chapter 11 PARLOR AND DRESSES

1170 Words
SHEILO POV "Halika kana bestfriend,para maaga pa tayong matatapos" Sabi ng kaibigan kong si Kiara sabay hila ng aking kaliwang kamay. "Best huwag,ikaw na lang. May mga damit pa naman akong pweding mascot diyan eh!. At saka hindi naman natin kailangang mag-ayos ng todo noh!." reklamo ko kay Kiara. PINIPILIT lang naman niya akong magpunta sa parlor na sinasabi niya para daw gumanda kami,LALO daw tsssk. Eh,wala nga ako sa mood na magpunta doon. Meron pa naman akong mga damit na bago pa sa closet ko. Hindi na niya kailangan pang bumili ng bago,gastos lang yon. "Kaya nga kailangan nating magpaganda ng sobra para kung sakali na makita ka ni Mrs.Garcia hindi ka niya makilala,ano kaba naman."hirit pa din niya. Parang wala na yata akong lusot nito. Hindi na talaga mabago pa ang isip niya. "Magastos lang yan best, wala akong per." reklamo ko pa din kahit alam ko na kung ano ang isasagot niya. 'sinabi ko bang ikaw ang magbabayad' sabi nang isip ko. "bakit may sinabi ba akong ikaw ang magbayad?!" Sabi ni Kiara. See? tama ang nasa isip ko,si Kiara pa. Palibhasa maraming pera. Ako yong nasasayangan sa mga pinaggagastos niya. "bahala ka nga diyan. Pera mo naman yan,kapag naging pulubi ka mare-realize mo talaga kong gaano kahalaga ang peso." sermon ko sa kanya. "Okay lang,andiyan ka naman eh" abah!confident lang ang girl. "Abah!confident lang?!" sarkastiko kong tanong sa kanya. "kapag naging pulubi ka hindi na kita bestfriend." Biro ko sa kanya. "Okay lang din,makikitira lang ako dito sa inyo pagnagkataon." Over confident talaga ang babaeng to na hindi magiging pulubi. Sabagay kahit ako naman hindi rin maniniwala na darating ang araw na yan. Magaling at matalino si Kiara pagdating sa usapang negosyo. Kaya nga nakapagtapos siya with the highest grades and award. Halos lahat kinuha na niya ang mga awards na mayroon ang school nila. And bilang bestfriend proud na proud ako sa kanya. Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Sobrang swerte ko talaga sa kanya bilang bestfriend niya. Ang hirap makatagpo ngayon ng tao na magiging malapit sayo at masasandalan mo sa kahit na anong oras. Habang papunta kami sa parlor na sinasabi niya sakay ng kanyang kotse at siya din yong driver di ko maiwasang mag-isip kong ano ang maaaring mangyari mamaya. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang kasalanan sa kay Mrs.Garcia di ko parin magawang makampante. "we're here bestfriend!" medyo nagulat pa ako sa kanya. Bigla na lang kasing sumigaw. "Kiara,hindi mo naman kailangan ang sumigaw eh!" inis kong saway sa kanya. "heller! kanina pa kita tinatawag hindi mo man lang napansin ang beauty ko kaya ayon ang ginawa ko. Kita mo? effective diba? nakuha ko agad ang attention mo." nakangisi niyang saad. "haissst oo na,so ano ang next?" walang gana kong tanong. "abah,tinatanong pa ba yan. Syempre magpaganda muna bago tayo pumunta sa boutique kung saan naghihintay sa atin ang ating magagandang susuotin. " proud niyang sabi. OHH sige siya na ang panalo. Si Kiara na ang panalo,ganon naman palagi. Palagi din akong ganito sunud-sunuran sa kaibigan kong mahilig sa mga trip-trip sa buhay. Wala man lang nagbago sa amin. And I don't want us to change. It's better if we stay like this. This is the amazing bond we had ever since we became bestfriends. And I'll cherish it. Pagkalipas ng dalawang oras sa wakas natapos din. Hindi ko akalain na ganito pala katagal ang magpaparlor. Sa susunod ayaw ko ng ganito,pwede naman na kami na lang ang mag aayos ng aming mga sarili. Mas madali pa siguro kapag kami na lang. My God! sumasakit yong puwit ko kakaupo. "finally natapos din,next huwag na tayong magpaayos ng ganito,sobrang tagal,nananakit na yong puwit ko kakaupo."reklamo ko sa kanya pero tinawanan niya lang naman ako. "hayyy naku bestfriend masanay kana,okay?" Sabi ni Kiara. Ganon?yon lang ang masasabi niya,ako lang ba nasasaktan sa kakaupo? anong klasing puwit mayroon siya? "Hindi ba nanakit yang puwit mo sa kakaupo?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi bestfriend kaya huwag ka ng mag-alala okay lang yong puwit ko." Biro pa niya sa akin. "tssssk" Di ko maiwasang mapasimangot sa biro niya. Seryoso kaya yong tanong ko sa kanya. "tayo na nga!" Yaya niya sa akin. "saan na naman tayo?" "saan pa nga ba kundi doon sa boutique."sagot niya sa akin. Tumahimik na lang ako at sumunod na lang sa kanya palabas ng parlor. Biruin mo sobrang laki ng nabayaran niya don sa parlor na yon. Ten thousand pesos lang naman. Sobrang sayang talaga. "Bestfriend naman,huwag ka ng manghinayang sa pera natin dahil minsan lang naman to. At saka ngayon nga lang kita nayayang magpaganda di ba?" Tama naman siya,ito yong una na nagpaparlor kami. Matagal na niya akong niyaya sa mga ganito pero mahigpit talaga akong humindi sa kanya. At isa pa walang magbabantay sa mga chikiting ko,hindi katulad ngayon na mayroon na. "paano mo naman nasabi na nanghinayang ako sa pera?" tanong ko sa kanya. Obvious ba sa mukha ko ang panghihinayang?. Grabeh naman kung ganon. O sadyang kilala lang talaga ako ng kaibigan kong to. "nakasulat lang naman diyan sa mukha mo" nakangisi niyang sabi. "tsssk,"tayo na nga para matapos nato." "Allright let's go." sang ayon din naman niya sa akin. Malapit lang naman pala ang boutique mula sa parlor na pinagmulan namin. Siguro mga twenty five minutes lang yong naging byahe namin kung hindi ako nagkamali. Matapos mai-park ni Kiara ang sasakyan bumaba na ako kaagad ganon din naman siya. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng isang boutique na nag ngangalang K-BOUTIQUE. Sobrang unique naman ang pagkakangalan,pero masarap siya sa pandinig kong babasahin mo siya. "good afternoon ma'am!" sinalubong kami ng isang babae at bumati na rin siya sa sabay yuko sa amin. "good afternoon din sayo." "good afternoon din sayo" magkasabay naming bati ni Kiara sa kanya. "ahmmm miss yong ipinahanda kong gown kahapon ayos na ba?" tanong ni Kiara sa babaeng kaharap namin. "sandali lang po ma'am,e-che-check ko lang po. Pangalan nga po?" magalang na taong ng babae. "Kiara" seryosong sagot ni Kiara. Pati ako naninibago. "ready na po ma'am,dito po tayo." giya niya sa amin kong saan siguro nakalagay yong damit na ipinahanda ni Kiara sa kanila. "ayos-ayosin mo nga yang boses mo,nakakatakot ka alam mo ba yon.?" saway ko sa kaibigan ko. At ang loka nginitian lang ako. Napailing na lang ako sa trip niya. "Kailangan mong maging dalawa ang mukha best kong gusto mong umasenso sa larangan ng negosyo. Dapat alam mo kong paano kumilatis ng tao bestfriend para hindi ka maluko" Sabi ni Kiara. My point din naman siya. Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti. "Ma'am ito na po yong mga dresses na ipinahanda niyo." untag sa amin ng babaeng nag assist sa amin ni Kiara. Ngunit natigilan ako ng lingunin namin siya. Hindi dahil sa kanya kundi dahil sa dalawang dresses na dala niya. Sobrang ganda tingnan,masarap sa mata. Kulay rose pink ang isa,ang isa naman ay mint green. Mukhang mamahalin ang mga ito,magkano na naman kaya ang ibinayad niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD