After 2 months ay binuksan na din namin ang aming Japanese Restaurant Business. At dahil na din sa pagsisikap namin dalawa ng Anak ko ay unti unti naman naming napalakas ito. "We make it Mama! Ang galing..." masiglang sabi pa niya. "Yes Anak. Dahil ito sa galing at sipag mo. At syempre sa charm mo din. Kaya nga puro babae halos kumakain dito." Sabi ko pa sabay kurot naman ng tigiliran niya bilang paglalambing. At tama, para sa akin ay Anak ko pa din si Haru. At marahil nga ay kahit magpakasal na kami ay mananatili pa din namang Mama niya ako. Na bagamat hindi naman siya sa aking talaga galing. Subalit sa puso at isip ko ay hindi naman maitatanggi ako pa ding ang nag aruga at nagpalaki sa kanya... "Hala siya, puro babae daw. E ano kaya yung mga male students kanina. Na kulang nalang ay

