TUMAAS ANG isang kilay ng lalaki at nangaasar na tumingin sa binata. "Uhuh. Hindi ka pa pala boyfriend eh, pero ganiyan kana umasta? Pare, huwag ganyan. Huwag mo masyadong sakalin 'yung babae. At magtiwala ka sa kaniya. Wala talaga kaming ginagawang masama," Diniinan ni Elkanah ang pagkakahawak sa collar nito. "Don't tell me what to do! I'm not her boyfriend "yet". At tama ka rin naman. May tiwala ako sakaniya. Pero sa mga lalaking tulad mo? Wala!" Halos magkaamuyan na ang dalawa ng hininga sa lapit ng mukha sa isa't isa. Napahinga nang malalim si Louisse. "Elkanah... please let him go. Umuwi na tayo," sabi na lang niya para matapos na. Nakinig naman ito at pinakawalan ang lalaki. Inayos nito ang nagusot na collar na asar na tinignan si Elkanah. "Relax, pare! Alam ko ang bro-code. Ngayo

