I Am The Mistress of my Son - E3

994 Words
Hindi naman ako nabigo dahil ilang sabdali lang ay nagsimula na siyang magsalita. Muli naman siyang yumakap sa akin ng mahigpit at, "Mommy I'm sorry... I'm sorry kung nabigo kita." Nag panic ako. "Hey ano problema Baby, please tell me..." Halos mapaiyak na din na tanong ko. Wala akong idea, kung ano ba ang pinagdadaanan niya na tanging ang mga intuitions ko lang bilang Mommy niya ang tanging pinanghahawakan ko, subalit sa higpit ng mga yakap niya ay ramdam kong mabigat ang dinadala niya. "Mommyyy..." Umiyak siya na parang bata. At lalo naman akong natakot dahil dito. Maybe ay hindi ako sanay na ganito siya. Nasanay ako sa isang Sam na masigla at punong puno ng energy. But still, I'm his Mom, at kung ano man ang pinagdadaanan niya ay dapat lang naman na gabayan ko siya. "Sabihin mo sa akin Sam, nakikiusap ako." Bahagya pang kumalas ako sa kanya. At pinagmasdan lang napaka gwapo, subalit malungkot din naman niyang mukha. "Ano Baby, ready kana bang magsalita kay Mommy?" Malumanay sa tanong ko pa sa kanya. Na tila pilit na tinataktak ang bawat information na magmumula sa kanya. Habang ngayon ay marahan ko ng pinupunasan ng aking palad ang luha sa mga mata niya. "Ok Mom, sasabihin ko na. Sana lang ay hindi ka magagalit sa akin." Sandali namang napakunot ang noo ko, subalit nanatiling nakatitig lang sa kanya. "Mahirap mangako Baby, subalit bilang Anak ko ay pipilitin kitang maintindihan sa abot ng makakaya ko. Ano ba kasi yon?" Muli namang huminga siya ng malalim. At maya maya pa nga ay tuluyan na din siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Subalit nanatiling nakatitig lang sa aking mga mata. Na tila tinatantiya ako. Na tila hinahagilap ang mga salitang gagamitin niya sa akin. At dahil dito ay lalo akong kinabahan. Na lalong nabuhay ang kutob ko, na pilit na sumisiksik sa utak ko. Muli naman akong huminga ng malalim at, "Then, sabihin mo na Baby, and promise, makikinig si Mommy?" Bahagya naman siyang ngumiti. Siguro ay dahil naiparamdam ko naman sa kanya na kakampi naman talaga niya ako. "Ok Mom, mabilis lang ito." Sabi pa niya. Hindi naman na ako tumugon pa at patuloy lang na naghintay sa sasabihin niya. "Now Baby, pwede mo nabang sabihin sa kin? Mommy is waiting.." sabi ko pa na tila pilit pinapangaan lang ang sitwasyon. Bahagya naman siyang tumikhim bago umayos at ibinigay ang buong atensiyon sa akin. "Listen carefully Mommy, ang totoo niyan ay behind your back ay nagka girlfriend ako. Plano ko namang sabihin talaga, humahanap lang ako ng tamang timing kasi." Napakuyom ang palad ko, pakiramdam ko ay tila nahati sa dalawa ang dibdib ko. I'm not saying na ayoko siyang magkaroon ng karelasyon. Inihanda ko naman na ang sarili ko matagal na. Subalit bakit masakit pa ding malaman na ang itinuring mong Baby ay may karelasyon na. And soon ay bubuo na din ng pamilya at tuluyan na kaming iiwan ng Daddy niya. "Mom?" "Huh?" "Galit kaba?" Umiling iling ako. Ano nga ba ang karapatan kong magalit? Karapatan naman niya talagang makahanap ng babaeng makaka relasyon niya diba? Diba normal lang naman yon? Ngunit bakit parang hindi sa akin? "May sasabihin ka pa ba Sam? Parang isang sakitan nalang. Para kasing meron pa diba?" Halos magbara ang lalamunan ko. May kakaibang pakiramdam ang pilit na kumakawala sa puso ko. Subalit Mommy niya ako. Diba dapat na ako ang unang makaunawa sa kanya? Na dapat ay masaya akong malaman na straight pala ang Anak ko at hindi bakla. Dahil ngayon ay may girlfriend na siya. "Yes Mommy, meron pa. At tama ka... Para isang galitan nalang." Malungkot na pahayag na. Habang ako naman ay tuluyan ng napaiyak. Confirmation nalang ang kailangan ko. Dahil ito naman talaga ang lahat ng kutob ko. "Sabihin mo na please. Huwag mo na akong ibitin ng ganito Sam." Naiiyak na sabi ko pa. Nagbugtong hininga naman siya at, "Mommy, nabuntis ko si Shiela. I'm sorry pero mahal ko siya. Kaya naman papanagutan ko siya. At handa akong pakasalan siya kahit isang simpleng kasalan lang. Ang mahalaga ay mai alis ko siya sa tiyak na kahihiyan." Tuluyan na akong napaiyak. Humagulgol pa nga ako. Dahil napakasakit ng ginawa niya. Paano na ang pangarap namin ng Daddy niya sa para aa kanya. Paano na ang future ng kaisa-isang Anak namin ni Dan? Ang lahat ba ng ito ay maglalaho nalang dahil sa isang malanding babae na nakilala ng Anak ko? "Mom... Galit kaba sa akin?" Halos nalilitong tanong niya. "Yes Sam, galit na galit. Halos manginig ako sa galit dahil sa mga ginawa mo! Ano ba ang pagkukulang namin sa iyo ng Daddy mo? Ginawa naman namin lahat ah? Ano pa ba ang kulang? Please tell me. Sabihin mo please!!" Literal na umiyak ako ng umiyak. At agad din na hinawi ang kamay ni Sam ng tangkain niya akong aluin. "Nasaan ang malanding babae na yan!? Iharap mo siya sa akin!" "Pero Mom..." "Narinig mo naman ang sinabi ko diba!!! I said iharap mo sa akin ang babaeng yan." Walang nagawa pa si Sam kundi sundin ang utoa ko. At ng matanawan ko nga si Sam at ang girlfriend niya ay lalong umusbong ang galit ko. Maganda ang babae, maputi at mukha namang magalang. Subalit mas namumutawi ang naiibang galit ko para sa kanya. Dahil siya ang umagaw sa akin sa Anak ko. Na kung pwede ko lang siyang sabunutan ay ginawa ko na marahil. "Mom, kasama ko na po si Shiela. Siya ang girlfriend ko and soon to be my wife." Halos magpagting ang tainga ko sa mga nadinig ko. Kaya naman ng tinangka pa ng babae na hawalan ang kamay ko ay mabilis kong hinawi ito. At paasik na tinignan siya. "Ngayong nakita na kita, pwes umalis kana utang ng loob. At ikaw Sam, pwede bang paalisin mo muna siya sa harapan ko!" Sana nga ay nananaginip lang lang ako. Sana nga ay ilusyon lang ang lahat ng ito. Pero hindi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD