CHAPTER 1
Bakit kaya kailangan pang may mayaman at mahirap? Hindi ba pwedeng pantay- pantay na lang lahat?
“Hirap na hirap na nga tayo sa buhay kumuha ka pa ng isang palamunin dito sa bahay!”
Nasa loob ako ng kwarto at handa na sanang matulog nang marinig ko ang pagtatalo ni tita Criselda at Tito Jun sa sala. Ako ang pinag- uusapan nila.
“’Wag kang sumigaw! Maririnig ka nung bata!” boses iyon ni tita Aida na pilit pinapatahimik si tito Jun na mukhang lasing na naman. Si Tita Criselda ay ang nakakatandang kapatid ni nanay. Kinuha niya ako para makapaghanap ako ng trabaho. Isang linggo pa lang ako sa bahay nila pero hanggang ngayon wala pa akong nahahanap na trabaho. Madalas kasi ay hindi sila tumatanggap ng senior high graduate lang.
“Tama lang na marinig niya! Hanggang ngayon wala pa ring trabaho! Kausapin mo si Kristine nang maipasok na siya doon at ng mapakinabangan naman natin ‘yang pamangkin mo!” wala silang anak. Si Tita ay may tindang ukay- ukay habang si Tito naman ay nasa bahay lang. Madalas lasing.
“Kung hindi mo kakausapin si Kristine ako ang kakausap sa kanya para maipasok siya! Malaki ang sweldo doon at madali lang din ang trabaho.” sigaw ni tito at nakarinig na lang ako ng pagkabasag ng isang bagay na hula ko ay isang baso.
Hindi ako nakatulog nung gabing iyon. Pinag- iisipan ko ang sinabi ni Tito tungkol doon sa babaeng nagngangalang Kristine.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa sina Tita. Nagsaing na muna ako at nagluto ng ulam na itlog at hotdog. Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako.
Maliit lang ang bahay nina Tita, may maliit na sala na may dalawang pang- isahang sofa lang, sa harap nun ang kusina at nandoon din ang hapagkainan. May dalawang maliit na kwarto rin ang bahay nila. Ang banyo ay maliit lang din at minsan ay wala pang tubig.
Nang lumabas ako ng banyo ay naabutan ko silang kumakain ng almusal.
“Magandang umaga po,” si Tita Aida lamang ang pumansin sa akin.
“Kumain kana, Cecilia.” Tumayo na si Tita mula sa kanyang pagkakaupo bitbit ang pinggan niya. Tumayo na rin si Tita at dumiretso sa labas ng hindi man lang nililigpit ang pinagkainan niya.
Nang mapatingin ako sa mga niluto kong ulam kanina ay wala ng natira. Ang kanin ay kaunti na lang din.
“Mauna na ako sa ‘yo, Cecilia. Magbubukas pa ako ng shop.”
“Sige po, tita. Mag- ingat po kayo.”
Tahimik akong kumuha ng pinggan at kutsara sa kasina. May nakita akong toyo kaya kinuha ko ‘yon.
Nasa limang kutsara na lang yata ang natirang kanin at kahit kaunti ay wala man lang natirang ulam.
Nilagyan ko ng toyo ang aking kanin at nagsimula akong kumain. Sanay na akong na ang ulam ay toyo dahil madalas sa bahay namin ganito rin ang ulam namin. Minsan nga ay asin din. At kung walang asin ay tubig na lang.
Hindi ako maarte pagdating sa pagkain. Mag- iinarte pa ba ako na halos wala na nga kaming makain?
Nang matapos akong kumain ay niligpit ko muna ang mga pinggan sa mesa at hinugasan iyon bago ako umalis.
Napag- isipan ko na ‘to kagabi. Alam ko na rin kung saan siya hahanapin dahil nung unang araw ko rito ay nag- offer na siya ng trabaho sa akin.
Bago ako umalis ay nakatanggap ako ng tawag galing kay nanay. Ang gamit kong cellphone ay keypad dahil ito lang ang afford ko.
“Oh, kailan ka magpapadala ng pera sa amin?” ni hindi man lang ako kinamusta. May narinig akong mga halakhak ng mga babae. Wala na naman ‘to sa bahay. Nagsusugal na naman ‘to. Wala na nga kaming makain, inuuna niya pa ang pagsusugal.
“’Nay, wala pa po akong trabaho. Hindi pa po ako makakapagpadala sa inyo.” Paliwanag ko sa kanya.
“Ano? Anong walang trabaho? Isang linggo kana d’yan wala pa rin? Baka niloloko mo lang ako, Cecilia! Tandaan mo at nandito ang mga kapatid mo sa akin!” may dalawa akong kapatid na naiwan doon. Ang isang lalaki na grade 7 at isang babae na grade 6.
“Magpapadala po ako d’yan kapag may trabaho na po ako.”
“Siguraduhin mo ‘yan, Cecilia!” naghiwalay na si nanay at tatay. At wala na kaming balita pa kay tatay.
“Pwede ko po bang makausap ang kapatid ko?” narinig ko sa kabilang linya ang pagtawag nito sa aking kapatid.
“Ate! Hello, ate?” si Reinna ito, ang bunso naming kapatid.
“Kumusta ka d’yan, Reinna? Kumain kana ba?” palaging wala si nanay sa bahay kaya silang dalawa ng kapatid ko ang naiiwan.
“Ayos lang naman po, ate. Si kuya Lazaro po may sipon na naman. Tapos hindi pa po kami kumakain kasi wala pong pera binibigay si nanay para pambili ng bigas.” Napapikit ako sa aking narinig. Kailangan ko na ng trabaho.
Nasa harap na ako ng isang bahay na mas malaki lang ng kaunti sa bahay ni Tita Criselda.
Sa labas pa lang ay may nakita na akong dalawang babae na nagsasampay ng mga damit.
Nang mapansin ako ng isang babae ay agad niyang tinigil ang ginagawa niya upang lapitan ako.
“Ang ganda mo naman! Kailangan mo ba ng trabaho?” itong babaeng lumapit sa akin ay maikli ang kanyang buhok at may kulay green ang dulo ng buhok niya. Magkasingtangkad lang kaming dalawa.
“Ito po ba ‘yong bahay ni ate Kristine?” tanong ko sa kanya.
“Ito nga, pasok ka, pasok ka. Nasa loob si Kristine! Ano pa lang pangalan mo?” naglalakad na kaming dalawa papunta sa loob ng bahay. Nang dumaan kami sa kasama niyang nagsasampay kanina ay ngumiti rin ito sa akin. ‘Yong naiwang nagsasampay ay blonde naman ang buhok.
“Cecilia po ang pangalan ko,”
“’Te Kristine! Asan ka? May blessing tayo!” nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito. Lumabas sa isang kwarto ang isang babae. Ito si ate Kristine.
“Sabi ko na nga ba at kakailanganin mo rin ang tulong ko.”
Nakatayo ako sa isang mausok, magulo, at maingay na lugar. Suot ang isang damit na hindi ako kumportable. Pero wala na akong panahon pa para umatras dahil nandito na ako.
Nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Hindi ko alam kung paano ako maghahanap ng customer ngayong gabi. Ang mga kasama kong sina ate Kristine, Ate Verona na kulay berde ang buhok, at si ate Marsha na blonde naman ay may kanya- kanya ng kasama.
Para akong isang batang nawawala dito sa gitna ng dancefloor. First time kong makapasok dito at ang gulo pala! Wala namang ganito sa bundok!
Naglakad ako, may isang grupo ng mga lalaki na nakakuha ng aking pansin. Nakapalibot silang tatlo sa pabilog na mesa at nagtatawanan. Ang nasa gitna ang nakakuha ng pansin ko. Paano ba naman, kulay pula ang buhok niya! Ano ‘to manok?
Dumaan ako sa table nila at narinig kong sumipol ang kasama nito. Sa kanila na lang kaya ako lumapit? Ayaw ko doon sa mga matatandang customer nina ate Kristine! Nakikita ko pa lang ay parang nasusuka na ako! Pero sa nakikita kong porma nung tatlo, parang wala naman sa kanila ang pumapatol sa tulad ko. Parang mga high class sila.
Nang dumaan sa harapan ko si Ate Verona ay may kasama na itong matandang lalaki. Binigay niya sa akin ang isang basong alak nang dumaan siya. Naglakad sila papunta sa pinto at lumabas na.
Kahit hindi ako umiinom ng alak ay uminom pa rin ako ng kaunti para lumakas ang loob ko. Napangiwi ako nang gumuhit ang alak sa aking lalamunan! Ang pait naman nito! Wala bang juice na binebente rito?
Sumulyap ako sa mesa nung tatlong lalaki at sa hindi inaasahan ay nagtagpo ang mga mata namin nung lalaking mukhang manok. Tinaas niya ang kanyang baso na parang bang nakikipag- cheers siya sa akin. Dahil sa kaba ko ay umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi siya pinansin. Bigla na lang akong kinabahan sa kanya.
Panay ang hila ko sa suot kong dress na hindi man lang umabot sa aking tuhod. Ang iksi nun! Maputi naman ako pero hindi ako sanay na magsuot ng ganoon!
Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang alak na binigay sa akin ni ate Verona at agad ko rin iyong pinagsisihan dahil umiikot na ang aking paningin.
Isang baso lang nalasing agad ako?
Nagsimula akong maglakad at dumagdag pa sa aking pagkahilo ang paiba- ibang kulay ng ilaw.
Nauna pa akong malasing kesa makakita ng customer ngayong gabi.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may makabangga ako.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa aking pagkakalaglag sa lupa. Pinikit ko ang aking mga mata.
Pero ilang segundo ang lumipas at hindi naman tumama ang katawan ko sa lupa.
Dahan- dahan kong minulat ang aking mga mata at sinalubong ako ng kulay asul niyang mga mata na tila isang malalim na karagatan.
Ito ang lalaking kulay pula ang buhok kanina! Nakahawak ang malalaking kamay nito sa likod ng aking bewang. Agad akong umayos ng tayo at lumayo ng kaunti sa kanya.
“What’s your name, miss?” tanong nito sa malalim na boses. Ang baba ng boses niya at bilog na bilog iyon.
“Cecilia po,” namumungay na ang aking mga mata at lalo pa yata akong nalalasing dahil sa mga titig niya.
“Cecilia? You have a nice as$ by the way,”