"The book of Vampires and Human Life" Tahimik kaming napatayo ni Yumi at nag tungo sa isang lugar , alam kong pareho kaming nag tataka sa librong hawak namin it's not like the other book that I usually see somewhere . "I think jan natin malalaman ang kasagutan kung bakit gusto nilang makuha si Xander Lex" May punto si Yumi maaaring dito namin makikita ang mga kasagutan at ang origin ng mga bampira at kung anong kinalaman ng pamilya namin sa mga bampira . Sinimulan kong buksan ang libro , Maingat kong inilipat ang pahina nito dahil narin sa pag kaluma ng papel nito . "The Family" "Teka Lex diba si Vlad to?" Napatingin din ako sa litratong kinabibilangan ni Vlad . "Sa tingin ko oo .Dahil narin sa mga mata niya na kakaiba kesa sa mga kasama nito" Tango tango namang sumangayon si Yumi

