Sa kabila nito ay wala namang akong reklamo pa sa buhay. Isa pa ay sobrang nagpapasalamat ako, dahil may Ate ako na handang umintindi at magtaguyod sa akin. Sa kabila ng mga pagkakataong nakaka guilty din naman minsan. Dahil hindi ko pa din naman maialis sa aking isip ang isang totoong dahilan bakit nga ba until now ay wala pang boyfriend si Ate. Sa kabila ng katotohanang sobrang hot kaya niya. At alam ko din namang kay raming lalakeng nag aasam na maging girlfriend siya. Subalit nanatili siyang single at naka focus lang siya kung paano ba ako mabibigyan ng magandang future. Isang bagay na hindi ko naman isinasa isang tabi, dahil gusto ko naman talaga gantihan ang lahat ng sakripisyo niya para sa akin. Dahil hindi naman makasarili at gusto ko ding mahanap ni Ate ang isang lalakeng mag

