SHEILO POV
NATAHIMIK ang lahat sa pagdating ng nagngangalang Gretchen. Lalo na ako,dahil mayroon na pala siyang fiancee. Tama lang siguro na hindi ko na ipaalam sa kanya ang tungkol kay Shawn baka masasaktan lang kami lalo na ang anak ko. At ayaw kong mangyari yon.
"ohhh...my fiance kana pala" Kiara said.
Si Kiara ang unang nakabawi at ang unang nagsalita sa amin na ngayoy nanatiling tahimik.
"don't tell me mayroon din kayong mga fiancee?" binalingan ni Kiara ang tatlo.
"ako wala I'm single" si Jared ang unang sumagot.
"ako wala" Anthony said.
"I don't have" Angelo said.
SI Jayven nanatili pa ring tahimik dito sa aking tabi. Hindi man lang pinansin ang kanyang fiancee na ngayon ay nakakapit na sa kanyang braso.
Ngunit nagulat kami ng bigla na lang niya itong inalis sa braso niya at .nilingon ang fiancee niya. Nakaramdam naman ako ng konting kirot sa dibdib ko kaya napayuko na lang ako sa mesa.
Maya maya lang naramdaman kong may kamay na humawak sa aking isang kamay sa ilalim ng mesa. Napaangat muli ang aking paningin sa kay Jayven dahil siya lang naman itong may lakas loob na hawakan ang aking kamay habang nasa harapan namin ang nagpakilalang fiancee niya.
Hindi ko alam kong ano nasa ulo ng lalaking ito. Ngayon lang kami ulit nagkita matapos ang isang gabi na yon. Tapos ngayon may nagpakilalang fiancee niya. Ibig sabihin ikakasal na siya pero bakit may pahawak hawak pa siyang nalalaman sa aking kamay,siraulo ba siya.
"Hey! boys..kumusta kayo dito. Hi! ladies good evening." bati sa amin ng isang may edad na lalaki.
Kaya nabaling ang mata ng lahat sa kanya. Siya si Mr.James ang asawa ni Mrs.Garcia. Napakabait din niyang tao at mapagbigay. Naalala ko noon,sa tuwing sumapit ang araw ng pasko palagi kaming may natatanggap na regalo mula sa kanya.
Lahat kaming mga nagtatrabaho sa kanila mayroong matatanggap na pasko mula sa kanya. Hindi ako sigurado kong naaalala pa niya ako. At alam kong nalaman niya din ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"don't worry tito we're fine here" Angelo said.
"Yeah,Angelo is right tito. Mayroon kaya kaming kasamang magagandang dilag dito kaya ayos na ayos lang kami dito." Jared said.
"tito we're fine here,but I don't think bro Jayven is fine." Anthony said.
Nahimigan kong may ibang ipagkahulugan si Anthony sa kanyang sinabi.
"hmmm dad? remember what I told you last time?" dinig kong tanong ni Jayven sa kay Mr.James.
Napakaliit talaga ng mundo naming dalawa. Akalain mo siya pala ang anak ng mga Garcia. Ang nag-iisang anak nila na kahit isang beses lang hindi ko nakita o nakilala man lang sa mga araw na nagtatrabaho pa kami sa kanila.
Hindi ko lubos akalain na ang nag iisang anak nila ang magiging ama ng aking anak.
Ano kaya ang magiging reaksyon nila sa oras na malaman nila ang toto. Lalo na si Mrs.Garcia na pinangdidirihan ako ng malaman niya na buntis ako. At anak naman pala niya ang ama.
Matatanggap kaya nila kami nang anak ko? Matatanggap kaya nila ang anak ko?
Matatanggap kaya ni Jayven ang anak ko?
Napakadami kong tanong ngayon. Napakadami kong what if ngayon sa isip ko. Pero isa lang ang sigurado ako,ano man ang mangyari hindi ko hahayaang saktan nila ang anak ko. Magkagulo muna bago mangyari yon.
"Sheilo?" napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko.
Walang iba kundi si Mrs.Garcia. Si Mrs.Fely Garcia,ang asawa ni sir James at ina ni Jayven.
'WOW' napa wow na lang ako sa aking isip dahil parang reunion ang nangyari sa amin ngayon. Biruin mo after more than two years nagkita kami ulit sa lalaking pinag alayan ko nang aking sarili. Tapos ngayon,si Ma'am Fely naman matapos noong tinanggal niya ako sa pagtatrabaho sa kanila bilang tagapag laba.
"good evening po ma'am Fely" bati ko sa ginang.
"what are you doing here? paano ka nakapasok dito?" Ma'am Fely asks.
Sunod-sunod niyang tanong. Hindi man lang gumanti sa pagbati ko sa kanya. Yong klasi ng pagtitig niya sa akin ay parang nangdidiri,ganito din siya kong tumingin sa akin noong malaman niyang nagdadalang tao ako.
"p‐po? a‐ahhhm.." nauutal kong sabi.
Wala akong makuhang salita,hindi ko alam kong paano ko siya sasagutin.
"you invited her" walang ganang sagot ng kaibigan ko.
Nilingon ko ang aking kaibigan at binigyan ko siya ng nagpapasalamat na ngiti. Nginitian niya lang din ako.
"what do you mean? I invited her?" nilingon niya si Kiara.
"Yeah.. you sent your driver to give her the invitation card?"
"I send my driver? wait....you mean she's the owner of that flower shop?" hindi makapaniwalang wika ni ma'am Fely.
Naging tahimik ang paligid namin. Ganon din ang mga boys na kasama namin dito sa mesa. Pero hindi ko na sila pinagkaabalahang tingnan pa. Nanatili lang akong nakatitig kay ma'am Fely.
"Alright guys,care to explain why you know each other?" biglang sumabat si Jayven sa usapan ng mama niya at Kiara.
"she used to work here with her mom. But she got‐"
Hindi natapos ni ma'am Fely ang kanyang sasabihin ng biglang pinutol ito ni sir James at siya ang nagsalit.
"Jayven ano nga pala yong sinasabi mo sa akin kanina bago dumating ang mommy mo? sir James asks.
"ah,yeah I almost forget that."Jayven said.
Nagulat ako ng bigla na lang niya akong akbayan at kay lapad ng kanyang mga ngiti na nakatitig sa akin. Kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay.
"Dad,mom I would like to introduce to you,my girlfriend Sheilo." Jayven said.
I heard everyone's gasp. Ano daw girlfriend niya ako? Parang nabingi yata ako,kong anu ano na lang ang aking naririnig.
"WHAT DID YOU SAY!!"
Sigaw ng nagngangalang Gretchen ang nagpagising sa akin,parang hindi lang yata ako ang nagising dahil ang iba kong kasama sunod-sunod na nag ubohan.
"huwag ka ngang sumigaw,nakakasakit ka ng tainga eh!" galit na saway ni Kiara sa kanya.
"anong sabi mo Jayven,ulitin mo nga!?" parang maiiyak ng sabi ni Gretchen.
"Napakalinaw ng pagkasabi ko,I'm sure rinig ng lahat yon." Sagot ni Jayven sa kanya na parang wala lang sa kanya. Na parang walang ginawang kalokohan.
"Eh! paano ako?" Gretchen said habang tumultuous na yong luha niya.
Ako yong nasasaktan sa kaniya. Haissst bakit kasi mayroong mga babaeng pinilit yong sarili nila sa taong halata naman na ayaw sa kanila.
Marami pa naman diyan,at sigurado akong nasa tabi-tabi lang ang taong nakalaan sa atin. Hindi naman natin kailangang ibaba pa natin ang ating mga sarili para lang tanggapin tayo.
Yong iba naman nasa kanila na,hawak na nila ang mga taong nakalaan para sa kanila,eh hindi pa kontento,naghanap pa ng iba at nagloko.
"anong paano ako? why don't you asks my mom,total kayo namang dalawa ang nagplano niyan." Jayven said.
"JAYVEN!!" nagbabalang tiningnan ni ma'am Fely ang kanyang anak.