"A-avery" inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid para mahanap ang nag mamayari ng boses na iyon.
"A-avery" Para na akong baliw sa kakaikot mahanap lang ang boses niya.
Hindi ako pwedeng mag kamali boses niya yun!
"Xander!! Asan ka!! "
"A-avery"
"Xander!!!! Sumagot ka asan ka!!!! " Mangiyak ngiyak na ako sa kakatawag sa kaniya. Gusto ko siyang makita.
"A-avery tulungan mo ko!!!!!!!!" Lalo akong naiyak dahil sa sakit na dala ng boses niya.
"XANDEEEEEEERRRRRRR!!!"
PAK!!!!
"s**t!" Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng impact ng pag kakasampal sakin
"GHAD! LEX! PINAKABA MO KO! " Galit na sigaw ni Yumi sakin sabay yakap.
"Napanaginipan ko siya yumi"Mahinang sabi ko sa kaniya.
"I know .. I know .. Habang binabangungut ka sinisigaw mo yung pangalan niya , Lex pumayag ka nang pautangin kita para makuha mo na agad siya" Iling lang ang isinagot ko kay Yumi .
"Teka bakit ka pala nandito?" May kakaiba sa kaniya .
"Dinalhan kita ng pag kain dahil alam kong hindi ka pa nag didinner"
"Yumi may sakit ka ba?"
"Wala"
"Bakit ang putla mo ? Pati balat mo sa katawan maputla"
"Its nothing Lex , let's just eat"
Ayumi's POV
Ewan ko kung anong klaseng pakiramdam to pero alam kong may kakaiba akong gustong gawin kay Lex,
I Can Smell Sweet And Fresh Blood , nag lalaway ako sa naamoy ko .
"HOY YUMI ! ANO BA ?! KAKAIN KA BA OH TUTUNGANGA JAN HA?!" Napalingon ako kay Lex at napadako sa leeg niyang ubod ng puti .
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa isiping sa kaniya nang gagaling ang amoy na iyon .
No...no...I need to control this . Pumikit ako ng mariin pero no use I really want to suck her neck and drink her sweet blood 'til she die.
In just a snap Nasa likoran na niya ako ..
I licked my lips and I open my mouth exposing my pangs .
I'm about to hold her neck when someone grab my arm and pin me to the wall .
"Don't you dare yumi" Mahinahong sabi ni Lewrick.
Paanong?
"But I can't "
"What the Hell yumi?!!" Agad akong napalingon kay Lex na ngayon ay galit na galit. NO!NO!
"ANONG.IBIG.SABIHIN.NITO.AYUMI.?" Ewan ko pero nag sitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang lamig at takot na nararamdaman ko .
"Lex Le-let me explain" Pilit kong inaabot ang kamay niya para hawakan pero mabilis niya inilalayo .
"10 seconds"
"Lex naman please" Naiiyak na ko. Ngayon lang to nangyari samin.
Kasalanan ko naman eh. Dapat nag pigil ako! Dapat inisip kong bestfriend ko siya! Argh! Napayuko nalang ako dahil nararamdaman kong tutulo na ang mga luha ko
"9"
"Lex Bampira ako" Napatingala ako sa kaniya para tingnan ang reaksyon niya .
Emotionless eyes .... unread mind ... Lex ....
Tiningnan ko lang siya habang dahan dahang lumalabas ng pinto ng bahay niya .
Doon na ako napaupo sa sobrang panghihinang naramdaman ko . Hindi siya pwedeng mawala sakin siya nalang ang meron ako .
"Yumi"
"Leave me alone"
"But yum--"
"I SAID LEAVE ME ALONE !!! LEAVE ME ALONE !!!!!!!!! ! "
Naramdaman ko ang pag labas niya mula sa bintana and now I'm all alone again .
"Lex don't leave me best.." I whispered .
-----------------
Pag katapos ng narinig ko mula kay yumi ay agad na akong umalis sa bahay ko . I can't believe this, of all people why her? Why Yumi ?
Hindi ko alam kong saan ako pwedeng pumunta, wala naman akong ibang kilala bukod kay yumi at Vincent...
Tama kay Vincent! Sa kanya muna ako makikituloy pansamantala.
Gabi na ng makarating ako sa lugar nila Vincent. Tsk! Bakit ba kase na paka tago ng lugar na to eh!
"Oh Lex, napadalaw ka?" Bungad na tanong niya. Hindi na ako sumagot at agad na humiga sa kama niya.
"Dito muna ako" Walang ganang sabi ko. Hindi na siya sumagot at upo na rin sa sofa.
Hindi ko magawang makatulog dahil iniisip ko si Yumi. Umupo ako sa kama at tiningnan si Cent. Maniniwala kaya siya?
"Lex, alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong gahasain sa utak mo" Nakangising sabi nito.
-____- ibang klase ang selfconfidence ng taong to.
"Gago! Libre mangarap!" Pairap kong sabi.
Tumawa lang siya ng malakas at biglang tumayo, pag balik niya ay may dala na siyang isang Pulang envelope.
"Ano 'to?"
"Buksan mo"
Ginawa ko ang sinabi niya .
Dark pass , information .
"Anong ibig sabihin nito?"
"Nasa kamay ng mga bampira ang hinahanap mo Lex , isa sila sa pinakamalakas na grupo ng bampira sa dark pass at tinatawag silang Elite Vampires kabilang din sila sa Pureblood Vampires, pamilya ng mga bampira na kung saan gumagamit sila ng mahika at Hypnotism delikado sila Lex , baka wala kang magawa pag sinubukan mong kalabanin sila at wala ring silbi ang mga perang naipon mo dahil mas mayaman pa sila sa inaakala mo ."
Napatunganga lang ako sa mga sinabi ni Cent kung ganon wala na akong pag asa para makuha siya? No!
"May iba pa bang paraan para makuha siya?" Alam kong meron pa .
"Meron ,but you need to take the risk at kailangan mong pag isipan ang magiging desisyon mo malaking problema ang papasukin mo kung talagang gugustuhin mo siyang makuha mula sa kanila ."
"Kahit ano pang paraan yan handa akong gawin ang lahat makuha lang siya . Kahit buhay ko pa ang maging kapalit ay tatanggapin ko mas mahalaga siya sa kahit ano pang materiyal na bagay kaya Cent sabihin mo anong paraan yun?"
"Ang maging isa sa kanila..
Ang maging Bampira Lex" Agad na nanlaki ang nga mata ko dahil sa sinabi ni Cent .
"A-ano?!!"
"Yun lang ang paraan Lex ang maging isa ka sakanila para nabawi mo si Xander ."
Katahimikan ang bumalot sa buong bahay ni Cent. Anong gagawin ko? Paano ko gagawin ang bagay na yun kung si Yumi nga ay inalisan ko ng malaman kong isa siyang bampira. Ayokong makapatay ng inosenteng tao. Sa nakita ko sa mga mata ni yumi ay alam kong gustong gusto niya kong kainin ng buhay.
Pero yun lang ang tanging paraan para mailigtas ko si Xander.
ARGH!! bakit ba naging ganto ka komplikado ang lahat?!!