PAGKAALIS NI ELKANAH sa unit niya ay tila doon lamang nahimasmasan si Louisse. Hindi siya makapaniwala sa nangyari! Hindi niya napigilan ang mapaiyak. Sa totoo lang, hindi na rin niya alam kung ano ang kinakaiyak niya. Pakiramdam niya kasi ay marumi at masamang babae na siya. Oo at alam niyang single siya at wala silang relasyon ni Shane, pero bakit pakiramdam niya nagtaksil siya rito? Hindi niya aakalain na ang s****l tension sa pagitan nila ni Elkanah ay aabot sa ganoong kainit ng tagpo! And for pete's sake! Siya pa ang nakabirhen sa binata. At ang makipagsex sa balcony? Na isang dungaw lang sa terrace ng mga kalapit na unit at katapat na building ay makikita sila? Goodness! Nasaan na ang manners niya? Anuman ang mangyari siya pa rin ang dapat sisihin dahil siya ang mas nakakatanda saka

