Prologue

599 Words
"De Keere, Connor Leon, III" Tawag sa 'kin mula sa stage sa sasampahan namin. Finally, after four years nakatapos na ako ng highschool and the crucial part of studying, College. Sa 'di malamang dahilan, nakasimangot ang mga 'dating honors' sa likod ko. Siguro 'di lang sila makapaniwala na ang dating loko-loko sa section namin ay siyang tatalo sa kanilang lahat pag dating sa acads. Pagtapos sumunod sakin ng ibang honor students, ang pinakahuli, pinaka-maganda, pinaka-sexy na babaeng nakilala ko, "Lutrell, Yvonne Eisha" Halos hinakot niya na lahat ng awards na p'wedeng makuha. Kulang nalang, pati 'Connor's most beautiful girlfriend' kaso, wala eh. Kaibigan at Student Council Vice Pres lang tingin sa 'kin, eh. Of course, siya ang Student Council President. Sobrang lupit nung nag-ayos ng sitting arrangement. Pa'no ba naman, magkatabi kami ni Yvonne. Syempre ka-close ko yung nag-ayos, eh. "Congrats" she said and smiled sweetly at me. Yung ngiting nakaka-guho ng mundo alam mo 'yon. "Congrats too." I smiled back at her. AFTER ng mga naganap sa graduation, nagkaron pa ng onting kwentuhan ang aming tropa. "So, what are your plans?" Szymon asked. I looked at him. "Me?" He blinked twice before answering, "Sige, si ibon muna." Yes, Ibon ang tawag nila kay Yvonne kasi pina-arte lang naman daw ng magulang ni Yvonne ,'yong ibon. Basta mahirap i-explain. She chuckled, "Oh, me. Well, I'll be having a vacation in Korea with kuya Yael and Mom. After, maybe a month or two, I'll settle for college." then she smiled. That's what I love about her. She doesn't think about herself first but her family. "Anong course ba kukunin mo?" tanong ni Szymon. She looked away, "I think law. Ayun 'yong dream nila Dad para sa 'kin, eh." Szymon laughed hysterically, "'Di ka na bata, ibon! dapat may gusto ka ng course na sarili mo. Ano ba talaga gusto mong kunin na sa 'yo or your choice?" "Honestly, gusto ko magka-kasama pa rin tayo. Pero the dream of my own, gusto ko talaga ng culinary arts." she smiled at us. "Really? Parang ni minsan 'di pa namin natikman luto mo. I mean, 'di mo naman kami pinapagluto pag napunta kami sa condo mo." Si Dana 'yon. Lima kaming magto-tropa. Ako, si Szymon, Dana, Mackenzie, at si Yvonne. "Then, I'll invite all of you to our house sometime," Yvonne said. "You?" Szymon looked at me. Ba't naman kasi kami pareho sabihin pa sinusundan ko si Yvonne. "Uh.. Culinary Arts." I said. "Well, masarap ka nga magluto." sagot ni Dana. "Anyways, uwi na kami ni kuya nagtext na sila mama, eh." Sabi ni Mackenzie and she showed her phone. Kuya is she meant ay, si Szymon. Yes, Magkapatid sila. Sunod na nagpaalam si Dana dahil kakain pa raw sila ng family nila sa mall. "So, culinary arts, huh?" she asked. "Oo naman, bakit?" I laughed. She sighed. "Wala naman. It's just, pa'no sila? wala naman ata silang plano mag culinary arts. I wanted to be with you guys until we became successful." "Yeah. You're right." I sighed at her thought. Pag wala talaga kaming kasama na kahit sino, deep talks ang pinag-uusapan naming dalawa. Well, not really deep talks na pati lovelife namin pinapakialaman namin. She cleared her throat, "Anyways, alis na ako. Magaasikaso pa ako ng mga gagamitin namin next week." "Sure. No prob. Ingat kayo." I smiled. Nagulat ako ng yakapin niya ako kaya naman, niyakap ko nalang siya pabalik. "I hope we can still see each other again, Connor," she said while smiling and walked away.  I really hope so. I really hope that we'll see each other again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD