Excited si Loida ng makita ang yate na sasakyan nila. Hindi pa siya nakakasakay sa barko. At parang may romantikong hatid sa kanya ang karagatan at ang paglalayag. Mahilig siyang magbasa. At sa mga nababasa nya, parang may kakaibang hatak sa kanya ang dagat, ang alon, ang simoy ng hanging mula sa karagatan, at ang mga naglalayag na mga sasakyang dagat. At umaasam siya ng isang maganda, masarap at kakaibang karanasan sa one week cruise na ito. Hila-hila ni Altred ang dalawang maletang de gulong papunta sa tulay na pansamantalang nag-uugnay sa yate at sa pantalan. Nakangiti na sinalubong sila ng mag-asawang Celia at Bernard. “Dito kayong mag-asawa sa isang cabin,” sabi ni Bernard,“ nandoon si Celia sa salon at naghahanda ng ating makakain. Mamayang after lunch na tayo magsisimulang magla

