SHEILO POV
"Allright everyone,ito na yong pinakahihintay nang lahat ang message na nagmumula sa valedictorian natin ngayong taon. Please welcome Sheilo Ordoñez!"
Dinig kong sigaw ng aming principal habang hawak-hawak nito ang microphone. Yes,s'ya ang nag volunteer na maging MC ngayon. Dapat nandoon lang s'ya sa harapan ng stage kasama ang mga guro at visitors namin na nakaupo. Sinipag yata.
Tumayo na ako pagkatapos n'yang tawagin ang pangalan ko. Nilingon ko muna si inay na ngayo'y nakatingin din sa akin na may magandang ngiti. Napansin ko din ang pasimple nitong pagpunas ng kanyang pisngi. Sigurado akong umiiyak na naman s'ya. Naging iyakin si inay ngayon siguro dahil sa pagbubuntis n'ya.
Nang makalapit ako sa principal namin binigay n'ya agad sa akin ang mike. Pero bago n'ya ako iniwanan sa gitna ng stage binati nya muna ako.
"Congratulations iha,siguradong napaka proud ng mama mo ngayon saiyo."
Saad n'ya sabay sulyap sa kinaroroonan ni inay at binigyan n'ya ng ngiti ang inay ko. Sobra akong na touch sa ginawa. Sa dami ng estudyante nakilala n'ya pa rin kung sino ang aking inay.
Mabait naman talaga ang principal naming ito. May katandaan na rin. Kung tama ang hula ko ay mga nasa singkwenta(50) na s'ya.
"Thank you so much po Mr. Principal."
Pasalamat ko sa kanya saka yumuko sa harapan n'ya bilang paggalang. Hindi naman nagtagal,naglakad na s'ya pabalik sa upuan n'ya kung saan kasama n'ya doon nakaupo ang mga guro namin.
"Ehmmmmm"
Tikhim ko,para kasing biglang natuyo ang lalamunan ko. Kinakabahan talaga ako. Ito ang unang beses na magsasalita ako sa harap ng napakaraming tao.
Actually my speech na inihanda ang adviser namin para sa akin pero hindi ko ito tinanggap. Gusto kong ako mismo ang gagawa ng sarili kong speech.
Ang dami ko pa naman gustong ipagpasalamat sa inay ko.
"Una sa lahat magandang araw po sa inyong lahat. Haiiii......pasensya na po kayo dahil kinakabahan po talaga ako ngayon. Well to make my speech short,gusto ko lang magpasalamat ng maraming beses sa inay ko. Dahil sa kanya nandito ako ngayon sa harapan n'yo."
'Hoooooh' bumuga muna ako ng hangin para kasing sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. I look at my mom and continue my speech.
"Inay,saying thank you is not enough how grateful I am,how blessed I am and how thankful I am that you are my inay. You did everything you can just to give me food to eat,you give me clothes to wear and everything. And more important is the unconditional love you give me."
Tuluyan na akong naiyak habang patuloy pa rin ako sa pagsasalita sa harapan ng maraming tao. May napansin din akong mga nanay na umiiyak na din ganun din ang Ilan sa mga guro namin lalo na yong mga babae.
Kahit iniwan na kami ni itay sobrang nagpapasalamat pa rin ako dahil si inay ang aking naging ina. I swear to God na mamahalin ko si inay ng sobra katulad ng pagmamahal na ibinigay n'ya sa akin.
***
SA wakas natapos din ang aming graduation ceremony. At ngayon sakay na kami ng tricycle ni inay pauwi ng bahay. Nakapagtataka lang dahil sobrang tahimik ni inay.
"Inay okay lang po ba kayo?"
I asks her. Hindi ko na matiis ang pananahimik n'yang bigla.
"Okay lang ako Sweetheart,pero pakisabi sa driver na bilisan nya ng konti ang pagpapatakbo nitong tricycle niya dahil manganganak na yata ako. Kukunin lang natin yong gamit ni bunso na nandoon. "
"Kuya pwede po bang pakibilisan po manganganak na po ang inay ko."
Nagpapanic kong sabi sa kuyang driver. Agad naman sinunod ng driver ang utos ko kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay namin. Lakad takbo ang aking ginawa para lang makapasok ako agad sa loob ng bahay para kunin ang mga gamit ni bunso. Mabuti na lang at na ready na namin ito ni inay,kaya mabilis ko lang itong nakuha.
Pagkatapos kong makuha ang gamit ni bunso agad na akong lumabas sa bahay. Hindi ko nga alam kong naisarado ko iyon dahil sa pagmamadali ko. Kung sakali mang open yong bahay namin kahit pasukin pa iyon ng magnanakaw eh wala din naman silang makukuha doon.
Agaran din naman pinatakbo ng driver nang makaupo na ako sa tabi ni inay.
"Inay sobrang masakit ba"
Parang maiiyak na ako dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Excitement, takot at saya yan ang nararamdaman ko ngayon. Minuto na lang ang hihintayin ko para makita at masilayan ko na si bunso.
"Okay lang ako Sweetheart"
Sagot naman ni inay sa akin habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hinawakan ko ang t'yan ni inay,at baba taas ko itong hinahaplos haplos.
"Bunso wag mo masyadong pahirapan si inay ha,masasaktan ang inay natin ng sobra kaya behave ka lang d'yan."
Kausap ko kay bunso na nasa t'yan pa rin ni inay.
HINDI nagtagal narating din namin ang pinakamalapit na hospital. Mabilisan namang inasikaso si inay ng mga nurses at mayroon na ring doctor na lumapit. Hindi nga lang ako sure kung anong doctor s'ya. I mean kung anong klasing doctor s'ya,surgeon ba or what.
Napatitig ako sa babaeng doctor ng utusan nya ang mga nurses na dalhin si inay sa delivery room. Kaya doon ko pa nasiguro na s'ya ang magpapaanak kay inay.
Nang maipasok na nila si inay gusto ko rin sanang pumasok sa loob kaso hinarangan ako ng isang nurse. Bawal daw ako sa loob. Kaya wala na akong nagawa kundi ang maghintay dito sa labas.
LUMIPAS na ang isang oras mula ng ipasok si inay sa delivery room at isang oras na din ang aking paghihintay sa labas nito.
Sobrang kaba na ang aking nararamdaman sa mga oras na ito dahil sobrang tagal,hanggang ngayon hindi pa rin lumabas ang doctor na nagpaanak kay inay.
Hanggang sa naging dalawang oras na ang aking paghihintay dito sa labas ng delivery room. Wala pa ring doctor o kahit nurse man lang ang lumabas. Upang ipaalam na okay na si inay. Parang maiiyak na ako sa kaba at pag-alala sa kanila ni inay at bunso.
Napaupo na lang ako dito sa sahig sa may gilid ng pintuan nitong delivery room dahil sa pagod. Idagdag pa ang pangangatog ng aking mga binti. At kanina pa ako nakatayo dito naghihintay kung sino ang lalabas pero kahit isa wala man lang.
Dahil sa sobrang pagod hindi ko na namalayan ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata habang nakaupo sa malamig na tiles.
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa aking pisngi at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.
Ang napakagandang mukha ng babaeng doctor ang sumalubong sa akin. Kaya tuluyan na akong nagising at si inay agad ang unang pumasok sa aking isipan kaya napatayo ako bigla ng maalala ko si inay.
"D-dok kumusta na po ang inay ko at si bunso?"
Agad kong tanong sa babaeng doctor na nasa harap ko at s'ya lang naman itong doctor na nagpaanak kay inay.
Bumalik yong walang kapantay na kaba na aking naramdaman mula pa kanina dahil sa klasi ng titig sa akin ng doktora.
"D-doc...."
Naiiyak kong tawag sa doctor.
"Nasa nursery room na ang iyong kapatid na sobrang cute."
Nakangiti n'yang balita sa akin. Kaya kahit papaano nabawasan yong kaba sa dibdib ko.
"Eh...si inay po doc,kumusta po ang inay ko.? Saang room po ba s'ya-"
"I'm so sorry ineng hindi kinaya ng iyong inay."
Nakayukong sabi sa akin ng doctor.
"Po?...nasaan nga po si inay ko?!"
Nagsimula nang maglandasan ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang ibig n'yang sabihin.
Hindi ko malaman kong paano magrereact sa kanyang sinabi dahil sa sobrang sakit,takot at pangamba na hindi ko na alam kong alin sa mga ito ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na ito.
Sa sakit ba dahil iniwan na ako ni inay ng tuluyan,iniwan na n'ya kami ni bunso. O sa takot dahil sa kaalamang wala na ang inay na palaging and'yan sa tabi ko at gumagabay palagi sa akin. O di kaya sa pangambang paano ko bubuhayin si bunso na mag-isa gayong wala akong alam sa pag-aalaga ng sanggol.
Pero alam kong kailangan kong magpakatatag para kay bunso na ako na lang ang mayroon s'ya,ganoon din ako si bunso na lang ang mayroon ako.
I wiped my tears though I have no idea how to stop it. Dahil sa walang kasing sakit ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko mapigilang maiyak.
'Kaya ko ito' sabi ko sa aking sarili pero sa isip ko hindi ako sigurado.
"D-doc gusto ko pong puntahan si inay at mayakap sa huling pagkakataon"
Mahinang sabi ko sa kanya. Gustong-gusto kong mayakap si inay sa huling pagkakataon. Hindi ko man lang s'ya nakausap. Sana nagpumilit na lang akong sumama kay inay sa delivery room kanina.
"Sige. Pero mas mabuti siguro kong silipin mo muna ang kapatid mo bago natin puntahan ang inay mo."
Sabi ni doktora sa akin. Kaagad naman akong sumang ayon sa kanya