DAY 73 October 19. Wednesday HINDI natapos ang pangako naming eighty days na friendship. Bakit ba ako tinanghali ng gising sa araw na ‘to? Bakit kailangan alas dose na ako makarating sa ospital samantalang sa mga nakaraang araw hindi pa nga tumatanggap ng bisita naroon na ako? Pagdating ko sa Oncology Ward at sa pinto ng kwarto ni Kira, wala na ang nameplate niya sa labas ‘non. Nang pumasok ako sa loob malinis na. She was gone. Nanlamig ako at parang nahulog sa sahig ang puso ko. Nagpanic ako. Lumabas ako agad at tumakbo papunta sa nurse’s station. Tinanong ko agad kung nasaan ang pasyente sa room number ni Kira. Nalaglag ang mga balikat ko sa relief nang sabihin na nagpa-discharge na pala siya kaninang umaga. Bakit hindi niya sinabi sa akin para nasamahan ko siya? Nagpasalamat ako s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


