♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (5.1)

1434 Words
NILINGON NA niya ito at nakita naman niyang may itsura ito. Not bad. "You look good too," ganting puri niya at patuloy silang nagsayawan. Panay na siya halakhak at naging malikot na rin ang mga kamay niya sa lalaking kasayaw. Nawala saglit sa isipan niya si Shane. Dala na rin siguro ng pagiinom niya kanina. Sa pagtingin niya sa gilid niya, ay gustong maduling ng paningin niya nang makita niya si Shane.  Natawa siya. Impossible. Ganoon na ba siya kahibang dito para ma-imagine na ang binata? Ipinilig niya ang ulo at patuloy na sinasabayan ang maharot na sayaw at ang maharot na kasayaw niya. Ngunit natigil siya nang biglang may humablot sa braso niya. Agad siyang naout of balance at nasubsob sa nanghablot sakaniya. "What the hell---" "Let's go home," madilim at malamig na sabi ni Shane. So, si Shane nga talaga ang nakita niya kanina?!  "Shane..." Seryoso pa rin ang mukha nito. "Mabuti naman at naalala mo pa pala ang pangalan ko," How could I forget your name? You moron! Nais niyang isigaw dito. "Ano bang ginagawa mo rito---" "Obviously, uuwi na tayo. Pare pasensiya na, uuwi na kami ng girlfriend ko," tingin nito sa kasayaw niya. Girlfriend. First time niya iyong narinig dito. Dati rati kasi laging kaibigan lang pakilala nito sakaniya. Nais magwala ng puso niya sa mga narinig. Pero ayaw niya pa agad magbunyi. Padarag na hinila siya ng binata paalis doon, nadaanan pa nila ang table nila at nakita niya ang mga nakangising mukha ng mga ito. May ibig sabihin ang mga ngiti nito.  Nagmamadali ang lakad ni Shane. Gigil. Ramdam ang galit. Padarag na sinakay siya nito sa sasakyan at mabilis na pinatakbo ang kotse paalis doon. "Balak mo bang magpakamatay?! Kung gusto mo, huwag mo na ako isama pa! Bababa ako!" Sigaw niya dahil sobrang bilis nito magmaneho. Ramdam ang pinipigil na galit. Tumingin ito sakaniya. "Bababa ka para ano? Para bumalik ka roon sa kalandian mo?! Nawala lang ako saglit may ibang kalandian ka nanaman! Hindi ka ba talaga makuntento ha? Hindi pa ako sapat? Ako nalang landiin mo, Louisse! Ako nalang!" Hinihingal ito sa galit. Natigilan siya. "S-Shane...?" "Alam ko, wala tayong relasyon. Walang label. Pero puwede bang hanggat may namamagitan saatin, ako lang?" Gusto niyang maiyak at sabihin tanging ito lang naman talaga. Pero natatakot siya. "Hindi ka makasagot! May nangyari na ba sainyo ng lalaking 'yon? Ha?" Nanlaki ang mga mata niya. "S-Shane---" Itinigil nito ang sa gilid ang sasakyan at nilamukos siya ng halik sa labi. Nahigit niya ang hininga sa sarap ng halik nito. "Iyan. Iyan ang nararapat na parusa sa'yo. Mas may parusa ka pa paguwi natin sa bahay," nakakaloko ang ngiting iginagawad nito sakaniya. Kung iyon ang magiging parusa niya, she will be a very willing victim. ~ "THANK YOU EVERYONE for coming here. I know a lot of you are having a hard time to attend this party of ours, but I'm glad that we all made it. I won't be here in my position if you all guys aren't amazing. This success is for us! Cheers!" Brusko at buong buo na sabi ni Giovanni. Mababakas sa tono ng boses niya ang pagiging kompiyansa sa sarili. Malakas na palakpakan naman ang iginanti sakaniya ng mga tao roon. Naririto sila ngayon sa isang engrandeng party na kanyang hinanda para sa buong empleyado. Bakit hindi siya magpa-paparty? Nahirang lang naman ang dalawang kompaniya niya na Rosselli Inc. na isang international BPO company as the top 1 BPO in the Philippines. Minana niya ang kompanyang ito sa kanyang ama na si Travis Rosselli. Magreretiro na kasi ito sa batang edad nito na 48 years old. Gusto na lamang nito makasama ang pamilya at alagaan silang magkakapatid. Kaya naman sakaniya na nito pinasa ang pagiging CEO ng nasabing kompanya. Pero hindi lang doon natatapos ang lahat, dahil maging sa batang edad niyang 23, ay may sarili na siyang kompanya. At ito ay ang Angel's Beauty Body Lingerie Company. Ang kanilang produkto ay pawang mga sexy na kasuotan. Bagama't hindi masasabing kasing laki na ito ng Rosselli Inc. ito naman ang top 1 locally pag dating sa lingeries. Tinatag niya lamang ito 2 years ago. Siya ang CEO nito at sa nakalipas na taon ay sumobra ang kita nila at nakilala sila sa Pilipinas. Maihahalintulad ang kanilang produkto sa Victoria's Secret. Pawang mga big time na artista rin ang kanilang mga model. He wants to prove himself. Ayaw niyang makilala lamang siya bilang si Giovanni Rosselli. Ang anak ni Travis Rosselli at Georgina Rosselli. Ayaw niyang makilala dahil siya ang genius na bata noon na inofferan ng Harvard University. Gusto niyang makilala siya ng tao dahil siya ay siya. Na siya si Elkanah Giovanni Rosselli.  Pagbaba niya ng entablado ay kinamayan siya ng kung sino-sinong matataas ng tao sa larangan ng industriya.  "You did great, Elkanah! Your parents must be so proud of you. Despite of your very young age, you prove yourself to everyone." Ani ng isang investor nila na sa tantiya niya ay nasa singkwenta mahigit anyos na. Sa totoo lang kasi, isa siya sa mga pinakabatang naging CEO. He is one of the Philippines youngest billionaire. Tuwina'y may business seminars sila at tuwing may mga business deals, ang mga nakakausap niya ay mga pamilyadong tao na. Laging nasa trenta mahigit anyos na. At siya, tila kakagraduate niya lamang sa kolehiyo. Nakipagkamay naman sakaniya ang iba at nginitan. "You're shining, hijo! I never thought that the little cute boy back then could be this mighty businessman now, huh? Daig mo pa yata ang ama mo. We're so impressed,"  "Thank you very much," magalang na nginitan niya ang mga ito at nakipag daup-palad. "Hindi lang basta matalino itong anak ng mga Rosselli. Elkanah is not just a powerful businessman, he is indeed a genius and with oh-so pretty face. This man is so beautiful. Parang artista. Napakagwapong bata." Komplimento pa ng iba. "I agree. Rosselli's is a fortunate family. Magaganda ang lahi at matatalinong bata. Halatang napalaki ng maayos ng magulang. Kung ganiyan ba ang anak kong lalaki disin sana'y hindi ako namomroblema." Napangiti siya roon. Sanay na siya sa mga ganoong compliment sakaniya. Sa totoo lang hindi naman naging madali ang lahat sakaniya. Napakabata niya pa noong nagtapos siya ng 4 year degree course. He was just 16 years old back then, and the education system were already in k12 curriculum. He was 18 years old when he finished his masteral degree. And at the age of 19 years old, nag trabaho na siya sa kompanya ng kanyang ama. 2 years siyang kumuha ng experience doon, at nang sa tingin niyang kaya na niya magtayo ng isa pang kompanya ay ginamit niya ang allowance niya, savings niya at binenta niya ang mga luxury things niya. Maging ang sports car na regalo sakaniya ng magulang ay ibinenta niya upang kapital sa kompanya niya. It cost millions of pesos. Ayaw niya kasing humingi sa magulang ng pera at ayaw niyang gamitin ang trust fund niya. Kaya iyon, simula noong 19 years old siya hanggang ngayong 23 ay pawang trabaho ang kaniyang inaatupag. He considered himself as beast when it comes to business. Parang hindi siya ang sweet, bubbly and understanding na Giovanni noon. He can be so ruthless when needed to. May mga nagsasabing mas magaling siya sa ama pag dating sa larangan ng negosyo. At wala siyang sinasanto.  Ibang iba na nga siya sa batang Giovanni noon na iyakin, sweet at lampa. He became stronger than ever. Natuto siya tumayo sa sarili niyang paa. Marinig pa lamang ang pangalan niyang Elkanah Giovanni Rosselli ay tiyak iisa ang tatatak sa isipan ng mga ito. A mighty businesman. Well, he is still the loving and thoughtful boy back then. It's just that he just became more wiser and matured now; a beast when it comes to his properties. He can be teritorial too.  Well, lahat ng mga nangyari sakaniya ay utang niya kay Louisse. Bukod sa magulang niya, ang babae ang hinding hindi niya malilimutan. Ito ang nagbigay sakaniya ng lakas ng loob na maging matapang at manindigan. Without her, siguro siya pa rin 'yong batang laging inaapi, mapagbigay at mahina. Louisse become his inspiration as he gets older. Wala namang ibang naging laman ang puso niya kung hindi ang babae. ~ FOLLOW ME: FB Group: EmmahMasterson Stories FB: Kylie Oliver Instagram: emmahwrites YT: Emmah Dreame OTHER STORIES YOU MAY LIKE: -A Night with the Billionaire -Saving the Billionaire COO -The Billionaire Next Door -Blackmailed by the CEO -Finding Mr. Right -Temptation of the Professor's Wife (free) -A Baby and the Three Billionaires (free)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD