Halos pagod na sina Lewrick at Vlad ng mapasok nila ang sekretong lagusan paibaba kung saan nakakulong si Xander. Halos magiba na ang mansion dahil sa labang naganap sa pagitan Nina Victorina at Vladimir, Hindi niya akalain na ang kababata niya ang siyang nag plano upang patayin ang kanila angkan. "Vlad. Sa tingin mo may iba pa bang kasama si Victorina sa mga planong binuo niya?" "I don't know but for now let's help Xander and Burn this mansion " tumango nalamang si Lewrick at mabilis na hinalughog ang ibaba ng mansion . "Vlad." Nakita ni Lewrick si Xander na tila ba nag aantay sa kung ano habang nakapikit at may binibigkas na salita . "Xander" napa bukas ang mga mata nito at nag tatakang tumingin sa dalawa "Sino kayo?" "Mamaya ka na mag tanong ang mahalaga ay ang makalabas tayo"

