Parang nagulat pa si Celia ng pumasok si Bernard sa cabin nila. Tuloy-tuloy ito sa kama at pagbagsak ng likod nito ay parang tiniba na saging na mahimbing na nakatulog. Saka naalala ni Celia na madaling araw na, Palitan pala ng duty si Alfred at ang kanyang asawa sa navigating room. Dali-dali nyang sinilip si Loida sa kamarote nito. Tulog na tulog ito na balot ng kumot. Madilim pa. Ipinasiya nyang umakyat sa upper deck matapos maglinis ng katawan sa toilet. Nagtimpla siya ng kape sa dalawang cups at inilagay sa tray at umakyat sa navigating room. Nadatnan nya si Alfred na nagbabasa ng manual ng yate. “Gising ka na rin,” bungad ni Alfred ng mamataan nya si Celia na inilapag sa mesa na nasa di kalayuan ang tray. Masuyong inabot nito ang mainit na tasa ng kape. “Eh biglang naghilik sa ta

