chapter 12 INFRONT OF ME

1315 Words
JAYVEN POV NANG makarating ako sa bahay,isang kasambahay namin ang sumalubong sa akin. "sir magandang tanghali po."bati niya sa akin habang nakayuko ng konti. Ayaw na ayaw ko talaga ang ganitong klasing gesture,na kailangan pa nilang yumuko kahit hindi naman kailangan. Simpling pagbati ay sobrang okay na yon,hindi na kailangan pa ang yumuko dahil hindi naman kami mga Hari at Reyna. "magandang tanghali din sayo Emy. Sa susunod huwag ka ng yumuko,okay?" Sabi ko sa kanya. Maraming beses ko na itong sinabi sa kanila pero wala pa ring sumusunod dahil iyon daw ang sabi ng mommy ko sa kanila. "pero sir hindi po talaga pwede..." "kapag ako lang mag-isa hindi n'yo na kailangan pang yumuko sa akin. Okay na ba yon?" Tumango naman siya. "sir dito daw po kayo dumaan sabi po ni sir James." Ohh pinasundo pa talaga ako ni dad,para masiguro lang na hindi ako makikita ni mommy. Dapat lang talaga na hindi ko muna makita si mommy. Kailangan makausap ko muna si daddy bago niya ako makita.. "salamat Emy. Sige ako na lang dito."Sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa maliit na daanan papuntang library ni dad. It's a secret passage that dad build it himself. I'm not sure if mom knows about this. Hindi ako sigurado kong nakita o nakadaan na ba dito si mommy. Sa pagkakaalam ko ginawa itong escape way ni dad kapag nag-aaway sila ni mom. Napakaliit lang talaga nito,kasya lang ang isang tao. At deretso ito sa library room ni dad. Napa bilib talaga ako ni daddy ng malaman ko ito. Napakahusay ng pagkakplano. Kung nasa labas ka hindi mo talaga maisip na isang maliit na pintuan pala ang mga halaman na nakadikit sa dingding. "dad!"tawag ko kaagad kay dad na ngayo'y nakatitig sa screen ng kanyang laptop habang suot niya ang reading glasses nito. "Son!" Biglang siyang napatayo at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "Kumusta son?"tanong niya kaagad sa akin ng matapos ang yakapan namin. "I'm fine dad. Ikaw, kumusta kayo dito?" "ayos lang ako,ayos lang kami dito ng mommy mo." Ofcourse alam kong ayos lang talaga si mommy tsssk. MATAPOS kong makipag-usap kay dad,nagpaalam na akong magpapahinga muna saglit sa kwarto ko. Medyo malayo din ang binyahe ko. Nang makapasok na ako sa aking silid agad akong nagtungo sa banyo at magsha-shower upang guminhawa naman ang aking pakiramdam. Ngayon nabawas-bawasan ng kaunti ang aking alalahanin mamaya. Alam kong hindi papayagan ito ng aking ama kong ano man ang pinaplano ng aking ina mamaya. Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mga katok sa labas nitong aking kwarto. Hindi ko na sana ito papansinin nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko sa labas. Anthony, Jared and Angelo. Napatingin ako sa aking relo na nakapatong sa maliit na mesa dito sa gilid ng aking kama. Napaupo ako bigla ng makita kong alas syeti na pala ng gabi. Napahaba-haba ang aking tulog kong ganon. Mga limang oras din ang aking naitulog. Hindi ko na pinakaabalahang magbukas ng ilaw dahil may liwanag naman na nagmumula sa labas,kaya hindi gaano kadilim dito sa aking silid. Pinagbuksan ko na sila upang matigil na sa kakakatok,napakaingay talaga kapag nandiyan ang mga kaibigan ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo sa katunayan sa loob-loob ko masaya ako kapag kasama ko ang mga siraulo kong mga kaibigan. "wahhh bro!...ang tagal naman."reklamo agad ni Jared. "Yes bro akala nga namin binangungot kana diyan."Sabi naman ni Angelo. "magdadalawang oras na kaya kami dito sa labas ng kwarto mo. See!,nananakit na yong kamay ko kakakatok sayo."reklamo naman ni Anthony. "tsssk" Hindi ko na sila oinansin,bamalik na ako sa loob at humigang muli sa aking kama. Inaantok pa talaga ako. Kapag mayroong trabaho kasi tatlo hanggang dalawang oras lang yong tulog ko. Mahirap talaga kapag doctor ka. Hindi pwedeng baliwalain ang mga pasyenting dumadating. Sa katunayan niyan Jared,Anthony, Angelo and I are doctors. Makaibang department nga lang kami. Ako general surgeon yong pinili ko. Hindi ko nga rin alam kong yan ang pinili ko dati. Basta naeexcite lang akong manood noon sa mga TV na mayroong live surgery na pinapalabas. Pero nong maging certified General surgeon na ako doon ko nare-realize na mali pala yong pakiramdam kong pagka excited dati dahil buhay nang tao ang nakataya. "what time did you guys arrived?" tanong ko sa kanilang tatlo. Kanya-kanya na din silang umupo sa mahabang sofa dito sa loob ng room ko. "three hours ago bro." Jared said. "so,anong ginawa n'yo sa loob ng tatlong oras habang nandito kayo dahil ngayon niyo lang ako ginising?" "we entertain your fiancee,she's pretty bro." sagot ulit ni Jared. "hmmm malaki din ang papaya niya" nakangising saad ni Anthony. "at siguradong hindi kana malulugi don bro,"sigunda naman ni Angelo. Hanggang sa sabay-sabay na silang tumawa sa harapan ko. Kaya pinagbabato ko sila ng mga unan ko. Mga loko talaga,kung anu ano na lang mga pinagsasabi at paano nasali ang papaya dito tsssk. At ibang papaya yong nasa isip ko... s**t! DUMATING na ang oras na magsisimula na ang party. At nandito na rin ang ibang bisita. Yong iba naman siguro papunta pa lang. Hanggang sa magsimula ng magsalita ang MC na kinuha ni mommy para maghost sa gabing ito. "Magandang gabi sa ating lahat!!"bati ng MC. "Sa gabing ito ay ipagdaos natin ang kaarawan ng nag-iisang MRS.GARCIA dito sa lugar natin." Nagpalakpakan naman ang lahat. Habang ako ay parang aalis na at babalik na lang sa trabaho dahil sa kong makadikit sa akin ang Gretchen na to ay parang butiki. Kapit ng kapit,at kanina pa ako pinagkakant'yawan nang mga siraulong lalaki sa tabi ko. Ang sarap ipag uuntogin ang mga ulo nila para matigil. Nasa iisang table kami nila mom,dad,Gretchen and her parents and ofcourse my three idiots bestfriend. Hanggang sa maagaw ang aking pansin ng dalawang babae na kakapasok pa lang. At mula sa gilid ng aking mga mata nakikita kong ganoon din ang aking mga kaibigan,doon nakatingin sa dalawang babaeng kakapasok pa lang at naupo sa mesang malapit sa amin. AT hindi ako maaaring magkamali,si Sheilo ang isa sa dalawang babae. Hindi ko malaman kong ano ang aking gagawin kong lalapitan ko ba siya o hindi. Hanggang sa napagdesisyonan kong lapitan sila. Tatayo na sana ako ng tawagin ng MC ang aking pangalan ganon din kay Gretchen. Kaya bigla akong napatingin kay mommy na napakalawak ng pagkakangiti na nakatingin din sa amin ni Gretchen. Hinila kami ni mom papuntang stage,kaya wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo. "maliban sa birthday party ni Mrs.Garcia ay ngayon din idadaos ang engagement ng dalawang taong nagmamahalan." Sabi ng MC sa microphone. Biglang nagtaasan ang aking dugo dahil sa aking narinig. Dahil sa sinabi ng MC bigla ko na lang tinabig ang kamay ni mom at naunang naglakad papuntang stage. Magsasalita pa sana ako ng may kumuha ng micropono sa aking kamay. At si daddy ang kumuha nito. Napaatras ako at nagtungo sa likuran niya kung saan nadoon din sila mom. "sa gabing ito nagpapasalamat ako sa mga dumalo upang samahan kami na ipagdaos ang kaarawan ng aking may bahay."panimula ni dad habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa mga bisita. Nilingon ko ang aking ina na may pagtataka sa kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ito,dahil hindi din kasi niya alam na alam na ni dad ang tungkol sa engagement. "ang tungkol sa sinabi ng ating MC na engagement,parang nagkamali yata siya dahil walang engagement akong nalalaman ngayon."paliwanag ni dad. The visitors nodded their head. At nagpapasalamat ako dahil tumahimik na lang din ang parents ni Gretchen at ai mom. Nauna na akong bumaba ng stage at dumeretso ako sa mesa na kinauupuan nila Sheilo. Alam kong siya iyan,never akong magkalamali. Habang papalapit ako sa kanilang gawi hindi ko inaalis sa kanya ang aking paningin,at ganoon din siya sa akin,ngunit makikita ko sa kanya ang pagkagulat. Finally after two years of searching,she's finally here, infront of me. "Sheilo? it's you right?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD