SHEILO POV
2years later
"Mememe"
Naimulat ko ang aking mga mata na gusto pang pumikit dahil sa sobrang antok ko pa.
Wala akong choice kundi ang pansinin ang aking kapatid na 2years old na ngayon. Pinipilit niya akong gisingin. Malamang gutom na siya o di kaya nagpopo na.
"Yes kapatid,si bunso?"
Hinarap ko na siya,at pinang gigilan ko ng halik ang kanyang mukha. Sobrang gwapo naman talaga ng bunso namin.
"Memememe"
Hindi naman s'ya matigil sa kakatawa dahil sa aking panghahalik sa kanya.
Napakabait ni bunso,hindi s'ya maiyaking baby at higit sa lahat hindi s'ya sakitin.
Noong nahospital s'ya 2years ago dahil sa dengue iyon yong una at huli n'yang pagkakasakit.
Kahit nga sa mga injection dahil sa immunization nag iinit lang yong katawan n'ya. Pagkatapos ko s'yang painomin ng gamot para sa lagnat nawawala kaagad iyong init niya sa katawan. Never siya nilagnat,at labis akong nagpapasalamat sa mahal na panginoon dahil alam ko kung hindi dahil sa kanya hindi magiging strong ang bunso namin.
"Et meme,et meme"
"Ohh my Shin is hungry"
Gutom na nga siya. Gutom na ang Shin ko.
Binuhat ko na siya para dalhin s'ya sa kusina namin. Bago kami lumabas ng kwarto chenik ko muna kong okay lang din ba ang aming baby Jayven. Nang masiguro kong ayos lang naman ang baby namin tuluyan na akong lumabas ng kwarto habang karga ko si bunso.
YES,my baby. Nagbunga ang isang gabi na yon. Noong malaman kong buntis ako para akong mababaliw dahil paano ko maaalagaan si bunso ng mabuti kong buntis ako. Pero hindi ko naman makayang ipalaglag ang baby na nasa aking sinapupunan,inosente siya at isang anghel para gawin ko iyon kaya ipinagpatuloy ko siyang dalhin at iniluwal sa mundong ito. Kahit sobrang nahihirapan na ako kinaya ko lahat. Kahit sobrang sakit na ng dibdib ko dahil sa sama ng loob dahil sa mga hindi magagandang salita na ibinabato ng mga tao dito sa amin tungkol sa akin,tiniis ko lahat ng iyon.
Wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila,ang importanti sa akin ang dalawang anghel na nasa aking tabi.
Dahil sa perang binayad sa akin noon,ay nakalipat kami dito sa syudad kahit na sobrang liit lang ng bahay namin.
Nakabili ako ng maliit na lupa at pinatayuan ko ng hindi kalakihang bahay. Hinati ko ito sa dalawang parti. Ang sa likod ay ginawa kong tulogan namin,banyo at kusina. Sa harapan naman ginawa kong sari-sari store at ito ngayon ang bumubuhay sa aming tatlo,dahil sa awa ng diyos marami din ang bumibili sa mga paninda ko.
Sari-sari kasi yong mga ibinibinta ko. Parang lahat na yata,kapag may naghahanap kasi o bibili tapos wala ako,bukas na bukas bibili talaga ako niyan.
Meron akong mga binibintang bigas,mga grocery, softdrinks at iba pa. Lahat ng makikita sa mga malilit na sari-sari store d'yan sa tabi-tabi ay mayroon ako.
At nagbavlog din ako,gamit ang mga damit na sarili kong gawa. Mula sa design hanggang sa pagtatahi ko. Medyo matagal nga lang dahil wala naman akong makina pangtahi. Kamay ko lang yong ginagamit ko. Pwede naman akong bumili dahil may pera naman ako. Ngunit mas pinili kong itago ang pera na naipon ko para sa mga baby ko at lalo na sa mga emergency na pangangailangan.
Sobrang kulang talaga ako sa tulog. Una dahil sa mga babies ko. Pangalawa dahil sa pagbavlog ko. Makapagvlog lang kasi ako sa tuwing tulog ang dalawang anghel ko. Kaya palagi akong kinulang sa tulog.
Kahit ganoon pa man hindi ko rin naman pinababayaan ang sarili ko.
17years old na ako ngayon. Sa kasalukuyan naming tinitirhan walang nakakaalam na menor de edad pa lang ako. Ang alam nila 25 na ako. Kaya nga hindi sila naniniwala sa akin dahil neneng-nene pa raw ako,lalo na ang mukha ko. Tinatawanan ko na lang sila.
Dahil ang totoo neneng-nene pa naman talaga ako.
"Tao po!...bestfriend gising kana ba?"
Napalingon ako sa may pintuan kung saan nanggaling ang boses ni Kiara na bestfriend ko.
"Best pasok!. Nandito ako sa kusina nagpapakain kay bunso!" balik sigaw ko sa kanya.
Si Kiara ang una kong naging kaibigan sa lugar na ito. Hanggang sa naging matalik na magkaibigan kaming dalawa. Siya rin ang naging katuwang ko sa lahat lalong-lalo na sa pag-aalaga sa dalawang bata. Siya din ang nag-iisang ninang nila. Hindi na ako kumuha pa ng iba dahil hindi naman ako mapera at saka sapat na sa akin na siya lang. At wala din naman akong ibang kaibigan maliban sa kanya.
"Good morning my baby Shin"
Bati niya sa kapatid ko na inaanak niya din sabay halik sa noo ni bunso. "Good morning din sayo best" bati niya din sa akin sabay halik sa pisngi ko.
"Same to you best. You're so early,...why?" tanong ko kay Kiara na ngayo'y nakaupo na sa tabi ni Shin.
"I have good news for you...no,no correction...good news for the both of us bestfriend!" pasigaw niyang sabi.
"Best shhhhh"
Saway ko sa kanya baka kasi magising ang inaanak niya na anak ko dahil sa lakas ng boses niya.
"Opssss,,sorry best."
Bulong niya sabay takip ng dalawa niyang kamay sa bibig niya.
"Sorry bestfriend excited lang!"
Nakangiti niyang paumanhin sa akin.
Nginitian ko lang siya bilang ganti. At ipinagpatuloy ko ang pagpapakain kay bunso.
"So,what good news is that?"
Maya-maya'y tanong ko sa kanya.
"Kilala mo ang pamilyang Garcia diba?"
Tanong ng kaibigan ko sa akin.
"Hmmm"
Tumango lang ako sa tanong niya. Sino ba naman ang hindi makakilala sa kanila eh,sila yata ang pinakamayaman sa lugar nato at higit sa lahat sa kanila naglalabada si mom noong nabubuhay pa siya at ganun din ako. Sa pagkakaalam ko may isang anak sila na lalaki at doctor din ito katulad nilang mag asawa.
"Mrs. Garcia called me last night"
"So?" walang gana kung tanong sa mahal kong kaibigan na maingay.
"Anong so? Hindi so,so,so yon best." di makapaniwala niyang sabi. "Guess what?"
"May pa guess what,guess what kapa sabihin mo na kasi"
Sabi ko na hindi siya tinitingnan,patuloy lang ako sa pagpakain kay bunso.
"Best..." tawag niya sa akin sabay hawak ng aking kamay na may hawak pang kutsara. "Hindi ka man lang ba excited or what? Si Mrs. Garcia kaya yon,Garcia best!"
"Eh! Ano naman ngayon?...Just tell me directly best,I'm not a fortune teller"
Tinawanan lang ako ng magaling kong kaibigan.
"Alright, baka masabunutan mo pa ako eh. Ayon na nga best,tumawag siya para kunin tayo at ang flower shop natin para tayo daw ang magdedecorate sa mansion nila this coming Sunday dahil engagement daw ng kanyang uni ka iho."
Bigla akong natahimik sa kanyang sinabi. Bigla akong kinabahan ng hindi ko alam kong bakit.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili,dapat maging masaya ako dahil malaking pera ang kikitain namin dito kapag matutuloy nga na kami o ang flower shop namin ang kunin nila.
Yes,Kiara and I owned a flower shop,a small and simple one. Mga dalawang buwan pa lang ang shop namin simula noong magsimula kaming magkaibigan.
Sa totoo lang hindi problema kay Kiara ang pera dahil anak mayaman siya at saka mayroon din s'yang sariling negosyo na ipinamana ng grandparents niya sa kanya. Dahil sa matalinong babae at madiskarte si Kiara napalago niya ito at nagkaroon pa ng ibang branches sa ibat-ibang lugar dito sa loob ng bansa.
"Best diba good news ito?"
Tanong niya sa akin. Nginitian ko lang siya bilang pagsang ayon.
"Yes,its really a good news to us. To our shop as well." Sabi ko sa kanya.
"Why do I feel that you're not happy"
May pagdududang tanong niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Huh,no! Ofcourse I'm happy,it's just...."
"Okay I get it. You are happy for our business,but on the other hand you're not happy for yourself. Why? I know you best. Tell me, don't dare to lie to me kakalbuhin talaga kitang babae ka."
Natawa na lang ako sa haba-haba ng kanyang sinabi. My bestfriend really know me.
Kilalang-kilala na talaga niya ako,dahil nakuha niya kaagad kung bakit hindi ako masaya. Kaya di maiwasang mapabuga ng hangin.
"My mom used to worked for them when she is still alive and so am I."
Pauna kong kwento sa kanya.
"So,what happened next?"
Atat talaga ang kaibigan kong ito kung chismis na ang pag-uusapan.
"But when I got pregnant and my mom is gone already,and you know that right?"
Tumango naman siya sa tanong ko at tiningnan akong may lungkot sa kanyang mga mata.
"I'm fine best,I'm really fine"
Binigyan ko siya ng matamis kong ngiti.
"Mrs.Garcia,she used to be proud of me because of my achievements when I was in high school. But everything's changed. Hindi man niya deriktang sinabi sa akin pero alam kong nandidiri siya sa akin ng malaman niyang buntis ako. At pinatigil niya ako sa paglalabada sa kanila."
Di ko maiwasang maluha sa isiping iyon. Akala ko kasi dati na magiging sandalan ko siya,na pwede ko siyang masabihan sa nangyari sa akin dahil itinuring ko na siyang pangalawa kong ina,pero hindi pala. Mali pala ako.
"May itinatagong witch side pala ang matandang yon!"
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Tatawagin ba namang witch ang pinakamayaman na babae sa lugar namin.
Pero umaasa pa rin ako na mali yong iniisip ko tungkol sa kanya. Na sana mali lahat ng akala ko dahil sobrang napalapit na talaga sa puso ko ang babaeng yon at tinuturing ko na pangalawang ina.
"Ano ngayon sa'iyo best,itutuloy ba natin o huwag na lang,hindi naman tayo malulugi kong sakaling hindi tayo tutuloy."
"No best,itutuloy natin. At saka magdedeliver lang naman tayo at yong dalawang tauhan na lang natin bahala sa venue echicheck na lang natin kapag tapos na at okay na lahat."
"Okay din ako d'yan best as okay pa nga na cla Ana at Jane na lang ang mag aayos don."
"At saka isa lang naman sa ating dalawa ang pweding aalis o pupunta doon dahil walang maiiwan sa mga babies ko,at pareho nating alam yan."
"Haissst dahil sa sobrang excited ko nakalimutan ko bigla ang mga babies ko na to" Sabi ni Kiara sabay yakap kay bunso.
Sa totoo lang sobrang liit lang talaga ang kinikita ng aming flower shop ni Kiara. Sakto-sakto lang pangsahod sa dalawa naming helper minsan nga nagagamit ni Kiara ang sarili n'yang pera. Pinagtitiisan lang talaga namin ang flower shop dahil pareho kaming adik sa mga bulaklak.