SHEILO POV
Isang linggo na ang nakalipas simula ng iwan na kami ni inay ng tuluyan. At one week old na rin si bunso.
Shin ang ibinigay kong pangalan kay bunso,my little man. Napaka cute n'yang bata. Pareho kami ng mata light green na namana namin kay inay.
Nagpapasalamat ako dahil hindi sya iyakin,siguro alam at ramdam n'ya na ako lang ang nag aalaga sa kanya,na wala na ang inay namin.
Mabuti na lang at mabait yong doctor na nagpaanak kay inay,s'ya yong nag-aasikaso sa cremation ni inay. Yes, we cremated mom's lifeless body dahil iyon daw ang hiling ni inay bago s'ya nagpaalam ng tuluyan. Dahil sa ganon daw hindi na ako mahirapan pa.
Hanggang sa huling hininga ni inay ako pa rin ang iniisip n'ya, kami ni bunso.
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip at pagbalik tanaw sa mga nangyari ng marinig ko ang iyak ni bunso.
Agad akong napatakbo papunta sa room namin. Nakita ko lang naman si bunso na walang tigil sa kakaiyak. Kinabahan ako bigla dahil ito ang unang beses na umiiyak s'ya ng ganito. Mabilis ko s'yang kinuha mula sa kanyang higaan at kinarga at ganun na lang ang takot ko dahil sobrang init ni bunso.
Dahil sa takot ko na baka anong mangyari sa kapatid ko,hindi ko na namalayan na nakalabas na pala ako ng bahay at lakad takbo ang aking ginawa para lang madala ko agad c bunso sa hospital at parang may sariling isip ang aking mga paa.
Hindi ko na alam kong ilang minuto lang ang aking itinakbo mula sa bahay papuntang hospital dahil pakiramdam ko ang bilis kong narating ang hospital.
"D-doc tulong po!"
Di ko napigilang mapasigaw sa loob ng ER dahil nangingibababaw sa akin ang sobrang takot na mawala sa akin ang kapatid ko. S'ya na lang ang mayroon ako kaya hindi ko hahayaang mangyari yon.NEVER.
"Ano ba ang nangyari sa kanya?"
Tanong agad ng doctor sa akin ng s'yang tumingin kay bunso.
"Nilagnat po s'ya doc"
Naiiyak ko ng sabi sa kanya.
"Ilang araw na ba ang lagnat nitong anak mo?"
Tanong sa akin ng doctor habang ang kanyang attention ay kay bunso nakatuon.
"Ngayon lang yata doc,kasi kahapon wala namang lagnat si bunso."
Napalingon ang doctor sa akin,marahil dahil sa pagtawag ko kay Shin na bunso. Inakala kasi nito na anak ko si Shin.
"Kapatid mo?"
"Opo doc."
"Pasensya kana napagkamalan pa kitang ina nitong kapatid mo."
"Okay lang po,wala din naman pong problema sakin yon."
***
Matapos ang mahabang oras medyo okay na si bunso. Bumaba na din yong lagnat n'ya. Nagka dengue s'ya.
Gayon na lang ang takot ko ng sabihin ng doctor na dengue yong dahilan kung biglang nilagnat si bunso. Mabuti na lang daw at nadala ko kaagad dito sa hospital.
Nagpapasalamat ako ng lubos sa may kapal dahil hindi n'ya kami pinabayaan. Ang problema ko na lang ngayon ay kung saan ako kukuha ng pambayad dito sa hospital,sobrang laki pa naman ang babayaran ko dahil private hospital pala itong hospital na napagdalhan ko kay Shin.
Napatingin ako sa pintuan nitong private room namin ni Shin dito sa hospital ng may kumatok saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Nakita ko lang naman ang nurse. E-che-check n'ya siguro si bunso.
Hanggang sa nakaisip ako ng idea.
"Nurse"
Tawag ko sa nurse. At lumingon naman ito sa akin.
"May kailangan po ba kayo miss?"
Magalang n'ya ding tanong sa akin.
"Pwede bang makiusap sayo?"
"Sige po miss,ano ba yon?"
"Pwede mo bang bantayan yong kapatid ko ngayong araw may pupuntahan lang akong importanti,kukuha lang ako ng pangbayad dito sa hospital?"
"Oo naman,ako po yong naka assign sa kapatid n'yo miss. Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kapatid mo."
"Maraming salamat talaga sayo ate nurse"
Napakabait n'ya, parang gusto ko tuloy s'yang maging ate.
"Sige na,umalis kana habang tulog pa ang iyong kapatid para makabalik ka din kaagad."
Nakangiti n'yang sabi sa akin na ginantihan ko din.
Nang makalabas na ako sa hospital building,tiningala ko muna kung anong hospital itong napagdalhan ko kay bunso. At doon ko nalaman na pagmamay-ari pala ito ng mga Garcia. Ang GARCIA MEDICAL CENTER. Private talaga ang hospital na ito.
Naisipan ko munang umupo sa may gilid nitong hospital upang makapag-isip kong saan ako kukuha ng malaking pera para pambayad sa hospital. Sigurado naman kasi akong malaki ang mababayaran ko dahil sa private nga ito. Hindi naman ako nagsisi na dito ko dinala si bunso,ang mahalaga sa akin ay maging okay na s'ya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo makalipas ang kalahating oras kong pag-iisip na sa hanggang wala pa rin akong maisip kung saan ako kukuha ng may kalakihang pera.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong nakasulat na BAR OF LOVE. Dahil sa curiosity ko,dahil nga sa ganda ng pangalan nito pumasok ako ng walang pag-alinlangan hanggang sa hinarang ako ng isang lalaki.
"Miss hindi ka pwedeng pumasok d'yan."
Pigil sa akin ng isang lalaki. Hindi lang s'ya basta lalaki,napakalaki n'yang tao at ang tangkad pa.
"Bakit po?"
Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Dahil bawal kang pumasok d'yan, maliban na lang kong mag-aaply ka d'yan ng trabaho saka ka pa pwedeng pumasok."
Sagot n'ya sa akin na s'yang lalo ko pang ipinagtataka. Kaya napaisip ako ng magandang idea. Naisip ko rin na baka ito na ang sagot sa problema ko.
"Kuya paano po ba mag-aapply d'yan,naghahanap po kasi ako ng trabaho. Kailangan ko ng pera para sa kapatid kong nasa hospital baka pwede ako d'yan."
"Sigurado ka miss hindi mo alam kong anong lugar itong pinasokan mo at sigurado ka rin bang mag-aapply dito?"
"Opo,sure po ako."
Nakapag decision na ako na papasok dito,sa tingin ko din naman kasi malaki ang sweldo dito dahil napakaclass ng mga tao dito,pati na yong mga gamit sa loob lahat mamahalin.
Napatitig sa akin si kuya na parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Sigurado ka miss?"
Tanong ulit nito sa akin. Ang kulit din naman nitong si kuya. Sigurado na nga eh.
"Upo kuya,I'm really sure"
"Okay maghintay ka lang dito pupuntahan ko lang si boss ang may-ari nitong building."
Sabi n'ya sa akin sabay alis sa aking harapan. Umupo na lang ako sa silyang inupuan ni kuya kanina.
HINDI naman nagtagal bumalik si kuya at may kasamang may edad na babae. Nang makalapit sila sa akin agad namang ngumiti sa akin ang babae.
"Anong pangalan mo miss"
Tanong agad sa akin ng babaeng kasama ni kuyang malaki ang katawan.
"Sheilo,Sheilo po ang pangalan ko."
Pakilala ko sa kanya.
"Ahmm Sheilo ako nga pala ang may-ari nitong building nato. Tawagin mo nalang ako sa pangalang mamang"
Pakilala sa akin ng ginang.
"Sige po mamang."
"Halika ka sumama ka sa akin. May ipapaliwanag lang ako sayo bago kita tanggapin dito sa bar ko."
Nang marinig ko ang salitang bar,bigla akong kinabahan dahil sa salitang yon. Ngayon ko lang din naisip na ang pangalan nito building na pinasukan ko ay may bar din.
Bigla akong nanlamig ng hawakan na ako ng ginang at marahang hinila papunta sa nakasaradong pintuan. Opisina n'ya yata ito dahil may nakasulat na main office sa ibabaw'ng bahagi nitong pinto.
"Maupo ka Sheilo."
Sabi sa akin ni mamang sabay turo sa single sofa na nasa harapan n'ya kaya umupo na rin ako.
"Alam mo ba kung anong klasing trabaho ang plano mong pasukin ngayo"
Tanong n'ya sa akin habang mariin n'ya akong tiningnan.
"A-...h-hindi po ako sure kong tama po itong hinala ko mamang"
Nauutal kong sagot sa tanong n'ya.
"Allright. Kailangan kong klarohin ito sayo para malinawan ka at mapag-isipan mong mabuti."
Sabi n'ya sa akin at saka nagpakawala ng malalim na hininga.
"Ang building na ito ay isang bar Sheilo. Ibang klasing bar ito,hindi ito kagaya ng mga bar na kadalasan nating naririnig sa kung saan-saan. Yong mga bar na puro sayawan at inoman. Itong bar ko ay iba. Binabayaran ang mga babae dito kapalit ng pakikipagtalik sa kung sino man yong nagkagusto sa kanila at planong ilabas."
Patuloy lang si mamang sa pagsasalita at pagpapaliwanag sa akin. Hindi naman ako sobrang inosente para hindi ko s'ya maintindihan. Alam ko kong ano ang ibig n'yang sabihin ganun pa man wala na akong pakialam. Mas kailan ko ang pera ngayon para kay bunso. Saka ko na iisipin ang tungkol sa sarili ko.
"Sheilo naiintindihan-"
"Alam ko mamang at naiintindihan ko"
Pinutol ko na ang gusto pa n'ya sanang sabihin sa akin.
"Sigurado na po ako mamang kahit isang gabi lang,kailangan ko talaga ng pera para sa kapatid kong nasa hospital ngayon."
"Napaka swerte naman ng kapatid mo sayo,dahil lahat gagawin mo para sa kanya."
"Dahil s'ya na lang ang mayroon ako mamang"
Natigilan naman s'ya dahil sa aking sinabi.
"Allright,dahil sigurado kana,sa'iyo ko na lang ibibigay ang isa sa mga VIP kong costumer. Sana lang hindi mo ito pagsisisihan Sheilo. Napakabata mo pa at napakaganda pa."