang mga schoolmates ko ngunit wala talaga akong maisip na maaring makausap ni Mama. "May nanguwestyon? Sino sa mga teachers ko, Pa? Hindi naman sumbungero iyong mga iyon. Isa pa, alam naman nilang kahit lumiban ako sa klase ay nagagawa ko naman ang lahat ng pinapagawa nila sa akin. Ginagawa ko pa nga pati extra works nila kung minsan. Imposible rin namang ang mga kaklase ko dahil wala silang dahilan para kausapin si Mama para lang isumbong na nag-cutting classes ako. Wala silang mapapala kahit gawin nila iyon," takang-taka kong sabi. "Baka ex mo ang nagsumbong," pagbibiro ni Kuya Dennis. "Alam mo na wala akong naging karelasyon bukod Kay Carla, Kuya," matabang kong sagot sa kanya. "Baka kursunada ka ng taong iyon tapos nagseselos dahil kay Carla ka sumama imbes na sa kanya." Napatitig ako sa kapatid ko. Bakit parang may nais iparating ang tingin na ibinabato niya sa akin? Sino? Sino ang tinutukoy niya? Si Steven lang ang alam kong medyo kursunada ako sa eskuwelahan namin. Pero napakaimposible na kausapin niya si Mama dahil lang sa selos niya kay Carla. Eh di sana, dati pa, hindi ba? "Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam kung bakit napakainteresado ng taong iyon sa'yo, Darcy na pati ang mga personal mong lakad ay pinapakialaman." Lalong nangunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Papa. "Sino ba talaga iyon, Pa?" Diretsong tumingin sa mga mata ko si Papa at saka sinagot ang tanong ko. "Si Atty. Samuel Simon, Darcy. Siya ang nakausap ng Mama mo at ang nagsumbong sa pagka-cutting classes mo kasama ang girlfriend mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD