chapter 13 KABA

1270 Words
SHEILO POV "KIARA kinakabahan ako,huwag na lang kaya akong sumama sayo." kinakabahan kong sabi sa aking kaibigan. Parang sanay na sanay na talaga si Kiara sa mga ganitong okay okasyon dahil parang wala lang talaga sa kanya. Habang ako dito sa tabi niya ay hihimatayin na sa kaba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lang kakaba ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Eh,mga tao lang naman yang nasa loob nitong malaking bahay na nasa harap namin. Ten minutes na kaming nakatayo dito sa labas ng bahay nang mga Garcia. Ten minutes na din ang binibigay na pasensya ni Kiara sa aking kaartihan daw sabi niya. Eh!kasalanan bang kabahan,hindi ko naman to ginusto noh. "ano kaba naman,tayo na nga mawawala din yan mamaya."Yaya niya sa akin. Kaya napahawak na lang ako sa kanyang kamay. Para kasing nawawalan ako ng lakas na maglakad mag-isa,haisst parang naiinis na din ako sa aking sarili. Sobrang OA naman yata itong kaba na nararamdaman ko. Kaya nag exhale,inhale ako upang kahit papaano mawala itong kaba sa dibdib ko. Pero ganon pa din. "bestfriend kalma,nandito na tayo"bulong sa akin ng kaibigan ko kaya napaayos ako bigla. Habang papalapit kami sa kung saan mayroong mga table na nakaready para sa mga bisita,palala ng palala yong kaba ko sa dibdib. Mayroong isang waitress ang lumapit sa amin at nagdala sa amin sa mesang nakalaan para sa mga bagong dating na bisita. Ramdam na ramdam ko ang mga mata ng lahat. Ramdam kong sa amin nakatingin ang ilan sa kanila at ang iba naman ay nasa stage nakatingin. Hindi ko na nga narinig kong ano ang mga pinagsasabi ng host. "Dito po tayo ma'am "Sabi ng waitress. "salamat "tugon ko naman sa kanya. Nauna nang umupo ang magaling kong kaibigan,hindi man lang nag thank you don sa waitress. Nang makaalis na ang waitress sinita ko si Kiara. Nag-iiba talaga ang ugali niya kapag ibang tao yong kaharap niya. Nagiging demonyita talaga siya sa paningin ko,lalo na don sa mga taong pinagsusungitan niya. "hoissst ano kaba?,hindi ka man lang nag thank you doon sa babae." Sita ko sa kanya. "Bestfriend it's their job."sagot naman niya. Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. I can't believe to hear that from her. "Alam mo ba ang iyong pinagsasabi? kahit na,kailangan pa din natin magpasalamat sa kanila." "Best I say thank you to those people who deserve it,but the girl earlier she's not deserves my thank you."Kiara said. Alam kong seryoso siya,dahil napakahaba ng English niya. Napapa English talaga ang kaibigan ko kapag napaka seryoso niya. Well she really used to speak in English when we meet. And I don't mind at all. Mom trained me that when she was still alive. "paanoo naman nasabi na hindi niya deserve? Ang bait nga niya sa atin eh."rason ko pa din sa kanya. "you maybe blind sheilo but I'm not. I saw her before she came to us. I wetness with my two big eyes,that waitress glaring at us." she said. Napanganga ako sa kanyang sinabi. Hindi ko talaga nakita yon. Grabeh naman ang mata niya napaka linaw naman kung ganon. "hindi ko nakita yon ah. Linaw naman ng mata mo kong ganon." "Bestfriend,dapat ngayon pa lang kailangan mo nang turuan at sanayin ang iyong sarili na mapagmatyag sa iyong paligid."humarap na siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sheilo ito ang palagi mong tatandaan,huwag na huwag kang maniniwala agad sa mga tao sa paligid mo. Matuto kang kumilala kung sila ba ay isang kaibigan o kaaway."seryoso niyang sabi sa akin. Seryoso na talaga siya. Minsan para talaga siyang pulis kong makapag salita. Minsan kinikilabotan talaga ako sa kaibigan kong ito. "ang hirap naman n'yan. Hindi naman ako fortune teller para malaman kong anong klasi silang tao best" "don't worry I'll train you when i have time to stay in your house. You really need that Sheilo lalo na ngayon kong anong klasing pamilya ang kinabibilangan mo. Hindi lang ito para sayo para na din ito sa mga inaanak ko,lalo na kay Shin." Kinabahan tuloy ako sa kanyang sinabi. Ngunit naputol yong sariling mundo namin ni Kiara ng mahagip sa gilid ng aking mga mata ang lalaking naglakad palapit sa kinaroroonan namin. At ganoon na lang ang panlalaki ng aking dalawang mata ng makilala ko kung sino ang taong naglalakad papunta sa gawi namin,papunta dito sa mesa namin ng kaibigan ko. Hindi ako maaaring magkamali,siya ang lalaking nakasama ko ng isang gabi. Siya ang lalaking pinilit kong kalimutan at higit sa lahat siya ang lalaking napakalaki ang parti ng buhay sa anak ko,kay Jayven Shawn. "Sheilo? it's you right?" Dinig kong tanong niya sa akin habang walang kakurap kurap na nakatitig sa akin. Yong kabang nararamdaman ko kani kanina lang ay biglang bumalik. Parang dumoble pa nga,no...naging triple pala. Hindi ako makasagot sa kanyang tanong. Wala akong makuhang tinig sa lalamunan ko. Parang napipi ako bigla. Hindi ko inaasahan ito na mangyayari ang pagkakataong ito. Siguro ito ang dahilan kung bakit ganon na lang ang kabang naramdaman ko habang papunta pa lang kami dito dahil ito pala ang mangyayari sa akin. Ang makitang muli ang lalaking pinag alayan ko ng lahat. "ahmm,bestfriend magkakilala kayo?"bulong sa akin ng kaibigan ko kaya napalingon ako sa kanya. "h‐hah?" di ko alam kong ano ang aking isasagot sa kanyang tanong. "Sabi ko magkakilala ba kayo? Kilala ka niya." "Yes,magkakilalang magkakilala kami,diba Sheilo?"makahulugang sabi ng lalaki sa harapan ko habang mariing nakatitig sa akin. "OH,really bestfriend!?"nahimigan ko ang excitement sa tinig ng aking kaibigan kaya sinamaan ko ito ng tingin ngunit inirapan lang ako. 'Aba't ang babaeng to,inirapan pa talaga ako' himutok ko sa aking isipan. "Yes miss beautiful" ang lalaki na ang sumagot sa kaibigan kong kitikiti no ngayon. "Hi! ladies" Napalingon naman kami ni Kiara sa tatlong lalaki na papalapit din dito sa pwesto namin. Ang gugwapo din nila,pero mas lamang lang sa kanila ang kamukha ng anak ko. "ohh,hi! boys,maupo kayo" Sabi ng kaibigan ko sa kanila. Hindi niya pinansin ang papikitpikit ko ng mata sa kanya. Denidma niya lang talaga ako. Eh kanina lang sobrang seryoso,ngayon naman parang kitikiti na. Umupo naman ng walang pag-alinlangan ang tatlong lalaki. Habang ang isang lalaki sumunod na din sa pag upo ngunit umupo ito sa tabi ko na siyang nagpabilis lalo ng t***k nang puso ko. Hindi ko na alam kong kaba ba ito o ano,basta ewan. "how are you? by the way I'm Jayven" he said. "JAYVEN!" "JAYVEN!" Magkasabay naming sambit ni Kiara na medyo may kalakasan yong boses namin kaya yong ibang bisita napatingin na din sa gawi namin. "Wait....Jayven?!..Tika nga lang,akala ko ba magkakilala kayo ng bestfriend ko bakit nagpakilala kapa?" tanong ng kaibigan kong matanong sa matanong. Jayven,kung ganon magkapangalan pa sila ng anak ko,ng anak namin. Ang buhay nga naman puno ng mga surprises. "Miss beautiful hayaan mo na sila. Kami na lang yong kausapin mo" Sabi ng lalaki na may sobrang kulot na buhok na bagay din naman sa kanya. "Alright guys, Angelo Ledesma" pakilala ng isang lalaki sabay lahad ng kanyang palad sa amin. "Anthony Talledo" pakilala din ng isa. "Jared Lacson" pakilala naman nong lalaking unang nagsalita kanina. "Jayven Garcia " huling nagpakilala ang ama ng anak ko. "Kiara Aina Santos" pakilala din ng kaibigan ko. "Sheilo Ordoñez " ako ang huling nagpakilala. "SHEILO!" magkasabay na sambit ng tatlong lalaki dito sa table namin na ipinagtaka namin ni Kiara. "Bakit may problema? huwag n'yong sabihin na kilala niyo din ang bestfriend tapos nagpakilala kayo ulit ngayon?" Kiara said in a sarcastic tone. "Hello guys! can I join? by the way I'm Gretchen,Jayven's fiancee."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD