Glenda...Glenda..
tawag ko sa kaibigan kong si Glenda pero ang bruha mukhang nagmamadali at hindi na napansin ang tawag ko dahil mabilis na itong nakasakay ng elevator.Sumakay na rin ako ng elevator at pinindot ang 5th floor dun kasi naroon ang condo ng boyfriend kong si Max ,3rd year anniversary kasi namin ngayon at ang sabi niya kaya daw siya di nakapasok sa hospital dahil may suprise daw siya ginagawa para sa akin,hindi na ako nagpasundo sa kanya pag ka out ko sa hospital dahil excited na ako sa suprise na sinasabi niya hindi ko din akalain na magtatagal kami ni Max ng tatlong taon lagi na lang kasi away-bati ang nangyayari sa relasyon namin dalawa,at kahit matagal na kami hindi ko pa binibigay sa kanya ang p********e ko dahil nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko lang ito sa taong mapapangasawa ko at kung si Max iyon maghintay siya ng tamang panahon..
Bumukas na ang elevator,naglalakad na ako papunta sa pinto ng Condo ni Max pero nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan,matagal ako nakatayo sa pinto ni Max nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o gagamitin ko ang susi ng Condo niyang bigay niya sa akin, sa huli napagpasiyahan kong gamitin na lang ang susing bigay niya,pagbukas ko ng pinto laking gulat ko sa nadatnan ko totoo nga masusupresa nga ako sa inihanda ni Max sa akin kita ko lang naman si Glenda na nakapatong kay Max sa sofa na wala ng saplot pang itaas habang naghahalikan silang dalawa na hindi man lang naramdaman ang pag bukas ng pinto dahil sa malaswang ginagawa nila,napalingon sila sa akin dahil sa pagbagsak ng cake na dala ko nakita ko ang paglingon ni Max sa akin na gulat na gulat hindi ko na hinintay na magsalita sila dahil mabilis akong tumakbo paalis sa lugar na iyon habang basang basa ng luha ang aking mga mata sa mga oras na yon hindi ko alam ang gagawin ko,hindi ko alam na magagawa sa akin ni Max na pagtaksilan ako at bakit sa kaibigan ko pa,sa taong pinagkatiwalaan ko pa.
Uy ano iniisip mo?nahinto ako sa pagbabalik tanaw ng may maramdaman akong sumiko sa akin,Si Mina pala na kasamahan ko sa trabaho na unang naging kaibigan ko dito..,mag iisang buwan na pala ako dito sa Company Ni Mrs.Fuentilla napakabilis talaga ng araw.
''Wala may naalala lang'' Naiiling na sabi ko dito.
''Naku narinig mo lang ang kanta ng MYMP natulala kana diyan'' . Usisa pa nito sa akin
''May sumasagi lang sa isip ko pag naririnig ko ang kanta na yan na hindi na dapat alalahanin pa'' . kibit balikat na sabi ko.
''Huwag mo ng isipin yun mahal ka non,heto bigay mo na kay Maam kahapon pa niya yan inaantay ngayon ko lang natapos gawin '' sabay abot sa akin ng folder
''Oo kahapon pa niya pinapakuha sa akin yan sayo buti napagtakpan pa kita,Akin na baka ako pa mapagalitan..'' sabi ko dito kinuha ang folder sa kanya
''Naku ikaw papagalitan,e close na nga kayong dalawa ni Maam''
Nangingiti sabi nito sakin..oo nga di ko din akalain magiging malapit kami ng boss ko sa isa't isa kahit minsan nagsusungit pa din siya sa akin iniintindi ko na lang dahil siguro may edad na din siya kaya minsan mainitin ang ulo niya ganun pa man di pa din mawawala ang kagandahan nito,.Madalas niya ako ayain kumain sa labas pag lunch break namin hindi ko naman matanggihan ito dahil magtatampo daw siya pag di ako sumabay sa kanya nahihiya na ako kung minsan sa kanya,lagi nga din sinasabi ng mga kasamahan ko na parang mag lola daw kaming dalawa ni Madam dahil sa nakikita nila sa amin bagay naman na kintuwa ko kasi sa totoo lang sabik na sabik ako sa lola bata pa lang kasi ako ng mawala ang dalawang lola ko s mundo..
Dahil na rin sa pagiging abala ko sa trabaho ay nakalimutan ko na ang masasakit na nangyari sa akin,.naging daan din ito para mas mapalakas pa ang loob ko,maraming kakaibang karanasan ,at maraming naging kaibigan.Kung may nawala,meron naman papalit at darating pa.