♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (62.1)

1504 Words

HINDI PA nito ganap na nabubuksan ang pinto ay hinakbang na niya ang isang paa papasok roon. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sakaniya para gawin ang kapangahasan na iyon. Dahil ba masama ang loob niya? Nagngingitngit siya? Galit siya? Naiiyak siya? Hindi na rin niya alam. Awtomatikong nanlaki ang mga mata nito. "E-Elkanah, umuwi ka na p-please," "Bakit natatakot ka ba na mapag-isa tayo?" tanong ng binata. Hindi agad nakasagot ang dalaga roon at nangatal ang labi. "A-Anong--" "Takot ka na mapagisa tayo dahil ayaw mong matuklasan sa sarili mo na hindi mo ako kayang tiisin at tanggihan. Why won't you admit to yourself that you like me, that you want me as much as I do?" paos ang boses na sabi niya. Naging mailap ang mata ng dalaga. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, El. Umuwi ka na.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD