SHEILO POV
Nagpapasalamat ako sa d'yos dahil nitong mga nakalipas na araw bumalik na sa dati si inay. Yong sigla n'ya nakikita ko na ulit kahit minsan makikita parin yong sakit sa mga mata n'ya simula nong ewan kami ni itay.
At ngayon nga palihim kong tinitingnan si inay dahil may iba akong napapansin sa kanya nitong mga nakaraang araw at sobra akong nag-alala sa kanya.
Palagi kasi s'yang nahihilo at nagsusuka tuwing umaga. Kung tatanungin ko s'ya kung okay lang ba s'ya,sagot n'ya okay lang naman daw s'ya kaya wala na akong nagawa pa. Kaya ito palihim ko nga s'yang binabantayan kapag nandito ako sa bahay at kung walang pasok.
Graduating na ako sa high school this year. And that's because of my mom. Kahit sobrang hirap ng buhay napapaaral pa rin n'ya ako.
"Mom,why are you eating too much?"
Lumapit ako sa kanya at nakangiwi kong tiningnan ang mga manggang hilaw na nasa harapan n'ya. Meron ding bagoong sa maliit na mangkok. Naglalaway tuloy ako sa aking nakikita. Gustohin ko mang kumain ng kumain ng mangga kaya lang hindi pwede. Sumasakit kasi puson ko kapag may period ako. At saka walang problema sa mangga dahil nandito lang naman sa bakuran namin,napakadaming bunga. Dito din kami kumukuha ng pinagkikitaan ngayon,binibinta namin ni inay sa palengke.
"Sweetheart come. I didn't know this kind of food is so amazing. Try this Sweetheart."
Sabi ni inay sabay bigay sa'kin ng isang slice ng mangga at may bagoong sa ibabaw nito. Napailing ako kay inay.
"Thanks mom but I don't want."
Mejo dumistansya ako kay inay dahil kunting-konti na lang susunggaban ko na talaga ang mga mangga na nasa harapan ko.
"Inay,you really eat too much this past few days and I heard you vomiting once. Okay ka lang ba inay? May dinaramdam kaba?"
Nag-alalang tanong ko sa kanya. Ang lakas talaga kumain ni inay nitong mga nakalipas na araw. At palagi ko rin s'yang naririnig na nagsusuka. Yes,palagi hindi lang minsan katulad ng sabi ko kay inay.
"I'm fine Sweetheart. Don't worry about me. You,how's your school?"
Tinitigan ko muna s'ya ng mariin bago ako sumagot.
"Everything is fine inay. Five months from now is our graduation and I think I am running for a valedictorian inay."
Proud kong sabi sa kanya. Tudo sikap talaga ako sa pag-aaral dahil alam kong ito lang ang tanging paraan para maiahon ko sa hirap ang buhay namin ni inay kapag nakapagtapos na ako.
"I'm so proud of you sweetheart "
Tumayo si inay upang lapitan ako at yayakap s'ya siguro sa akin ngunit nakaisang hakbang pa lang s'ya ng bigla na lang s'yang nabuwal. Kaya napasigaw ako sa gulat at kaba mabuti na lang nakahawak si inay sa dulo ng mesa.
"Inay!"
Mabilis akong lumapit sa kanya at inalalayang makaupo ulit sa upuan niya kanina.
"Inay kinabahan ako do'n ah. Okay lan po ba talaga kayo? Para kasing hindi kayo okay eh,mag-pacheck-up na kaya kayo inay."
Nag-alala talaga ako ng husto kay inay nitong mga nakaraang araw o buwan na yata. Pero parang lumalala na yata ito.
"I'm really fine Sweetheart. Don't worry. I'm pregnant,that's why you saw me weird this past months or days."
"W-what?"
Nautal ako sa aking narinig mula kay inay. She said she's pregnant!. For god sake! I-t's I-t's a baby. Di ko mapigilang mapaluha. Kay tagal kong lihim na pinangarap na sana magkakaroon ako ng kapatid. At ngayon ito na nga may bunso na ako.
Nilapitan ko si inay at binigyan ng mahigpit na yakap. Para na akong baliw lumuluha habang tumatawa. At ganun din si inay.
Nawalan man kami ni inay mayroon namang dumating na pumalit sa taong nawala sa amin.
"Ilang buwan na si bunso inay?"
Tanong ko habang marahan kong hinaplos ang t'yan ni inay.
"Your language Sweetheart."
"Inay naman,nagtatagalog ka rin kaya minsan."
Ayaw talaga ni inay na nagtatagalog ako kapag s'ya ang kausap ko,pero sya pwede ako lang yong hindi.
"Sweetheart gusto kong mahasa ka sa linggwahing Español at English."
"Bakit nga inay?"
"You'll know when the times come Sweetheart. But for now I want you to learn those two languages."Sabi niya.
Wala na akong masabi dahil yan lagi ang rason ni inay. Hindi ako mapilit na tao kaya hinayaan ko na lang s'ya. Alam kong darating din ang araw na sasabihin niya sa'kin kung bakit. Sa ngayon ang paghihintay lang ang dapat kung gawin.
And besides it is a big help for me in the future. Even now,sobrang nakakatulong s'ya sakin,to my studies as well. Dahil sa panahon ngayon kadalasan English na ang ginagamit kaya dapat kailangan magaling ka dito.
"A'right I understand and wait when that times come."
Sagot ko sa pinakamamahal kong inay. Patuloy ko paring hinahaplos yong t'yan niya. At s'ya naman patuloy parin sa pagkain. 'Haiiii cravings ika-nga.'
"Hmmm I just hope when that time comes you dont change Sweetheart,just stay what and who you are right now,can you promise me that?"
Hinawakan ng dalawa n'yang kamay ang aking mukha at mariing tumitig sa akin. Nakakapanibago tuloy parang ibang inay ang nasa harapan ko ngayon,ang seryoso n'ya.
"Inay naman,nakakakaba naman kayo. Sobra n'yo pong seryoso."
Nakangiti kong sabi sa kanya na ikinangiti n'ya rin.
"Your language Sweetheart"
Malambing n'yang saway sa'kin.
"Inay pangako po,hindi ko po kakalimutan lahat nag itinuro n'yo sakin"sabi ko sabay taas ng dalawa kong kamay. "Hayaan n'yo lang po akong magtatagalog,dumudugo po kasi ang ilong ko kaka english eh."
Natawa naman s'ya sa sinabi ko. And I'm thankful for that. Kahit sa simpling salita ko lang napapatawa ko ang aking inay.
"Okay. I'll remember that promise of yours."
"Hmmmm"i nodded at her. "Nay baka kailangan n'yong mag-pacheck-up to make sure bunso is okay."dagdag ko pang sabi.
"Okay lang ako anak,at saka may pre-natal check up naman ako d'yan sa center kada buwan,kaya ayos lang ako at si bunso."
"Sige,basta siguradong okay lang kayo,hah?"she just smile and nodded at me.
"Right!"
Biglang sabi ko ng maalala kong hindi pa niya sinagot yong tanong ko kung ilang months na si bunso.
"Hindi mo pa sinagot yong tanong ko inay."
Nakanguso kong reklamo sa kanya.
"Hah?"
Parang nakalimutan niya yata yong tanong ko eh. Basi sa reaksyon ng mukha niya.
"Yong tanong ko kung ilang buwan na si bunso."
Inulit ko na lang ang tanong ko sa kanya kanina.
"Ohhh,sorry sweetheart. Four months na. Magpa-five months na s'ya next week."
"Ganon po ba,pero bakit ang liit pa rin ng t'yan n'yo inay?"
"Hindi ko rin alam Sweetheart. Pero hindi naman ako nag alala dahil noon,nong ikaw ang ipinagbubuntis ko maliit din ang aking t'yan."
"Five months kung ganon inay four months from now lalabas na si bunso at saka graduation ko na po inay."
Masigla kong sabi. Pero huwag naman sana lalabas si bunso sa graduation ko.
***
Ang bilis lumipas ng araw at buwan ngayon. Sa wakas ngayong araw na ako magtatapos ng high school at gaya nga ng sabi ko magtatapos ako bilang isang valedictorian of this year.
Napakasaya ko,ganun din c inay. Binati din ako ng mga Garcia. Ang mga Garcia ay sila yong pinaglalaba ni inay dati. Sa ngayon ako na kasi malaki na t'yan ni inay. Hindi na pwede sa kanya ang paglalaba,at hindi ko rin naman s'ya papayagan.
"Congratulations Sweetheart and I'm so proud of you. Pasensya kana walang gift si inay sayo. Saka na lang babawi ako."
Naluluhang wika ni inay pero nakangiti naman sya. Tears of joy ika nga.
"Okay lang inay. At saka sa bunso ang the best gift n'yo po sa akin at walang makakapantay sa kanya."
Nagsimula na kaming maglakad papuntang stage pero hindi ko na isinama si inay dahil nag-alala ako sa kanya baka mapaanak sya bigla kaya pinaupo ko na lang sya sa pinakaunang upuan.