CHAPTER 4

2201 Words
CHAPTER 4 “Papatayin mo ba ako, sir? Wala pong trabaho ang nanay ko. At ako lang po ang bumubuhay sa pamilya ko. Kapag pinatay n’yo po ako, paano na lang ang mga kapatid ko? Hindi sila makakapag- aral, sir. Paano ang kinabukasan nila? Kaya ‘wag n’yo po akong pata- “Can you please shut the fvck up? May lahi ka bang rapper?” natahimik ako sa sinabi niya. Lagi- lagi niya na lang pinuputol ang sinasabi ko. “Sabi mo kasi dadalhin mo ako sa langit. Hindi pa ako ready umakyat ng langit, sinusundo mo na agad ako. Dati ka bang manok ni San Pedro, sir?” tinakpan ko ang aking bibig nang lumingon siya sa akin na masama ang tingin. “Sorry po, hehe. . . cute po kasi ng kulay ng buhok n’yo. Para po kayong manok na isasabong.” Mas lalong sumama ang tingin nito sa akin. “Joke lang po, tingin na po sa daan baka mabangga tayo. Hindi na po ako magsasalita.” Nagkunwari akong nag- zipper ng bibig ko. Lumipas ang ilang minuto na hindi ko talaga kaya ng hindi nagsasalita. Kumakati ang dila ko kapag wala akong sinasabi. “Sir, sa- “Shut up,” putol nito sa akin. Ang sungit naman nito! Sige na nga. Mamaya na lang ako magsasalita. Mag- eenjoy na muna ako sa mga tanawin sa labas. Itong manok na ‘to, nagrereklamo na maingay ako. Nagrereklamo ba ako na tuwing umaga ang ingay- ingay din ng boses niya? Pumasok kami sa isang subdivision yata ‘to. Sumaludo ang isang guard kahit hindi naman nakikita ang nasa loob. Kilala na yata ang sasakyan. Dinikit ko ang aking mukha sa bintana. Ang ganda- ganda ng mga bahay na nadadaanan namin! Ang laki- laki tapos ang gaganda pa ng kulay! Ang sarap sigurong tumira d’yan! Walang lamok tapos ang lamig- lamig sa loob kahit na mainit sa labas! Tapos walang tutulong tubig sa bubong. Sa bahay kasi namin ayaw na ayaw kong umuulan. Paano ba naman kasi ang daming butas ng bubong namin kaya sa tuwing umuulan parang may shower sa loob ng bahay. Wala kaming pera para ipaayos ‘yon. Kapag nakapag- ipon ako rito, ipapaayos ko ang bahay namin. Huminto kami sa tapat ng isang mansyon. Potek na ‘yan, hindi man lang kumalahati ang bahay namin dito. Mas malaki pa yata ang parking lot nila kesa sa bahay namin. Automatic na bumukas ang malaking gate at tuloy- tuloy na pumasok ang sasakyan niya. “Get out,” malamig na sabi nito at naunang bumaba sa akin. Sa kanila ba ‘to? “Bahay n’yo ‘to, sir? Gagi, ang laki. Nagkikita pa ba kayo ng mga kasama n’yo d’yan sa loob ng bahay?” Nakanganga kong sabi habang nililibot ang tingin ko sa paligid. Kung maglalaro ng tagu- taguan dito malamang aabutin ka ng siyam- siyam bago makita. “Follow me,” mabilis siyang naglakad. Lakad- takbo ang ginawa ko. Ang hahaba ng binti niya tapos ang bilis pang maglakad. Ang ganda sa loob! Kulay ginto ang halos lahat ng mga gamit. Iuwi ko kaya ang isang malaking vase tapos ibenta ko? Hindi naman yata nila mapapansin sa dami ng vase nila dito. Sinundan ko siya ng umakyat siya sa hagdan nila. Kulay ginto rin ang mga barandilya nun. Sino ba ‘tong lalaking ‘to? Anak ba ‘to ng prinsepe? Ang daming kwarto! Maliligaw yata ako kapag tumira ako rito. Binuksan niya ang isang pintuan at tuloy- tuloy na pumasok sa loob. Susundan ko ba siya? Paano kung may gawin siyang masama sa akin sa loob ng kwarto? Niyakap ko ang aking sarili at hindi ako pumasok. Nakatayo lang ako sa labas. At kahit nasa pa ako ay umiihip na ang malamig na hangin mula sa loob ng kwarto niya. Nang makita hindi ako sumunod sa kanya ay lumingon siya sa akin. “What are you waiting for? Pumasok kana!” nakalunok ba ‘to ng mic? Ang hilig niyang sumigaw palagi! Bilog na bilog pa naman ang boses niya. “Bakit ako papasok d’yan? Paano kung may gawin kang masama sa akin? Ang liit- liit ko lang wala akong kalaban- laban sa ‘yo. Dito na tayo sa labas mag- usap. Mahal ko ang sarili ko, ‘no! Baka wala na akong hininga kapag pumasok ako d’yan.” Dumilim ang mukha nito. “This woman is getting into my nerves,” pabulong na sabi niya pero rinig ko naman. Naglakad ito papunta sa akin. “Fine, we’ll talk outside.” Sinira niya ang pintuan ng kwarto niya. Muli kaming bumaba. Padabog siyang umupo sa pang- isahang sofa at naka dekuwatro na kaagad. “Sit down,” kanina pa ‘to utos nang utos sa akin. Nagmumukha na akong asong sunod nang sunod sa kanya. “Ginawa pa akong aso ng manok na ‘to amp,” bulong ko sa sarili ko bago umupo. “Are you saying something?” ngumiti ako at umiling. “Wala, sir. Ang ganda nitong sofa n’yo, ang lambot.” Umiling ito bago ako inikutan ng mata. “So, are you really sure that you want to take this job?” wala pa rin akong alam kung ano ang bl0w job na ‘yan. Hindi naman pwedeng magsearch sa cellphone kong keypad kung anong klaseng trabaho ‘yan. “Yes po,” determinadong sabi ko. “May choice pa baa ko, nakakuha na ako ng advance payment.” Bulong ko ulit. “May sinasabi ka?” umayos ito ng upo. Ang hahaba talaga ng legs niya. Nakasuot lang pala ng crocs na tsinelas pero ang astig ng tingnan. “Wala po, ang sabi ko ipaliwanag n’yo sa akin kung anong klaseng trabaho ba ‘yang bl0w job. Hindi kasi ako pamilyar sa ganyang trabaho.” Nagkamot ako ng ulo. Kinagat niya ang kanyang pang- ibabang labi na tila ba pinipigilan niya ang sarili niyang matawa. Ito na naman siya, tumatawa na naman na parang tanga. Hindi na nito napigilan ang sarili niya at kumawala na sa kanyang bibig ang malakas na tawa niya. Dumagundongi to sa loob ng buong bahay. Kulang na lang magpagulong- gulong siya. “Fvck, I’m really enjoying this.” Aba ang walanghiya! Naiiyak na sa kakatawa niya. “Ipaliwanag mo na sa kasi! Tawa ka nang tawa d’yan wala namang nakakatawa dito.” Naiinis na sabi ko. Ilang beses itong lumunok bago nagsalita. “Hindi mo na gagawin ang bl0w job. Maybe save it in the future. For now, your job will be the personal yaya of my younger brother.” Personal yaya? Okay na rin ‘yon. Sana mabait ‘yong kapatid niya. “Limang libo pa rin ‘yong isang araw ko?” paniniguradong tanong ko sa kanya. “Yeah, you will start now.” Tumingin ito sa pambisig niyang relo. “Mamaya nandito na ‘yon. Half day lang ang klase niya. Ang gagawin mo lang ay sasama ka sa kanya sa pagpunta sa school. At hindi ka aalis dun hanggang hindi pa tapos ang klase niya. Kapag nandito naman sa bahay you should lessen his screen time. And susubuan mo siya kapag kakain siya. Gulay ang dapat pinapakain mo sa kanya. You have to be with him 24/7.” Tumango ako sa sinabi niya. Magiging madali lang ‘to para sa akin kasi may kapatid naman ako at ako naman ang nag- aalaga sa kanila. “Noted na, sir. Stay in ba ‘to, sir? Parang ang layo po ng bahay n’yo sa amin. Mahihirapan ako sa byahe, paano kung umulan tapos wala akong masakyan. Tapos traffic pa, baka malate ang kapatid mo hindi siya makakapa- “How can you be with him 24/7 if it is not stay in?” malditong sabi nito bago tumayo. ‘Tamo, nagtatanong ako ng maayos tapos isasagot sa akin tanong din. May saltik talaga ‘tong manok na ‘to. “Follow me,” ginagawa na naman akong aso ng manok! Padabog akong tumayo. Habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang mahabang lamesa nila nasa twelve yata ang upuan na nandoon. Gold din kahit ang mga upuan nila. “Saan tayo, sir?” pumuntay ako ng lakad sa kanya. Kailangan ko pang mag- angat ng tingin kapag kinakausap ko siya. “I’m gonna show you your room.” Dumaan kami sa kusina may isang pinto iyon papunta sa labas ng bahay nila. Pero hindi kami tuluyang lumabas, kasi may isang pinto pa at iyon ang binuksan niya. “This is going to be your room.” Dalawang double deck ang nandoon. Malaki ang kwarto at sakto lang para sa apat na tao. May sarili ring banyo at may malalaking apat na cabinet. May dalawang babaeng nakaupo sa parehas na baba ng dalawang double deck. Nagtutupi sila ng damit at nakasuot ng pang kasambahay na uniporme. Kulay gold din iyon. Ang hilig naman sa ginto ng pamilyang ‘to. “Good morning, sir!” bati nito sa kanya sabay tayo. “Sila ang makakasama mo rito, tatlo sila at si manang Felmay ay nasa labas pa.” yumuko lang ang dalawang kasambahay habang sinasabi niya ‘yon. Nang isara niya ang pinto ay muli kaming lumabas. “Kunin ko muna ang mga gamit ko sa bahay, sir. Magpapaalam din ako sa tita ko. Tapos balik na lang ako rito mamaya.” Nasa bag pa ang iilang gamit ko at kaunti pa lang ang nailabas ko kaya mabilis lang ako. “I’ll come with you,” sunod- sunod akong umiling. Nakakahiya na sa kanya! Pakiramdam ko kasi irita na siya sa ingay ko. “’Wag na po, sir! Mabilis lang naman ako,” nilagpasan niya ako at naunang maglakad sa akin. “Sir, hindi na po kailangan.” Lintik na manok ‘to ang bilis maglakad! Wala akong nagawa kung hindi pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ayaw niyang sabihin sa akin kung anong address ng bahay nila. “D’yan po, sir. Dito na lang po kayo maghintay sa akin, sir. Hindi po kasya ang sasakyan n’yo sa loob.” Tinanggal ko na ang aking seatbelt. Inaalis niya rin sa kanya at balak pa yata sumama. “Dito lang po kayo, sir. ‘Wag n’yo iwan ‘yong sasakyan n’yo at kapag bumalik tayo ubos na ang gulong ng sasakyan mo.” Uso ‘yan dito sa kanila ni tita. Sa ganda ng kotse niya hindi malabo na hindi sila magka- interes dito. “Fine, bilisan mo. You only have twenty minutes to get your things. Ayaw kong pinaghihintay ako.” pinakita niya sa akin ang cellphone niya kung saan nagsisimula na ang timer. “Paawat ka naman! Nakastart agad ang timer? Ulitin mo, dapat kapag nasa labas na ako ng kotse mo!” hindi siya nakinig sa akin at pasipol- sipol pa. “The time is running, Cecilia.” Binuksan ko ang pinto at agad na tumakbo papunta sa bahay ni tita. “Sorry po!” sabi ko nang mayroon akong makabangga. Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng bahay ni tita. “Oh, Cecilia nandito kana pala.” Nasa sala ito at nagbibilang na ng mga kita. “Tita, mabilis lang po ako rito. May nahanap po kasi akong trabaho kanina yaya po ng isang bata. Kasama ko po ‘yong boss ko pero nandoon siya sa labas kaya nagmamadali na po ako. Stay in po kasi,” pumasok ako sa loob ng kwarto ko at hindi ko na sinara pa ang pinto. “Uuwi ka pa ba dito?” sumandal si tita sa labas ng pintuan. “Kapag may day off po ako, tita. Susubukan ko pong dumalaw dito.” Hindi na maayos ang pagkakalagay ko sa mga damit ko dahil sa aking pagmamadali. Nang makuha ko na lahat ng mga gamit ko ay lumabas ako ng kwarto. “Tita, salamat po sa pagpapatuloy n’yo sa akin dito. Susubukan ko pong dumalaw sa inyo kapag nagkaroon ako ng oras.” Tumango ito sa akin. Bago ako umalis ay may sinabi pa siya sa akin. “’Wag mong kalilimutan na magpadala sa amin kapag may sweldo kana, ah? Utang na loob mo ‘yan sa amin ng tito mo. Tawagan kita kapag kailangan namin ng pera.” Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpadala ng pera sa kanila sa bawat sweldo ko? Oo, may utang na loob ako sa kanila dahil pinatira nila ako sa bahay nila. Pero habang- buhay ko bang pagbabayaran ‘yon? Kung pati silang dalawa ni tito ay padadalhan ko pa, paano naman ang sarili ko? Wala ng matitira sa akin? Pumasok ako sa driver’s seat at basta- basta ko na lang na tinapon sa backseat ang aking dalawang bag na dala. “You are five minutes late, Cecilia.” Isa pa ‘tong manok na kasama ko. Isa pa 'to! “Ano? May parusa ba ako? May kaltas ba sa sweldo ko? Sinabi ko naman sa ‘yo na ‘wag ka ng sumama rito kung mainipin ka naman pala. Sino bang may sabi sa ‘yo na sumama ka? Kung sinabi mo lang sana kung ano ang addr- Napatigil ako sa pagsasalita nang may dumampi sa labi ko. “Tang ina! Bakit mo ako hinalikan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD