CHAPTER 34 Lumipas ang bagong taon at problema agad ang bumungad sa akin. Ang saya- saya ko pa nung sinalubong namin ang bagong taon. Pero ilang araw lang ang nakalipas ay may problema ng dumating. Ang pangit ng bungad ng bagong taon sa akin. “Kailangan mong magpadala ng pera, Cecilia! Dadalhin ko sa hospital ang kapatid mo at nasusuka.” umaga pa lang ay tumawag na si nanay sa akin. “Anong nangyari sa kanya, 'nay? May nakain ba siyang masama?” nag- aalalang tanong ko. Nag unat- unat ako ng aking katawan. “Hindi ko alam! Nilalagnat na 'to kahapon pero ngayon nagsusuka na siya.” sigaw nito sa kabilang linya. “Dalhin n’yo na agad sa hospital, ‘nay! Gagawa ako ng paraan para makapagpadala ako ng pera sa inyo.” bumangon ako sa bumaba sa aking kama. Susubukan kong manghiram sa mga ka

