"PERSONALITY" (part 2/2) Visiting Part

1068 Words
"Ma,kamusta sila kuya?" Baling niya sa mama niya. "Mahabang story anak pero ayos naman. Halika at kumain ka muna." Saka siya hinainan ng ina. Matapos ang salo-salo ay iniabot niya sa mga ito ang mga pasalubong niya. Saka nagpaalam muna para umalis. Pinuntahan niya si Sammy na mas malapit. Nagdoor bell siya at ang driver ni Sammy ang nabungaran. "Yes ma'am? Sino po ang kailangan nyo?" Magalang na tanong nito. "Hey! Manong hindi mo na ba ako nakikilala?" Nangingiting tanong niya dito. Napakunot noo naman ang kausap. "Si hanie po. Si Sammy po ba nandiyan?" Tanong niya. Napatapik sa noo ang driver. "Ayy! Ma'am kayo pala! Nasa loob po sa library. Tuloy po kayo." Ngiting sabi nito. "Kamusta dito manong?" Tanong uli niya habang papasok. "Magulo po eh!" Kakamot kamot sa ulo na sagot nito. Siya naman ang napakunot ang noo. Sabay na inginuso nito ang babaeng nakaprente ng upo sa mahabang sofa. "Oh! I see..." Sagot niyang tila nauunawaan ang nangyayari. "Tatawagin ko lang ho si sir." Sabi nito. "Dalhin mo na lang ako sakanya manong." Na tumango naman. Pinihit niya ang seradura pagkatapat sa pinto ng library. "Hey! Hindi ba sinabi kong wag nyo akong istorbohin kapag nasa LIBRARY ako?? Bullshit!" Sigaw nito na hindi pa man nakikita kung sino ang nasa pinto. "Pwede mo na akong iwan manong. Ako na ang bahala." Pagtataboy niya sa driver na tumalima naman at tuluyan na siyang pumasok sa loob saka isinara ang pinto. "Ang init naman nang ulo mo. So... ayaw mo palang magpaistorbo? Okay, aalis na lang ako." Sabi niya na kunwari ay bubuksan na ang pinto. "Wait!" Pinagmasdan siya nito. Saka unti unting lumiliwanag ang mukha nito. "Is...that you..Hanie?" Tanong nito. "Yes! Sammy. I'm back! Init pa ng ulo ang isasalubong saakin.tsk!" Kunway nagtatampo. Napatayo ito sa kinauupuan at nilapitan siya. "Oh Hanie...I miss you so much!" Sabay yakap sakanya na niyakap din niya. "I miss you too Sammy. So,bakit mainit ang ulo mo?" Tanong niya matapos magyakapan. "Mas lalo ka atang gumanda ngayon Hanie.. Kailan ka pa dumating?" Iwas nito sa tanong niya. "Kahapon and thanks. Anyway hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Seryosong sabi niya. "Marami lang problema." Sagot nito. "Saan?" ...."sa trabaho,sa office." ..."and?" ..."that's all." ..."No! Don't lie to me Sammy. Alam kong may iba ka pang pinoproblema." Napabuntong hininga ito. "Okay! Pag usapan natin sa labas. Let's have dinner later. May aayusin lang ako..." Sukong sabi nito. "Okay. See you later Sammy. Here's my contact. Call me or text me kung saan tayo magkikita. Adios Sammy." Sabay pisil sa ilong nito bago umalis. Nasalubong pa niya ang babaeng nakitang nakaupo kanina sa sofa. Mukhang Sophisticada ito. Tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. "Who are you?" Tanong nito. "I'm Sammy's friend." Tipid niyang sagot. Tumaas lang ang isang kilay nito saka siya inirapan at nilagpasan. Napangisi lang si hanie. Si billy naman ang pupuntahan niya. "Ang tagal kong hinintay ang araw nang pagbabalik mo Hanie. Ibang-iba ka na ngayon." Sabi ni Billy habang nagmemeryenda sila. "Hey! Ako pa rin ito Billy." ..."yeah, nag bago man ang lahat sayo alam kong andiyan pa rin ang dating Hanie na nakilala ko. So,kamusta ang lahat sayo? Trabaho, your personality, your life and lovelife. May nag mamay ari na ba nang puso mo?" Seryosong tanong nito. "Naka graduate na ako at i have a businesses too. My personality? Malaking improvement and now I can controlled my self unlike before. Okay naman ang takbo ng buhay ko and syempre may nag mamay ari nang puso ko no." Nakangiting sagot ni Hanie. Nalungkot bigla ang expression ng mukha ni Billy. "Who's the lucky guy?" Nakatitig na tanong nito sakanya. "Hey! Walang guy! Wala namang pwedeng mag may ari ng puso ko kundi ako. Ikaw ba pwede mong ibigay ang puso mo sa iba? E puso mo yan." Napakunot noo si Billy. "Namimilosopo ka Hanie..." ..."akin na dukutin ko yang puso mo! Ilalagay ko kay angry bird baka sakaling mabuhay." Sabi pa ni Hanie na nakangiti. "Uhh! Hanie?? I'm serious." ..."Wala Billy. How about you? Meron ka na bang ipapakilala saakin at ihaharap sa altar?" Nakangiti pa ring tanong niya. "Yes. Kilala mo na siya Hanie." Sagot nito. Siya naman ang parang natigilan. ______________________________ "What now?" Umpisa ni Hanie. "Can we eat first?" Tipid na sagot ni Sammy. "Habang kumakain pwede naman yun. Come on,tell me what's going on?" Pamimilit ni Hanie. "Sammy, nagmatured ka na at mas lalong naging gwapo. Kaya lang you look haggard stress and sad. What's wrong Sammy." Patuloy niya. Nakatitig si Sammy sa mga mata niya. "May sakit sa puso ang mommy ko. I love you Hanie so much! Naghintay ako sayo. Two years pagkaalis mo umuwi sila mama at may arrangement na nangyari. Ipinakasal nila ako sa babaeng nakita mo sa bahay ko. I can't say 'no' dahil sa sakit ni mommy. She really like that woman na hindi ko gusto, dahil ikaw ang gusto ko Hanie. Nakiusap ako kay dad,pero desisyon daw ni mommy iyon at wala siyang magagawa para dun. Ayaw din niyang kontrahin si mommy na maaring maging dahilan ng pag atake nito. That woman! Kinausap ko siya....." Paliwanag nito. "Then?" Ani Hanie. "She loves me daw nuon pa nang mga panahong nagbabakasyon ako duon ay nagkakilala kami pero hanggang dun lang ang pagkakakilala ko sakanya at nun ko lang siya nakita. Hayy! I don't love her. Ikaw ang mahal ko Hanie. Then, si Trixie kung anu ano na namang kamalditahan ang pinaggagawa ng babaeng iyon. At ngayon inaaway niya ako because of Trixie. At magsusumbong daw siya kay mommy. That's woman! Aaahhh! Paano na lang kapag inatake si mommy? Para siyang bata! Nakakaasar!" Nafa-frustrated na sabi nito. "So, married ka na pala. Titignan ko kung anong magagawa ko para matulungan ka." Seryosong sabi ni Hanie. "I love you Hanie... Mag papa-annul kami kapag napaliwanagan ko na si mommy. I don't love that woman." Hinawakan ni Sammy ang kamay niya at hinalikan. Binawi iyon ni Hanie. "I love you too Sammy but as my friend and please ayusin mo ang sa pagitan ninyo ng asawa mo. Mahal mo ang mommy mo right? Ginawa mo na rin namang mag sakripisyo bakit di mo na lang din pag-aralang mahalin siya? Para maging okay na ang lahat nang hindi ka nagkakaganyan." ..."ikaw ang nahal ko Hanie." .."pero hindi na pwede. Magkita na lang tayo uli next time, kailangan ko nang umuwi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD