CHAPTER 22 Dahil sa panunukso nila sa akin ay napili kong sabayan na lang sila para hindi na ako mahiya. Sa mukha nila ay alam naman nilang may nangyari sa loob ng office ni sir Frederick kaya hindi agad nakapagbukas ng pinto. “Ang daming lamok dito sa site n'yo! Leeg ko pa talaga ang napiling kagatin.” pilyang sabi ko. Tumawa ng malakas si Caleb at Rhys. Ngayong malapit na silang dalawa sa akin ay halata sa mga mukha nila ang pamumula dahil na rin yata sa tama ng alak. "Nandito na rin naman si boss Frederick, sabayan mo na lang kaming uminom, sir!" aya sa kanya nung isang lalaki. Tumingin ito sa akin na tila ba hinihingi ang aking opinyon sa magiging sagot niya. Bakit ako ang sasagot? Ako ba ang iinom? Hindi naman, ah? "Samahan mo na lang kami, Cecilia! Kaunti na lang naman ang na

